TWEETY'S POV:
Paparating na ako s Duty Free ng magtext ang Ninang ko na cancel. Emergency raw. Good for me dahil makakahabol pa ako ng tulog. Sa pagmamadali ko naman
kanina ay nakalimutan ko ng icharge phone ko. Sa mall ko na sana kikitain si Sugar pero bigla namang kumulo ang tyan ko.Pagpasok ng bahay ay parang may feeling na kong iba. Nakita ko na si Tweet na kumuha ng tubig at doon na ako sa kitchen dumeretso.
Nagtaka ako kumbakit nakapantulog pa si Sugar kasi di naman niya ugaling magsuot no'n kung may araw pa.I asked whats' wrong dahil parang nawalan ng kulay ang mukha niya pagkakita sa akin. Multo ba ako na biglang lumitaw? Hindi rin niya ugaling magbitbit ng tubig at pitsel dahil minsan nga
do'n na kami sa tumbler namin mismo umiinom. Hanggang lumabas sa eksena si Devin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.Oo, mali ang magbintang pero ano ang dapat ko bang isipin? Ang nobya kong maagang umalis sa opisina para katagpuin ang ex niya? Ang gf kong nakapantulog ng manipis, na dadalhan ng tubig sa guestroom ang Ex niyang hubad pang-itaas? Ano? Magsisimula pa lang ba silang magsex o tapos na? Alin sa dalawa?
Bata pa ako, natuto na akong magkontrol ng damdamin ko. Pag sobrang galit ko ay may tendency akong maging bayolente, magbato at magbasag. Kaya sa abot ng makakaya ko, ako na ang umalis.
Paglabas ko ng condo tsaka ako nagtatakbo palayo, walang direksiyon. Bumalik lahat sa akin, lahat-lahat!
Napunta ako sa JLC Café at hinanap si Geela. Naging kaibigan ko na rin ang manager na 'yon dahil naging supplier na namin sila sa set.
Pinayagan niya akong mag-stay muna sa maliit nilang opisina sa likod ng store. Ako lang ang tao doon. Doon ko binuhos lahat ng iyak at sama ng loob ko.Kinausap ko siya sa isip ko… "Shugz ano ba talaga? Mahal mo ba talaga ako? Ano ba nangyari? Bakit ganito mo ba ako saktan? Ano bang nagawa ko para maramdaman ko ang sakit na 'to?
Maya-maya ay pumasok si Blossom. Tinext ko siya kanina. Hinagod niya agad ang likod ko at inalo.
"Girl….ano ba 'yan? Bakit ka ba ganyan?"
Parang wala na akong maiiyak. Parang lahat ng sakit na naipon ay ngayon lang sumabog. Hindi ako makahinga. Kinuwento ko lahat kay Blossom.
"Tweet, hindi sa kinkampihan ko si Sugar dito ah. Normal lang 'yan reaksiyon mo pero hindi tama na manindigan ka na may ginagawa siyang masama. Nahuli mo ba sila sa kuwarto? Makinig ka kaya muna sa paliwanag niya?"
"Para ano? Bigyan na naman ng pagkakataong makapagsinugaling ulit? Sobra-sobra na Bloss…ang sakit-sakit."
"Ano bang gusto mong gawin ngayon? Ganyan na lang? Ikaw naman ang tatakas? Sa tagal ko ng kilala kita, alam kong pride lang 'yan eh. Mag-usap kayo. Duwag lang tumatakas."
"Kilala mo ako diba? Di ko pinipilit ang sarili ko?"
"Kahit mahal mo? Pakakawalan mo na lang ng ganon? Wala ka man lang gagawin if ever…sila nga, na bawiin si Sugar? Tutunganga ka na lang? Ano ba!"
"Ewan ko, hindi ko alam. Gusto kong lumayo. Ayoko munang umuwi do'n. Sa space ko pa talaga sila nagtagpo ah? Lakas grabe!"
"Haaay! Okay fine sige. Magmukmok ka, magalit ka. Do'n ka muna sa bahay ko. Pagbibigyan muna kita kasi broken ka. Pero please lang, huwag mo ng patagalin. Pag-explainin mo naman 'yung tao then tsaka ka magdecide."Tatlong araw akong hindi lumabas ng bahay ni Blossom. Three epsiodes ang advance taping ko sa show. Aalis muna ko. Gusto kong mapag-isa. Masyadong umikot ang mundo ko kay Sugar kaya heto't wala siya ay parang nawala ako sa mundo.
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...