SUGAR'S POV:
"Magkakilala kayo?" tanong ni Adam matapos ko syang halikan sa pisngi.
"Ah yeah," sagot ko sabay pinanlakihan ko ng mata si Adam.
"S-she's Tweety, Tweety si Adam. Small world isn't it? I assume, kilala mo rin si Xander?" Baling ko kay Tweety.
"Oh yes, he's a close friend. Ngayon ko lang nalaman na same village din pala kami."
"Ah ladies, excuse lang no, nandito pa kami," biro ni Adam. "So....you're the so-called Tweety?" Siniko ko si Adam. Kainis!
"Magkakakilala na pala kayo," sagot ni Xander. "The more the merrier na tayo. Tapusin lang namin game then my place."
"Si Denz ba pupunta?" tanong ni Adam.
"Oh yes pare, may dadaanan lang daw. Sa unit ko na lang daw siya dederetso."
"So tara na, tuloy na natin 'yung game. Girls, enjoy muna kayo," sabi ni Adam sabay kindat ng mokong sa akin. Naiwan kami ni Tweeting nakatayo. Hindi siya kumikibo at itong puso ko, panay ang kabog. Shit, bakit ganito? What's happening to my heart?"So, you didn't expect to see me once again?" tanong ko kay Tweet. She looked at me and that stare? I do not uunderstand pero may hatid na init ang mga titig na 'yon. Init na tumatagos sa kabuuan ko at sa pagkababae ko. Muling rumehistro sa isip ko ang maiinit na tagpo na namagitan sa amin.
I cleared my throat, "Ehrgm! Tweety on earth?"
"Oh yeah, yeah. Sorry, I just didn't expect to see you again, yes, yes. That's it," nauutal niyang sagot. Inamin naman niyang idol niya ko as a celebrity at malamang star-struck pa rin siya. Umangkla ako sa braso niya.
"C'mon dear, let's have a drink. Ako lang 'to okay? Isang simpleng mamamayang Pilipina," pilit kong pina-easy ang ambiance sa 'min.
Narinig ko siyang humagikgik. Bakit gano'n? Parang sumaya ako nu'ng napatawa ko siya? Bakit may urge akong patawanin pa siya? This is weird, really. Umupo muna kami sa isang bench habang pinanonood na naglalaro sina Adam at Xander. Two beautiful men I've met in my life.
Adam is engaged in advertsing and he met Xander who's in media also, particular in directing. Tropa sila. Hindi ko inaasahan na kilala pala ni Xander si Tweety. Pilit ko namang inaalis na si Tweety sa isip ko pero heto't katabi ko na naman siya.
"Do you play tennis too?" tanong ko kay Tweety.
"Hmmmm...hindi ako sports minded eh. Ewan ko ba. Sabi nga nila sayang ang height ko pero hindi eh. Ayaw ng mga bola sa akin, ahaha!"
"Aaah....ako rin eh. Kahit anong aya sa akin ni Adam, hindi ako mahilig kaya taga-palakpak na lang ako."
"Ang suwerte ni Adam sa 'yo."
"Nye! Dahil celebrity ako gano'n?"
"Basta suwerte siya."
"Kind'a! Ahahha! Marami akong sinakripsiyo para sa kanya."
"Mahal mo eh."Tiningnan ko lang si Tweety at hindi na ako nagcomment. Mayro'n sa akin na gusto ko pa siyang makasama ng matagal.
"So pa'no kayo naging close ni Xander? Ako obviously kay Adam. Ikaw?"
"Highschool barkada. Minsang niligawan ako pero sinabi ko na agad na hindi kami talo."
"So ang aga mo palang tinanggap ang sarili mo, gano'n?"
"Of course. Mas mahihirapan ako kung magpapanggap ako na I'm into boys. Ganon ako, straightforward. Para walang hassle."Noong una, kapag nakaka-meet ako ng mga prangkang tao, naiilang ako. Hindi rin kasi ako sanay magvoice out. Pero kay Tweety, hindi ako nairita. She's just being honest. Maganda pala 'yung ganon no, at least alam mo agad ang nasa isip niya. Hindi ka na manghuhula.
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...