Chapter 4: Kiss Me

8.8K 212 17
                                    

TWEETY'S POV:

       WALANG hirap kong naisakay sa kotse si Sugar. Lalango siyang nakaupo sa tabi ko. Kinabit ko ang seatbelt at tahimik lang siyang nakaupo. 

         "Ganyan ka ba talaga sa lahat ng estranghero Miss?" tanong niyang naka-taas ang kilay. Actually hindi, sa kanya lang dahil matagal na akong may gusto sa kanya.
        "Na ano po?" 
        "Na tumutulong sa nanga-ngailangan tulad ko. Sorry I've fucked up. Tutal ganito naman talaga ang image ko diba? Pakawala, cheap, flirt etcetera."
        "Well mukha namang hinde. Nagtatago ka lang sa shadow ng weakness mo."
         "Ha?" 
         "Never mind. Anyway, I'm Tweety. You can call me that way, real at petname ko iisa."
        "Hindi ko na rin papakilala sarili ko. I'm all over the internet right? Sino'ng taong boring ang buhay na hindi ako kilala? Hahaahah!!! Dahil mas pa kong naging sikat dahil sa scandal na ginawa ko, diba?" 
       "May rason kumbakit ginagawa ang mga bagay-bagay. I'm sure you had one."
       "Ang deep mo ha. Gusto kita." 

         Palabas na kami ng village tsaka ko naalalang itanong kung saan ko siya ihahatid. 

          "Ayokong umuwi sa tinutuluyan ko. Puwede ba akong sa place mo magpalipas ng gabi?" 
        "Sa itsura mong 'yan, siguro nga ay parang wasak na wasak ka. Bakit ka nagtitiwala sa akin? Di ka ba natatakot na baka ipa-gang rape kita?" 
         "Magaling akong kumilatis ng tao Tweety. Unang kita ko pa lang, alam ko na kung may masamang balak o wala."
        "Oh really ha?" 
        "Yah! At ramdam kong mabuti kang tao at safe ako." 
        "Whatever." 

         Habang nag-mamaneho ay tahimik lang siyang naka-tanaw sa labas. Hindi ako makapaniwalang ang babaeng nilagay ko sa pedestal at hinahangaan at pinag-papantasyahan ay katabi ko ngayon. Malapit, natititigan sa mata, mahahawakan. Bakit? Marami naman akong kabutihang nagawa kaya premyo ko na rin ito.

      Nakasuot siya ng white off-shoulder na blouse at malalim hanggang dibdib. Nakamini-skirt siya at lalo pang umurong sa pagkaka-upo niya. Sugar has a set of perfect legs. No wonder model nga siya eh.
Nakakasilaw. Just showing off her skin makes me feel something tingling down there. Haaay!! Kaya kong magkontrol. Nagulat ako ng bigla siyang nag-sungit.

           "Ang sabi ko ayaw kong umuwi diba? Bakit dito mo ko dinala?!"
          "Ha? Dito ang village ko honey."
          "Oh shit! Dito sa subdivision nakatira si Adam, dito ako nakatira."
          "Oh sorry hindi ko alam. Sa dulong building pa ako, san ka ba?"
         "Dito lang sa unahan."

         Pumasok na kami ng village. Paikotikot lang kami, kahit sayang ang gas, pinag-bigyan ko na ang trip niya. Sayang ang chance ko eh. Konswelo ko na lang kahit pansamantala ay dito siya nanunuluyan. 

         "Kanina pa tayo umiikot Sugar, may balak ka bang bumaba o ano?" 
        "Are you a busy person Tweety?"
        "Hmmmm…kind'a. May talent agency kaming hinahawakan ng bestfriend kong si Blossom. For tommorow, hmmm wala naman akong appointment."

       Hinawakan niya ang hita ko at pinisil-pisil. Nabanggit niya kanina na marunong siyang kumilatis ng tao. Halata niya kayang type ko siya at mga kabaro ko ang gusto ko? Is she flirting with me?

           "Can you take me somewhere Tweety? Kahit saan basta kasama ka, at malayo sa lugar na 'to."
           "Ala-una na ng madaling araw, saan mo gustong pumunta? Wasted ka na, I don’t think it's a nice idea kung aalis pa tayo. Sige na, I offer my place. Kahit kailan, doon ka kung gusto mo."
          "Bakit ang bait mo sa akin? Bkit ibang-iba ka sa mga nakakasalamuha ko?"
          "Mukha pa naman akong tao diba?" 
          "Oo, at may puso." 
          "May sense ka pala pag lasing no? Lika na, nandito na tayo. Medyo pasensiya lang dahil di pa dumadaan ang taga-linis ko. Pero ang guestroom, laging malinis 'yon."

Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon