Chapter 36

2.7K 54 0
                                    

An: Hi!! Matagal tagal din hindi nakapag ud si Author kasiii... Nalaglag ko yung phone ko sa pool just to save my cousin. Kasi akala ko kaya na nya mag swim kaya tinulak ko sya tapos bigla sya na lunod, nasa bulsa ng pants ko yung phone ko kaya ayun, nabasa. Ang ginagamit ko na pang ud ngayon ay phone ng momsie ko. Nakalimutan ko din kasi yung password ko.

---

Hi! BS writer here. Or should I say BS suggestor or kung ano man ang tawag nyo don. Si Author ang mag susulat ng BS pero ako ang mag sasabi ng mga BS. Gets? So sa akin ng galing yung 'finger-finger' na nang yari kay Althea and Mighty. Hi again!

*BS Writer/BS Suggestor*

ALTHEA'S POV

Nag bell na kaya lumaba na ako ng room. Last subject na ang susunod.

Naglakad na ako papuntang Elevator. Balak ko kasing bumaba at magpunta ng canteen. Di kasi ako kumain kanina eh, diet kuno. Hehe!

Nang makababa na ako. Naglakad na ako papuntang canteen. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko. Nakaramdam ako ng kaba , lamig at takot. Pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin.

Nagpalinga linga ako. Nadaanan ko nananaman ang computer lab kung saan ako dinala ng mga ewan.

Nagpatuloy lang ako sa pag lakakad ng may humila sa akin at tinakpan ang bibig at ilong ko gamit ang panyo.

Unti-unting lumalabo ang paningin ko kasabay ng pagbagsak ko.

MIGHTY'S POV

Naglalakad ako papuntang tambayan ngayon, ang sabi kasi ni Zayn andun daw si Althea eh wala naman sinabi yun sakin.

Nang makarating na ako sa tambayan, ni anino nila ay wala akog makita.

Sa di malamang dahilan ay bigla na lamang akong kinabahan, baka..

Nagmamadali kong kinuha ang phone ko sa bag ko at tinignan kung may text ba galing kay Althea pero wala. Ibinalik ko na lamang ito sa bag ko nang may makapa akong papel. Kinuha ko ito at may nakasulat,

Gym, kung gusto mo pa syang makita ay pumunta ka. You only have 1 minute, if you're late...

-Z

Shit! Sino ba sya!? Kumaripas na agad ako ng takbo papuntang Gym. Marami na akong mga studyanteng nakakabanga pero di na na ako nag aksaya pa ng oras para humingi ng pasensya.

Nakarating ako ng Gym, pero wala. Nagtungo ako sa likod nito at d'on ko sya nakita, dun ko sila nakita. P-pero p-p-patay na sya at paano sya nabuhay?

Nakatali ang kamay at paa ng babaeng kaawaawa. Nahihirapan akong makita sya sa ganyang kalagayan.

"M-mighty..." halos pabulong na sabi nito.

Lumapit ako sa kanila pero napahinto rin ako ng magsalita ang babaeng naka mask at lalo nitong idiniin ang balisong na hawak nito sa leeg ni Althea na syang ikinahagulgol nito.

"Dont you dare or else... I'll kill her infront of you."

Nagtangal ito ng Mask na ikinagulat ko... shit. Bakit sya nandito? Patay na sya. Nag mumulto ba sya?

"B-bakit Althea? Akala ko na tutulungan mong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko? Totoo nga talaga ang kasabihang, 'Promises are meant to be broken'."

Zoe, ang babaeng minahal ko bago sya. Pinatay ni Rex si Zoe at nirape.

"Tinakot nya 'ko, tinakot nila ako na papatayin nila ang pamilya ko kapag nag salita ako. Sorry..."

ALTHEA'S POV

Bumalik ang takot sa akin. Bumalik lahat. Yung nasaksihan kong panghahalay at pagpatay ng lalaking walang puso kay Zoe.

Wala na akong nagawa ng bigyan nila ako death threat.

Ako dapat ang magiging witness at ako dapat ang mag bibigay ng hustisya pero, nadala ako ng takot na baka pataying nila ang pamilya ko kaya mas ginusto ko ng manahinik na lamang.

"Althea? Ikaw ang dapat magiging witness pero umatras ka? Ibig sabihin ikaw ang... babaeng yun."

Matigas at may sakit na sabi ni Mighty. Bakit? Ano ba nya si Zoe? Kapatid? Kapamilya? First Love?

Dahan dahan akong tumango,

"Noong magsasalita na dapat ako at sasabihin lahat ng nalalaman ko ay bigla nalang may nag bigay ng death threat sa akin. Papatayin nila ako at ang pamilya ko kapag nag salita ako. Isa lang akong di hamak na normal na tao na may takot para sa pamilya at sarili nya kaya, imbes na magsalita ako ay hindi ko itinuloy para sa kaligtasan ng pamilya ko."

Direderetsong sabi ko, ayon ang totoo. Matagal ko rin itinago yun at masaya ako na nailabas ko na rin ngayon.

"But who the fuck are you?" Tanong ni Mighty sa babaeng nakatayo sa gilid ko na hindi parin binibitawan ang matalim na bagay na nakatutok sa leeg ko.

"Kambal kami ni Zoe at pareho din kami ng pangalan." Malungkot na sambit nito kasabay ng pagbitaw nya sakin at sa balisong na hawak nya.

"Now, I know. Im sorry for the death threaths that I gave to you. Can I ask you a favor?"

Malambing na sambit nito sa akin kaya nilingon ko ito at tumango.

"Pwede ka na bang maging witness ngayon? Alam kong poprotektahan ka ni Mighty kaya wala kang dapat ikabahala para sa pamilya at sarili mo."

Inlove With A Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon