SUGAR'S POV:
"Oh Sugar beyb, how do you like the place?" Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng guest room ni Adam. "Pasensiya ka na, hindi pa dumadaan ang taga-linis ko eh."
"Don’t bother honey, ako na ang bahala rito. Leave it to me."
"Ikaw naman kasi, may condo ka naman sa Makati bakit ayaw mo ro'n? Nasa Pasig naman ang kuya EJ mo at may vacant pa, nagsusumiksik ka dito."
"Shit ka Adam! Huwag mo nga akong awayin, ayoko silang makasamang lahat, nasasakal na ako."
"Concern lang sila sa 'yo Babe!"
"Bahala ka na, basta ito lang maooffer ko sa 'yo."
"Sige na, pumasok ka na sa office mo," pagtataboy ko sa kanya. Adam is the eldest among the three namely Ailee and Ashley. Kambal ang sumunod sa kanya. His family owns the 3A Advertising.
"Okay, alam ko namang hindi ka mabobore dito sa bahay ko dahil sa dami ng gagawin. Baka puwedeng magluto ka na rin para mamayang gabi?"
"Yes boss!!!" Hinalikan ko sa pisngi si Adam bago siya umalis. "Thanks Adam, I owe you a lot."
"Wala 'yon, mas ikaw ang may ginawa para sa akin. O nga pala, may for the boys kami nina Denz mamaya. Huwag ka na lang pala magluto."
Isang simpleng okay lang ang sinagot ko. Umalis na si Adam. Ang ibig sabihin ng for the boys nila ni Denz ay madaling araw na ang uwi. Mga barkada niya 'yon sa Village nila. Mag iinom o kaya bilyar o kaya bar.Ginugol ko ang buong araw sa paglilinis ng bahay at hindi lang guest room. Hindi ako nagbukas ng internet o ng kahit na anong social media. Dineactivate ko naman na except FB. Maririndi lang ako sa mga negative tsismis at write-ups.
Nang masatisfy ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay na inayos at nilinis ko ay nahiga ako sa kama.
I then turned on my cellphone. Kabubukas ko pa lang ay heto na ang kuya ko. Hindi titigil ito hangga't hindi ko nirereplyan. Mahinahon ko siyang sinagot. Kung ga'no ako kahinang sumagot, kabaligtaran niya."Suzanne Margareth Ruiz!!!"
"Kuya hindi ako bingi."
"Sa'ng lupalop ka na naman sumuot? At ano na naman bang kahihiyan 'yung pinag-gagagawa mo?!"So now I guess they knew the sex scandal. Kasalanan ko naman, inisip ko lang ang sarili ko.
"Margareth naman, kung ikaw wala kang pakialam sa magulang natin na nagpalaki sa 'yo, ako mero'n. Puwede ba? Tigilan mo na ang kabibigay ng sama ng loob kina Papa?"
"I'm adult now Kuya and I take responsibility for my actions."
"For your actions pero may mga nasasagasaan ka Margareth."
"Okay fine I'm sorry. Ako na bahalang magpa-liwanag kina Mama."
"Better do it kundi ako kakaladkad sa 'yo papunta rito!"Kuya dropped the call and I was left confused. Lumaki akong wala silang paki-alam sa akin. Lumaki akong laging nasa gulo para mapansin lang nila. But that was before. I am twenty six now and honestly, I also don’t care what they are up to. Minding own business kumbaga. Hindi ko nakakalimutan ang lahat ng kabutihan ng magulang ko pero may kulang. May emptiness akong nararamdaman at ang sex scandal na 'yon ay may isang dahilan na ako lang ang nakaka-alam. Yes I know I've hurt my parents and family's feeling pero saang banda ba? Ang damdamin at puso ba nila o ang reputasyon lang nila?
Pumasok ako ng banyo para maligo. Hinubad ko ang damit ko at inayos ang tsinelas sa labas ng banyo. Gusto kong marelax. Gusto kong lumayo at makalimot. Lugmok na lugmok ako at nahihirapang umahon.
Tinimpla ko ang init ng tubig at nagsimulang bumuhos mula sa shower. Tumayo ako sa tapat at pumikit. Masarap sa katawan ang maligamgam na tubig. Sa pagpikit ko ay umuukit ang ilang maiinit na tagpo sa aking nakaraan.
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...