Living The Nightmare Chapter 3 (Hear My Voice)

23 1 0
                                    

Adriana Alessandra Lee's P.O.V

"I need you to practice next week." Sabi ng trainer ko.

Not in the Gym nor Shooting Lessons. I'm at the Martial Arts Lessons.

"Okay, I'll be here next week." Sagot ko naman. I'll be back. Don't you worry.

I attend 2 special classes. Shooting and Martial Arts Classes. I don't think enhancing my Abs and Muscles are Lessons. Ewan.

At dahil ayokong magmukmok sa bahay, gagala na muna ako kung saan man ako mapadpad ngayon.

At napansin ko lang ha, baka kailangan ko nang magpa-konsulta sa isang Psychiatrist cause I think I'm going Crazy. Hearing Bryans' voice almost anywhere is creeping me out.

So now, I'm driving around the City, naghahanap ng mapapasukan na lugar na nakaka-aliw ng konte hanggang mapadpad ako sa isang Club pero ayoko naman pumasok sa isang Club kasi maraming Gago diyan. Malalandi, actually. Sarap kaya sapakin ng mga malalandi. Nakaka-irita sila.

Kaya dumiretso nalang ako sa pagmamaneho hanggang sa natigil ako dahil may nag-aaway ba naman sa gitna ng kalsada? I sounded the horn many times pero ayaw pa rin maawat.

Lumabas ako ng sasakyan at sakto namang nakatayo ang dalawang nagsasapakan at talagang pinapanood lang sila ng mga tao. Umupo ako sa harapan ng sasakyan ko at tinitigan lang sila.

Hanggang sa makita ako ng isa ay natigil siya at tinitigan ako. Yung isa naman ay patuloy lang sa pagsapak hanggang sa napa-upo sa lupa yung nakatingin sakin. Susugurin na ulit sana nung isa yung napa-upo.

"Sa dami laki ng espasyo ng lugar, sa gitna ng daan pa talaga kayo may ganang magsapakan?" Irita kong tanong. Nakaka-abala sila, ah!

Natigil naman yung lalakeng nakatayo at dahan-dahang lumingon sakin. Napa-kunot ang noo ko sa nakikita ko.

Kay liit nga naman ng mundo. Gulat yung mukha niya nang makita ako.

"Hanggang dito ba naman, ikaw pa rin nakikita ko? Dude! Sawang-sawa na ako makita yang mukha mo!" Galit kong sigaw kay Drake.

Oo. Oo. At Oo! Si Drake ang kaharap ko na may dugo ang labi at namumulang cheeks. Sapakan pa, Gora! Matuluyan ka na sana. Don't worry, ako na ang bahala sa kabaong mo.

Dali-dali namang lumapit yung mga kaibigan niya sa likod niya.

"So, Squad Goals 'to? Sapakan at Kalye ang title ng Goal niyo? Ang Cheap naman." Pang-aasar ko.

Halata namang nanggigigil na si Drake, namula ba naman yung tenga. Mangun-sume ka, Gago.

"At ikaw!" Sigaw ko sa kasapakan ni Drake kanina ay naka-upo at ngayo'y nakatayo na at may mukhang di maguhit na nakatingin sakin. Multo yung pananaw niya sakin, "Problema mo? At tsaka, matuto ka ngang umintindi na ang kalsada hindi ginagawang Sapakan Court. Gets? O baka naman Bobo ka rin katulad ng lalakeng ito?" Tinuro ko pa si Drake na nasa harapan ko lang.

"Ba-Bryan?" Sabi ba naman nung gagong kasapakan ni Drake. Anong Bryan? Tsaka ba't niya kilala si Bryan ko?

Nabigla ako sa sumunod na nangyari, kasi takot na takot na tumakbo yung lalakeng nakasapakan ni Drake. Nakakatakot na ba ang mukha ko ngayon? Gago siya! Ganda ko kaya.

Ibinaling ko naman kay Drake ulit ang usapan. I never talked to Drake since the day Bryan left. Pero di ko na kasi mapigilan galit ko sa kanya.

"Ikaw. Di ko na ipagpipilitang ipaalam sayo kung ano ang tinatapakan natin ngayon kasi hindi ka rin naman umiintindi." Sarcastic kong sabi. Matagal na talaga ako gigil na gigil kay Drake. Kami nalang kaya ang magsapakan dito? Ano? Game?

Living The NightmareWhere stories live. Discover now