TWEETY'S POV:
"Pasok po," inalok ko siyang umupo sa mas mahabang sofa. "Kape ho? Juice, icedtea?"
"Tubig na lang," sagot niya. Kumuha ako ng tubig sa kitchen. Haay, ano naman kayang pakulo ng nanay niya? Buti na lang at nasa cruise si Sugar. Pero ako raw ang sadya eh, bakit kaya?
Isang pitsel na ng tubig ang dala ako at sinabayan ko na lang din ng binili kong mamon kanina.
"Kumain lang ho kayo," sabi ko sabay lapag ng dala ko sa center table. Mabilis kong pinasadahan ang ayos niya. Mahabang kupas na palda at isang hapit na kulay dilaw na tshirt. Kahit may edad na, masasabi pa ring may kurba kumpara sa iba. Nakatali lang ang lahat ng buhok at may ilang bangs na nalalaglag sa mata. Nagsimula siyang magsalita.
"Noong akala kong nakabingwit ako ng matabang isda sa katauhan ng ama ni Suzanne, ay hindi pala. Binalak kong ipalaglag noon ang anak ko dahil hindi naman ako binahay ng ama niya. Nakiusap ang Mommy niya na buhayin ko siya kapalit ng malaking halaga. Binuhay ko siya at inampon ng mga Ruiz. Isa akong halimaw para kainggitan ang sarili kong anak na gumanda ang buhay. May problema ako, pansarili. Nagpapalit-palit ng lalaki, naging bayaran. Hiningan ko ng hiningan si Sugar pero never siyang nagreklamo. Kahit ako na ang pinaka-masamang ina ay mabuti pa rin siya sa akin.
Natutunan ko na rin siyang mahalin at tanggapin pero iba na ang buhay namin. Gusto ko siyang makitang maayos pa rin pagdating ng araw. Nanghinayang ako sa pagkawala ni Devin pero kung ikukumpara sa 'yo, mas sa lalaki ko pa rin gustong magsettle down ang anak ko."Hindi ako kumikibo. Ayaw ko ring magtanong baka kasi masira ang momentum niya at di ko marinig ang ilang mahahalagang detalye ng tinutumbok niya.
"Sa abroad kinasal si Devin at si Princess. Madali ang divorce doon kung sakaling balikan niya ang anak ko. Kung nakakalimutan mong nagkita tayo sa studio no'n, may calling card na binigay sa akin si Sugar. Dalawa ang naiabot niya kasama ang sa 'yo. Kaya ko nalaman ang lugar mo. Pumasok ako bilang kasambahay at hindi ko inaasahan na kapit-bahay ko si Devin. Nagkasabay kami sa grocery at doon ko binigay ang personal cp number ni Sugar. Gusto ko silang magkalapit muli at umiba na ang feelings mo sa anak ko."
"Kaya ho pala lagi kaming nagtataka paano siya natutunton ni Devin."
"Naging tsismis no'ng araw na 'yun na nabugbog nga si Devin. Di ko na inalam. That day, nakita ko siyang bumibili ng wine habang nasa grocery ulit ako. Tsaka ko naman binigay ang bagong number ulit ni Sugar at ito ngang address ng condo mo. Inencourage ko siyang puntahan si Sugar. Alam kong mali. Pinuntahan ako ni Sugar dahil alam niyang ako lang ang tanging tao na puwedeng ipagkanulo ang mga impormasyon ninyong dalawa. Sinumbatan niya ako ng sinumbatan. Handa niyang talikuran ang lahat direk Tweety, lahat para lang sa 'yo. Sumusuko na ako sa laban, wala na talaga akong magagawa na hindi mauwi sa isang babae ring katulad niya. Sinabi niyang, hindi ka niya tinitingnan bilang babae, kundi bilang isang taong mahal na mahal niya.""So bakit niyo ho sinasabi sa akin ito?"
"Matapos niya akong sumbatan at sabihin ang sama ng loob niya ay dinalaw ko siya sa mansion. Biniyak ang puso ko bilang ina na makita siyang miserable, dahil sa nagkagulo nga kayo. Gusto kong bumawi sa mga panahon na hindi ako naging ina at ito lang ang tanging paraan ko, sa ngayon. Balikan mo ang anak ko.
Humingi ako ng patawad sa kanya. Bago siya sumama sa Mommy niya sa bakasyon ay binigay niya ang address niya sa Tagaytay.""Tagaytay?"
"Kakakuha lang daw niya 'yun at….gusto ka sana nyang sorpresahin."
"Na ano ho?"
"Na 'yon ang magiging tahanan niyong dalawa. Pinili rin niya ang lugar na 'yon para mapalapit sa iba naming kamag-anak sa Batangas."
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...