Warning:
This chapter may contain harsh words which do not intend to offend. The character just calls for it.
Thank you..
Leave comments and thank you for the vote..Shan May 14, 2017
-----------------------------------
TWEETY'S POV:
WALANG pagsidlan ang tuwa sa puso ko. Girlfriend ko na si Sugar at wala ng makapag-pipigil pa no'n. Ayokong isiping napilitan siya dahil may choice naman siyang sagutin ako o balewalain ako. Mahal ko siya at bawat araw ng buhay ko mula ngayon, mangangarap akong kasama siya.
Lumipas ang tatlong buwan na naging maayos ang relasyon namin. Hindi ko siya pinipilit na makipagtalik sa akin, basta na lang nangyayari. Hindi na gano'n kadalas ang pagtatampuhan namin at selosan pero aaminin kong may pagka-possessive si Sugar. Mas gusto ko nga 'yon eh. Feeling kong ayaw niya ng may kahati sa atensyion ko.
Madalas na siya sa opisina ko at kilala na siya ng lahat do'n. Busy naman kami sa pag-aayos ng nabili niyang maliit na opisina para sa itatayo niyang catering business.
Masaya kami na walang Devin, walang Chiffon o kung sino pa mang mga taong pinagseselosan namin sa bawat isa. We can manage those pero mas madalas na siya ang inaatake ng topak."Hi baby," sabi kong una nang tawagan ko siya. "Busy?"
"Hi, medyo eh. Kumukuha na kami ni Adam ng manpower para sa business. May nirefer ang auntie niya. Ikaw? Kumain ka na? Alas dos na ah."
"Yup. May meeting lang ako sa Ortigas mamaya, new client."
"Oh congrats! Galing talaga ng baby ko oh!"
"Ikaw din eh, nabola mo rin sa wakas si Adam makipagsosyo sa 'yo."
"Yah right. So pa'no? See you later? Dinner?"
"Ahm okay lang. Uuwi ako ng maaga after ng meeting, ako na ang bahala sa dinner."
"You'll cook?"
"O naman! Dami ng cookbook mo sa bahay eh."
"Hahahahh! Sige, basta galing sa 'yo, kakainin ko 'yan."
"Di ba puwedeng ako muna kainin mo?"
"Tweeety!!!!"
"Hahahahah, joke lang! Baka lang makalusot."
"Baliw! O siya sige na, call kita after namin dito ni Adam."Sa lahat ng pagkakataon ay pinaparamdam ko ang pagmamahal ko kay Sugar. Alam naming pareho kaming bago sa larangan na 'to, sa klase ng relasyon namin kaya't pareho kaming nakikibagay at nag-aadjust.
Wala akong maipipintas kay Sugar. Simple, maalalahanin, masipag, caring, sweet, affectionate, maasikaso, lahat na. Pero sa loob ng tatlong buwan, hindi niya nabibigkas ang salitang mahal kita. But diba, actions speak louder than words pero iba pa rin 'yung maririnig mo siya.
Hininto ko na rin ang pagsasabi ng iloveyou kasi minsan, nadidisappoint lang ako na walang sagot. Matapos naming magtalik, kapag tulog na siya, hahalikan ko ang noo niya atsaka ko sasabihing mahal ko siya. At least, given na hindi siya makakasagot kasi tulog na siya eh. :(After ng meeting ko ay umuwi ako ng bahay at nagluto ng salpicao. Maayos naman ang lasa, wala siyang choice, hehe. Nilagay ko sa isang tupperware at nagbaon na lang ako ng bigas para sa unit na lang kami ni Adam kakain. Dadalaw din kasi si Terrence kaya parang bonding na rin namin. Naghihintay na si Sugar sa unit. She needs to be there before me raw para makapag-linis.
"Hi," bati niya sa akin na may ngiti pagbukas niya ng pinto. Pumasok ako at ginamit ang paa ko to close the door. Kinuha niya ang dala kong tupperware at nilagay muna sa centertable. Binalikan niya ako, kinabig at siniil ng halik.
"Uhmmmm….." maikling ungol ko. Si Sugar kasi kung makakiss minsan, lalo na't miss ka niya, akala mo bubblegum din ang labi ko.
"Uhmmm….tsaaaalap!" biro niya sabay kurot sa dalawa kong pisngi. "Namiss kita kasi Tweet! Namiss ko'ng matulis mong nguso, hahaahha!"
"Ashhooo! Tara na nga, ilagay na natin 'yan. Asan na sina Adam? Madami itong niluto ko."
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...