Chapter 42: Right Places

5.5K 177 14
                                    


Sugar's POV:

           Kinabukasan ay maaga akong kinalampag ni Adam sa room ko. Sinabi niya ang plano niya sa akin. Noong una ay parang gusto kong umatras pero panahon na para bumalik na kami sa dati.
Sobrang miss ko na kaya honey ko.

            "Ano bet?" naghahamong tanong ni Adam.
           "Oo carry na. Sandaling minuto lang gagawin pero habambuhay na kaligayahan naman ang kapalit. Naayos mo talaga as in?"
           "Oo kagabi ko pa inisip ang lahat at take note, hindi ako natulog ah. Kaya tara na, bumangon ka na at makapag-make over ka na."
          "Kaya ko na. Carry na 'to. Hintayin mo na lang ako sa baba. Ano'ng oras dapat ulit doon?"
          "Hmmmm....three Pm. Makakapaglunch pa tayo. Sige na, kilos na!"

          Umalis kami ni Adam ng alas-onse. Dumaan muna kami sa unit niya para kumain. Kinakabahan man sa plano niya pero ito lang ang paraan para mas mapatunayan pang mahal kong talaga si Tweety.

       Alas tres nga ay nasa backstage na kami. Oo, sosorpresahin ko si Tweety sa taping niya. May mga binayaran ng staff si Adam para maging successful ang pakikipagreconcile ko.

           "Sir Ma'm, nasa studio na po si Direk. Medyo naiinis na nga at wala pa 'yung mga artista niya. Maya-maya po, sabihan ko kayo ulit."

           Lumabas si Manong.
          "Kinakabahan ako Adam...sobra. Nanlalambot tuhod ko."
          "Chill lang...lovelife to, lovelife."

         Maya-maya ay nagroll na ang camera. May monitor dito sa back stage kaya't nakikita namin ni Adam. Parang walang magawa si Tweety at inikot-ikot muna ang camera niya sa studio. Ilang minuto pa ay lumabas  na ang host na si Chiffon. Oo, mas pumatok ang show niya ng si Chiffon ang naghost.

            "Bakla, si Chiffon ba alam ang gagawin ko?"
           "Yep! Sabi ko naman sa 'yo, malinis akong magtrabaho eh."

          Para na akong naiiyak. Sumisikip ang dibdib ko. Ilang minutong nawala sila sa screen. Ang sabi ni Manong ay nagbi-biref na sila sa unang segment. Sampung minuto pa kaming naghintay. Walang tigil ang kabog ng puso ko. Bumukas ulit ang monitor.

           "Magandang gabi po sa inyong lahat, ako si Chiffon ang inyong lingkod at samahan niyo akong kulitin at guluhin ang mundo ng dalawa sa sikat na tennis player ng bansa. Just sit back and relax!"

          Nawala ulit ang nasa screen. Ilang intro pa ba ang mangyayari? Bzzzt....Bumukas ulit.

           "Before anything else, gusto lang muna naming batiin si Direk. Direk! Hello d'yan! Ang happy namin that you're back! May gusto munang bumati sa 'yo."

           Dito na ako tinawag ni Manong na lumabas na. Winelcome ako ni Chiffon.

            "Hiiiii!!" Mahabang bati sa akin ni Chiffon sabay halik sa pisngi ko. Pinaupo niya ako sa couch. Sumilay ako kay Tweety. Halatang nasorpresa.

          "So kamusta naman Sugar? Willing ka ba talagang maghost for tonight?"
        "Yes naman. Tawag ng pag-ibig." Naghiyawan ang mga crew.

           "Direk! Wala akong kinalaman dito ha? Ako naman magliliwaliw, si Sugar muna host natin for tonight."

         Bumaling si Chiffon sa akin at binigay ang Mic. Kinindatan niya ako bago siya tumayo. Hawak ko na ang Mic atsaka ako tumayo sa gitna. Tinutok ko lang ang mukha ko sa camerang hawak ni Tweety. Walang lumalabas na salita sa bibig ko pero nang makita kong ngumiti si Tweety ay lumakas ang loob ko.

            "Aaah....hello world. I'm Sugar Ruiz and I'm here to.....save the love that I have. Saksi ang buong bansa, at matapos ito ay saksi ang buong Youtube at ang iba pang social media dahil sa makasaysayang aksiyon na naman mula sa akin. Gusto ko lang humingi ng sorry sa isang taong mahal na mahal ko. Direk.....oo, sinungaling ako. Alam kong 'yan ang tingin mo sa akin. Kayat heto...Iisa-isahin ko ang mga kasinungalingan ko sa 'yo."

Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon