TWEETY'S POV:
THREE months naming pinrepare ang kasal namin sa US. Walang paglagyan ang kasiyahan namin. Isang simpleng kasal lang naman ang dinaos kasama ang mga mahal namin sa buhay.
For the meantime ay nakatira kami sa bahay na binili ng Daddy niya para sa Kuya niya dito sa abroad. Lumipat kasi ang Kuya niya sa isang mas malaking lugar.
Sapat naman ang ipon namin ni Sugar para makabili ng bahay pero wala doon ang focus namin muna. Iipon muna kami kaagad para sa hinahangad na apo ng mga magulang namin.Hindi naman kasi murang proseso ang pagkakaro'n ng anak sa same sex partner. Marami pang dapat isaalang-alang. Kaya na ba namin financially? Maybe yes, emotionally? Hindi kami pa sigurado dahil sa pressure ng society. Nakagaan kahit papano na tinanggap na kami ng family namin.
Physically? We're not sure about it. Nang malaglag kasi ang anak noon ni Sugar ay nagkaron ng komplikasyon sa uterus niya. Ako naman ang nagpacheck-up, may mumunting bukol ako o polyps pero hindi naman daw nakakahadlang kung aalagaan ako para magbuntis.
For now, hindi na muna namin pag-tutunan ang magka-anak. Gusto lang muna namin enjoyin ang isa't-isa. Bawiin ang mga panahong dumaan kami sa problema. Sugar and me, the love we have, savoring each moment together, ayun na lang muna.
Matapos ang bakasyon ay bumalik kami ng Pilipinas para bumalik muli sa normal naming buhay….pero bilang mag-asawa na ngayon. Sa Tagaytay na kami umuuwi madalas.
Balik sila ni Adam sa business nila at may isang commercial job offer si Sugar at ako ulit ang magdidirek. Inamin na namin sa tao na kasal na nga kami at hindi naman naging big deal ang issue. Hindi naman kami gano'n kasikat para pag-usapan. Ang mahalaga, naging tapat kami sa sarili namin, sa pamilya namin at sa lahat na.
----
Inaantay ko dito sa JLC Café si Sugar. Patapos na raw sila ng catering service ni Adam malapit dito sa coffee shop."Hi…." may boses lalaking bumati sa akin. Nakaupo na nga ako sa sulok para walang makakita eh. Nag-angat ako ng tingin. Sa una ay gulat ang nafeel ko pero nagsubside din naman agad. Umupo siya sa tapat ko kasama ang isang babaeng may kargang baby.
"Sinabi ni Sugar na dito raw siya dederetso at nabanggit niyang nandito ka nga raw. Aah…my wife Princess and si Junior namin. Babe, si Tweety…Sugar's wife."
"Hi..please to meet you," I just nodded and smiled at her.
"Premature ang baby namin pero with God's mercy, okay na si Junior namin," sabi niya sabay akap sa balikat ni Princess.
"Marami akong na-agrabyadong tao noon kaya siguro sa mga mahal ko sa buhay bumabalik. Gusto kong humingi ng paumanhin Tweet. Wala akong intensiyon noon sa huli nating pagtatagpo. Pasensya na."
"Pinaliwanag na ni Devin sa akin ang lahat Ms. Tweety. I was just insecure. Mahal ko si Devin at fault ko rin na hindi ko siya naipaglaban sa ibang kaanak ko. Pero totoo nga, na lahat napapalambot ng isang sanggol. I wasn't able to meet Sugar and yet puno ako ng pagseselos. Ako ang pinakasalan ni Devin kahit confused siya noon."
"Okay na 'yun Devin, Princess. Maliwanag na ang lahat sa akin noon pa. Lahat naman nagkakamali. Mahalaga, natuto tayong lahat. Pasensya na rin. Alam ko namang naintindihan mo ako sa part na 'yon."
"May flight na kami bukas ng maaga. Ang sabi ko kay Sugar ay kung aabot lang naman. Ipahatid mo na lang ang paghingi ko ng paumanhin ulit. Masaya kami para sa inyo."
"May mga bagay lang talaga Dev sa buhay no? Na hindi meant, yung iba meant. 'Yung kahit anong pilit mong pigilan, kung dapat mangyari, nangyayari. 'Yung nagpupumilit naman, wala namang nangyayari kung hindi talaga ukol. Love Princess and your kid ha. Naku, maiinggit na naman 'yun si Sugar. Nagmamaktol kasi 'yon pag nakakakita ng baby."
"Well I'm sure, you'll both have one. You're a good person inside out, pareho kayo."
"Thanks. Sana nga."
"So pa'no. Sad to say na hindi yata kami magkikita ni Sugar. Maybe some other time? We'll make sure na dito sa Pilipinas magfe-first bithday si Junior."
"Well, we'll just wait for the invitation?"
"That's for sure."
Isang oras pa bago dumating si Sugar. Naflatan daw sila ni Adam. While driving home, do'n ko na lang kinuwento ang meeting namin ni Devin.
"Hon…. no hard feelings na ba kay Devin?" Sugar asked.
"Wala na Hon. Since kinausap ako noon ni Adam at ni Mama Olga…oh diba, Mama Olga na ngayon?"
"Oh that’s' good. Kalimutan na natin ang past diba? Promise natin 'yon para maging maayos din tayong makamove on sa lahat. Forgiveness matters."
"Yeah right."
"And thanks to you my dear wifey, so much difference you have made in my life. Mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...