TWEETY'S POV:
I was surprised by Sugar's actions. After weeks of avoiding her, I didn't expect that deep in my heart, we both feel the same way.
"You kissed me. What was that?"
"Sorry, di ko napigilan. Di na mauulit."
"Sino may sabing ayaw kong maulit? Ulit-ulitin mo pa eh."
"Sira!"Kumain kami sa labas matapos niyang magligpit at magpalit ng damit. After meal ay dumeretso kami sa Coffee Bean para magdessert. Namiss nya raw doon.
"Uhm...Shugs, tapos na ba trabaho mo sa Singapore?"
"Yah, sa wakas mahaharap ko na rin ang business ko dito. I mean, 'yung gusto kong simulang business."
"With Devin still?"
"Minus Devin. Huwag na natin siyang pag-usapan. Malinaw na sa amin ang lahat, tapos na."
"Pero, nag-uusap pa rin kayo? Ano'ng nangyari?"
"Nilinaw ko lang kung saan na ba kami dapat tumungo. Siya sa asawa niya, ako sa career na gusto ko. Hiniling ko na rin na huwag na muna na siyang makipag communicate sa akin at kumalas na ako sa usapang maging sosyo kami. It will make things complicated eh.""Buti naman."
"Well anyway, mukhang mauudlot na naman ang plano ko until July. May commercial na naman akong gagawin."Sumimangot ako. Pakiramdam ko kasi no'ng inask niya akong i-accept siya sa buhay ko, feeling ko akin na siya. Gusto ko siyang ipagdamot kahit kanino.
"Sumimangot ka?" tanong niya.
"Hindi ka na napahinga. Sa modelling, ilang beses mong hinantad ang katawan mo. Sa commercial, ano naman ilalabas mo?"
"Conservative te? Sa scandal nga namin ni Adam, labas suso ko do'n at katawan, hello!"
"Kaya nga baka naman puwedeng tama na 'yon? Kung puwede lang naman."
"Strict ang peg?"
"Bahala ka na nga."
"Okay, pagbibigyan kita. Last na 'yung commercial na gagawin ko then that's it, I'm done, promise."
"Ewan ko sa 'yo!"
"Lam mo Tweet, ang cute mo mainis. Namiss ko yan eh!"
"Ewan...."----
Naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin ni Sugar. Kung anong klaseng relasyon, basta hindi kami pero special kami sa isa't-isa. We're both discovering each other's weakness and strength. Nasasabayan na rin namin ang mood swings at tantrums ng bawat isa.
Come July, nagpatawag na ng conference para sa commercial for October Fest - My second directorial job.
-------
Meeting the people behind the shoot.Hindi sumasagot si Sugar sa mga calls ko kanina pang umaga. Sa parents niya ulit siya nakatira. Pagpasok sa room ay kumpleto na ang mga crew at staff na makakasama ko, kasama ang producer at ang dalawa sa modelo.
"Ah Direk Tweety, nagkaro'n ng revision sa tema ng commercial. Magiging tatlo na silang babae na liligid sa modelong lalaki, si Kit. Tatlo silang tutukso kay Kit habang malanding hawak-hawak ang MC Rhum. 'Yung main model natin na si Suzanne ang pinakamalanding yayapos sa balikat ni Kit at sabay nilang uubusin ang alak."
May sasabihin pa sana si Mr. Ben Ong nang mapalingon kami lahat sa isang babaeng kakapasok lang. Oh my! Suzanne? As in Suzanne Margareth aka Sugar?!
"Hi guys!" Bati niya sabay kindat sa akin. Alam niya? Alam niyang ako magdidirek ng second commercial niya? Grabe ah!
"Sorry I'm late. Naglambing ang dad na ihatid ko sa airport, traffic. So well....asa'n na kayo?"
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...