TWEETY'S POV:
Natapos ang meeting namin sa JLC. Nakaabot naman kami ni Sky sa oras. Excited na rin ako sa first directorial job ko na medyo malaki. Nagpirmahan na kami ng kontrata at magstart na kmi ng shoot in two weeks time. Two weeks din ang allotment para matapos at eksaktong sa Valentines day i-e-air.
After ng meeting ay nagkape lang kami ni Skylee sa may MOA.
"Tweet, this girl, the model- affects you a lot no?"
"Why asked?"
"Halata ko lang. Hindi naman nakakapagtaka eh. Pero she's special para makita ko sa mata mo ang lungkot ng hindi kayo nagkausap kanina. Problem?"
"Lam mo naman Sky eversince, tahimik lang ako kahit noon. Kung may nagugustuhan man ako ay sinasarili ko lang. Dakilang torpe. Pero ngayong natagpuan ko na ang babaeng willing akong ibigay ang lahat, siya namang hindi puwede. She just met her ex this morning. Ano'ng laban ko? Straight siya."
"Eh di magbago ka na kasi. Huwag ka ng duwag. Bente otso ka na, wala ka pang seryosong gf. Sabi mo nga Ex. At least you've tried. Gasgas man, at least may ginawa ka para sa love mo."
"Sabi mo nga torpe, paano ko gagawin? Nasasaktan nga ako ngayon pa lang."
"Haay! Eh di tatagan mo loob mo. No pain, no gain ikaw nga. Malay mo bumigay? You're a natural sweet girl, thoughtful and loving."Hindi ko na sinabi kay Skylee 'yung literal na bumigay si Sugar dahil may nangyari na nga sa amin. Sa akin na lang 'yon.
"Haaay, so pa'no, kita na lang tayo sa shoot?"
"Concentrate ka muna sa work ha. 'Yaan mo, tutulungan kita kay Sugar."
"Ha?"
"Lalandiin kita kunyari. Hindi naman siguro tayo talo no? Tingnan lang natin kung mababali siya or kung naaapektuhan mo siya. If a liitle sign shows, go ka na. Ano?"
"Hmmmm…Puwede rin."
"Bilisan mo na dyan uminom, antok na ako. Hatid na kita."Habang nasa kotse kami ni Sky ay sige pa rin siya ng pangaral sa akin.
"Lam mo dati Tweet, may nanligaw sa aking lesbian sa US. Persistent talaga siya. Muntik na nga akong mafall kasi sobrang sweet niya at maalaga. Pero maaga pa lang binasted ko na kasi gusto kong magka-pamilya. Ayokong iburo ang oras at pagod niya sa akin na hindi ko rin naman siya tutuluyan. Pero ikaw, kung willing ka naman na panandalian eh nasa sa 'yo yan. Kung ioopen mo ang sarili mo sa sakit, ikaw lang magdedesisyon niyan.
Kung gusto mo talaga siya, magtyaga ka lang. Minsan lang dumaan sa 'yo 'yung pakiramdam na 'yan, butterflies and heart beating fast, the feeling
of longingness and possessiveness and all that."
"Bahala na."Hindi na bumaba si Skylee ng kotse kahit ayain ko pa siyang magstay sa unit ko. She wanna rest na raw. Pagpasok ko ng bahay ay parang nanibago pa ako. Nakalimutan kong niramble ko nga pala ang mga furnitures kaninang hapon.
Pabaling-baling lang ako sa kama at hindi ako makatulog. Laman ng isip ko si Sugar. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa office. Inaayos ko na mga dapat unahin para sa commercial. Naunahan ako ni Skylee. Hindi naman siya nagtext na dederetso siya sa office ko. Imi-meet kasi naman sina Geela at Aubree na kasama niya sa shoot.
"Kape muna tayo Tweet," aya niya sa akin.
"Aga ah. Di ka nagsabi? Tara sa loob," akag ko sa kanya. Nag-patimpla akong ng dalawang kape at nagpa-toast ng tinapay.Nagkuwentuhan kami ni Sky tungkol sa mga bakasyon niya at mga past lovelife niya. Hindi pa rin daw niya nakikita ang right one niya. Maya-maya ay tumunog ang intercon. May bisita raw ako sa labas na ayaw magpakilala. Lumabas ako. Tinuro ng receptionist ang taong nag-aantay sa akin. Nakaupo sa couch at nakatakip ang hood sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...