My note:
Readers,
Hi! Pambawi sa naudlot na update.
Medyo parental/gf's guidance.Medyo lang naman.
Vote and leave comments kung may direksyon pa siya.
Shan May 9, 2017
*******************
SUGAR'S POV:
SUMAYA ang puso ko sa maliit na card na 'yon. Wala sa loob kong sinamyo ang mga bulaklak. Walang duda na napapasaya ako ni Tweety.
Pag-akyat sa kuwarto ko ay nilagay ko agad sa isang vase 'yung flowers at inuulit-ulit basahin ang card tsaka ako ngingiti. Teka, nasa'n nga ba 'yung babaeng 'yon? Sinubukan kong idial ang cp niya. Sa wakas! Sumagot.
"Hello!" kinakabahan ko. Hindi ko mahagilap ang tamang bungad na salita.
"Hi!"
"Thank you sa flowers! They are so lovely."
"So lovely just like the recevier."
"Uhm….sa'n ka?'
"Somewhere?"
"Sa'n nga?"
"Pabalik na ako ng Manila bukas."
"Pero nasa'n ka nga ngayon?" Talaga 'tong babaeng 'to, may kakayanan akong pasayahin doble naman kung inisin.
"Nasa Nueva Ecija. May urgent akong pinuntahan na kamag-anak. Bakit? Aamin ka bang namiss mo ako?"
"Hindi no!"
"Asssshhooo! Huli ka na Margareth!"
"Hindi kita namiss! Worried lang ako baka hindi matuloy ang commercial dahil nagwalk out ka."
"Ako? Walk out? Well, as you know, I'm a woman of word."
"Galit ka pa rin ba sa akin?"
"I won't send you flowers if I'm mad. Naisip ko lang na nag-oover react lang ako sa lahat. Wala naman akong karapatan diba?"
"Ahm….Tweety.."
"Ssssshh…..huwag na Shugs, naintindihan ko. Well anyway, sa condo lang ako bukas. Few days na lang, start na tayo ng shoot and…maging professionals na lang tayo siguro muna. More of a reminder 'yun sa akin I guess?"
"Why did you send me flowers?"
"Becasuse I miss you and I'm honest with it."
"Okay."
"Okay sige, tawag na ako ng pinsan ko. Mayro'n kasi kaming old maid na tiyahin na critical at kami lang inaasahan."
"Uhm…sige. I---- I'll just wait for you tomorrow."
"Okay babe."
"Okay, I miss you too, bye."Nahihiya man ay sinabi ko na rin na namimiss ko siya. Gusto ko na siyang makita. Tinawagan ko si Adam dahil may naisip ako. Gusto kong bumawi kay Tweety.
"Dam, can I stay dyan bukas?"
"Okay, may job ako bukas, tanghali wala na ako sa unit. Why?"
"Bukas kasi ang uwi ni Tweety."
"So?"
"I wanna cook for her. Surprise ko siya sana."
"Hmmmm..sounding like a girlfriend huh?"
"Tumigil ka nga, walang gano'n."
"Okay fine. You have my keys, tawagan kita."
"Okay sige, magrocery muna ako."
"Excited ang babae! Hahaahah!!! Di na mapigilan ang tibok ng puso…."
"Loka!"Nag-grocery nga ako ng hapon. All by myself. Kailan ba ako huling nagluto para sa isang taong espesyal?
Noong isang araw para sa mga magulang ko? Pero given na 'yon. Excited nga ba ako? I don't know.
After kong mamili ay sa unit na ni Adam ako dumeretso."Oh, akala ko bukas ka pa?" takang tanong niya pagkabukas ng pinto. Kinuha niya ang isang plastic bag sa kamay ko at nilapag muna sa sahig.
"Eh para mas maraming time kaysa mabitin."
"Speciaaaaal….special masyado. Malapit na kong magselos baby girl. Ikaw never kang naging ganyan ka-aligaga sa akin."
"Sus! Alam mo namang mahal kita kaya huwag ka ng umarte. Aalis ka ba?"
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...