SUGAR' S POV:
MUKHANG wala akong choice kundi sundin ang suggestion ni Adam. Bahala na si Harry Potter, kung puwede lang hiramin ang kapa niya para hindi nila ako makita.
Huminga ako ng malalim at lumabas ng CR. Hindi ko nililinga ang ulo ko kung saan at derecho lang ako sa upuan ko kanina. Maya-maya ay tumawag ulit si Mr. Bryan Padilla.
"Hello Ms. Ruiz, andyan na sa place 'yung sinasabi kong magfu-food tasting. I trust the girls so I leave it to them. Sorry, I'm so busy right now."
Dinescribe ko ang suot ko at ang puwesto ko kay Mr. Padilla para malapitan ako ng sinasabi niyang kapalit niya. Tinago ko ulit ang cp ko sa bag. Pag-angat ko ng mukha ay para na akong mabubuwal sa kinauupuan ko ng makita ko si Tweety kasama ang dalawa pang babae. Hindi nabanggit ni Sir ang pangalang Tweety - Lotis at Pinky lang. Napalunok ako at kinalma ang sarili ko.
"Have a seat, kayo ba 'yung pinadala ni Mr. Padilla? Hi, I'm----oh please call me Sugar. In behalf of my friend Adam, na nasa emergency ngayon ay ako na lang pinakisuyuan niyang dalhin ito."
Walang tigil ang kabog ng dibdib ko dahil sa tapat ko pa umupo si Tweety at hindi inaalis ang titig sa akin. Marahan kong itinulak sa harap nila 'yung mga dala kong tupperware.
"Here are the main course, and this is the dessert and the veggies."
"Wow! Parang ang sarap! Puwede agad tikman?" sabi ni Lotis.
"Oh sure, para naman malaman namin kung may need pang iadjust sa lasa. Kayo naman ang masusunod," mahinahon kong sagot.Binuksan nilang dalawa ang dala ko maliban kay Tweety. Siniko ni Pinky si Tweet. "Uy direk! Ikaw na gumalaw ng gulay ah. Masyado ka bang nagandahan kay Ma'm Sugar at di maalis tingin mo? Naku Ma'm, pasensiya na po kayo, walang tulog 'yang kasama namin eh. O nga pala, sikat na direktor yan."
"OMG!" nanlaki ang mata ni Lotis. Dumukwang siya paharap sa akin. "Ikaw nga! Ikaw 'yung nasa commercial ng HoneyBite atsaka no'ng alak sa October fest! Ay grabe Lotis, bigatin pala mga kasama natin ngayon!"
Tinitigan ako ni Pinky. "Aaaay!!! Oo nga! Siyanga 'yon! Ay naku, pa-autograph po mamaya! Idol ko po kayo!"
Medyo naasiwa ako nang habang kinikilig si Pinky sa galak ay pinagpipipindot niya ang braso ni Tweety.
"Diba, diba, diba Tweet?! Sya 'yon? Nasa media ka dapat kilala mo siya!" ani Pinky ulit. Halos mapunta sa pader si Tweety kakatulak ni Pinky.
"Aray ano ba Pinky! Oo, siya nga 'yon. Bilisan niyo na nga dyan sa pagtikim ng makauwi na tayo."
Ouch! Gusto na niyang umuwi? Shete, galit nga siya.
"Naku Ma'm Sugar, pasensiya na at isang taon ng puyat itong si Tweety, kakahintay sa jowa niya," tukso ni Pinky. Tinitigan ni Tweet si Pinky ng masama. Nagyuko ako ng tingin at nagsimula na silang tumikim. Except Tweety again. Para akong matutunaw sa mga titig ni Tweet. Parang titig pa lang, nanunumbat na.
"Hmmm...ang sarap! Hindi ba mahal 'yung catering niyo Ma'm? Eh parang pang five star hotel na 'tong kinakain ko eh," sabi ni Lotis.
"Kayo po ba nagluto nito?" tanong naman ni Pinky.
"Yes ako, pero may mga assistant ako."
"Ang galeng! Ang sarap! Sa kasal ko, kayo rin kukunin ko," sabi ni Lotis.
"May jowa ka ba? Maghanap ka muna!" biro ni Pinky. Si Tweet ay tahimik lang.
"Tse! Yabang."Lihim akong natuwa na nasarapan sila sa luto ko. Dinagdagan ko kasi ng konting spice from Italy 'yung recipe. Di alam ni Adam 'yon, wala naman siyang magagawa eh.
BINABASA MO ANG
Scandal of my Bubblegum Baby (gxg)
RomanceA mature kind of story. Nov. 2016 - June 2017 Highest rank: No. 2 girltigirl july 2018 ----- Sugar, a bitchy girl who is torn between a past love and present love. The widespread scandal on video doesn't stop Tweety (the woman who is obssessed w...