SUGAR'S POV:
Pinilit ko ang sarili kong paniwalain na hindi ako nagseselos. Sa una oo, pero wala eh. Parang ganu'n na nga 'yung naramdaman ko. Ang tanong ko bakit?
Nag-lunch kami ni Tweety sa isang turo-turo, o sa isang maliit na karinderya. Akala ko pa naman kung saan niya ako dadalhin.
"Pasensya ka na, nagke-crave kasi ako sa paksiw na pata dito kina Tita Beth eh. Masarap kasi."
Never pa akong kumain sa ganito as in. Ako na pinanganak na may gintong kutsara sa bibig, nag-aral sa mahal na Unibersidad, sikat na modelo….. at may nakakahiyang scandal. ( dadgdag ng isip ko)
"O-okay lang no, mukha namang malinis eh."
"Minsan kailangan mo rin ng mikrobyo sa katawan."Tabi kami sa mesa. Hinawakan niya ang kamay ko at dagli ko namang inalis. "Ano at ba Tweet, nakakahiya."
"Ay sorry, nasanay lang. Sorry, sorry."Sa totoo lang naman gusto kong laging hawak ang kamay niya, gusto kong laging nakadikit sa kanya, gusto ko… gusto ko siya? Oh my! Umorder ako ng afritadang manok at isang kanin.
"Tweet bitin," sabi ko. Tumawa siya ng mahina.
"Sabi ko sa 'yo masarap eh."Umorder pa siyang ng kanin at naubos ko. "Masarap nga. Pero need kong mag-tsaa mamaya."
"Sa'n ka ba mamayang gabi?" tanong niya sa akin.
"Aalis kami ni Adam, somewhere. May pag-uusapan daw kami eh."
"Ah okay."
"Bakit?"
"Ahm wala naman.."
"Idedate mo ba ako?"
"He,he! Can I?"
"Uhmm…tawagan kita once matapos kami ni Adam. Nag-iinarte na naman siguro 'yung baklitang 'yon." Natawa naman siya sa sinabi ko."Nagiging gay ka na magsalita Sugar."
"Ano'ng aasahan mo? Besftriend ko bading, kasama ko ngayon lesbiana. Haller!"
"Hahahaha! Ang kulit mo. Tapusin mo na nga 'yang pagkain mo. Masarap mango graham shake dyan sa tapat, bili kita."After lunch ay bumili nga kami ng shake. Tahimik kong inobserbahan si Tweety. Napaka-simple niyang tao at down to earth. Alam mo 'yung siya
yung tao na may karapatang mag-inarte, maging snob pero hindi ko siya nakitaan ng gano'n. I admire her.
May lumapit na babae sa kanya, tindera ng turon. Bumili siya ng dalawa."Baunin mo 'to mamaya. Para kung sakaling humaba ang drama ni Adam at magutom ka, may pangtawid ka."
"Thanks. Sweet mo naman po madam. Ayaw mo magutom baby mo?" biniro ko siya.
"Naman. Para tumaba ka. Para may mapisil naman ako sa susunod na…never mind."
"Susunod na?"
Binulong niya ang sagot sa tainga ko. "Mayakap ka."
"Eh siyempre I need to maintain my figure."
"Wala ka namang raket sabi mo, eh di magpataba ka muna."
"Yoko nga!"After ng shake ay dumaan kami ng 711 para bumili ng tubig. Bumili siya ng honeybite bubblegum at binigyan ako. Pagsakay ng kotse niya ay sumubo ako ng bubblegum at maya-maya'y nagpapalobo na ako.
"Pok!" pumutok ang lobo at nagulat si Tweety.
"Ano ba 'yan! Para kang bata!"
"Bakit, ginagawa mo rin naman 'to ah!"
"Oo nga, nagulat lang ako. O seatbelt na nang makalarga na."Habang nagmamaneho siya naisipan kong kamustahin ang trabaho niya.
"Kailan magstart ang shoot mo?"
"Mga two weeks from now. Model namin 'yung dalawang staff ng JLC Café tsaka si Skylee. Sana maging okay."
"Mahirap ba work mo?"
"Walang mahirap kung gusto mo ginagawa mo. Lahat kakayanin mo basta mahal mo."
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...