Adriana Alessandra Lee's P.O.V
Nasa bahay ako, nagbe-breakfast. Pagkatapos nito ay pupunta na ako sa clinic para sa memory ko. Napa-tingin ako sa mesang malaki. Ako lang ang kumakain habang may labing-dalawang upuan sa mesang ito. Lumapit yung maid at nilapag ang isang baso na orange juice.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ganda ng ugali mo." Sarcastic kong sabi.
Ang bastos lang, ha. Hinihiwa ko yung ulam ko tapos hinarang niya ang mga kamay niya para ilapag ang juice sa kabilang side. Di nalang kaya siya pumunta sa kabilang side, diba? Ang bobo talaga.
"Thank You, Mam." Sagot pa niya. Sapakin ko to, eh.
Napa-tigil ako sa pag-nguya at hinawakan ang table knife ko, "Gusto mong paslangin kita?" Irita kong tanong sa kanya.
Pumagilid naman siya kaagad kaya nilapag ko ang table knife ko, ngumuya ako ulit. Ang sarap pumatay ng mga tatanga-tanga ngayon. Nakita ko namang pumasok si Alex sa dinning room.
Tumingin si Alex sakin, "Oh, nagbe-breakfast ka?" May common sense ba to?
Napatigil nanaman ako sa pag-nguya. Hinawakan ko nanaman ang table knife, "Gusto mong paslangin rin kita?!" Irita kong tanong sa kanya.
Sinamaan niya ang tingin niya sakin, "Nagtatanong lang ako. Malay mo nagdi-dinner ka na kaagad." Sabi ba naman. Mamamatay ako sa kabobohan ng mga lokong ito.
Inirapan ko siya at padabog na nilapag ang table knife. Umupo naman siya sa gilid ko at naghain ng makakain ang mga maid para sa kanya. Taruuyy. Di ko pinapansin, patuloy lang ako sa pagkain habang naka-tingin siya sakin.
"Miss Adriana." Tawag niya sa pansin ko.
Inis akong tumingin sa kanya, "Oh, bakit? Magdi-dinner ka na rin?" Sarcastic kong tanong sa kanya. Sarap patayin.
Natawa siya, "May itatanong lang ako." Sabi niya.
"Oh, ano yon?" Mataray kong tanong. Tumingin siya sa mga maids at sumenyas na palabasin ito. Lumabas naman ang lahat ng maid na nasa kasama namin.
Tumingin siya sakin, "Nasaan na si Bryan ngayon?" Tanong niya sakin. May gusto yata kay Bryan to, eh!
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ba't mo tinatanong?" Tanong ko naman.
Uminom muna siya ng juice bago nagsalita, "Wala lang. Nakakapagtaka lang at nawala lang siya bigla." Sabi niya. Wala talaga silang alam kung napano na si Bryan. Hayys.
"Nangibang bahay." Palusot ko pa.
Natawa siya, "Yung totoo kasi, Ms. Adriana. Hindi ko naman sasabihin kay CEO ang mga isasagot mo." Sabi pa niya. Tinignan ko siya. Wala namang magbabago kung magsusumbong siya kay Nicks.
Humiwa ako sa kinakain ko, "Namatay na siya." Mahina kong sabi.
Napatigil naman siya sa kakagalaw at kaka-nguya. Napatingin ako sa kanya kasi mukhang nashock siya. Whew.
"Oh? Ba't gulat na gulat ka?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin, matagal siyang nakapag-salita, "Kailan pa?" Tanong niya sakin.
"5 months ago." Sagot ko naman kaagad.
Natahimik nanaman siya ng sandali, "Paano ba siya namatay?" Tanong niya. Ba't ba ang laki ng concern niya kay Bryan? Crush niya yata si Bryan, eh.
Nilapag ko ang fork at knife, "Pinatay siya ni Reymark." Sagot ko naman kaagad.
Nanlaki ang mga mata niya, "Ba-Bakit?"
Natawa ako, "Sa tingin mo, makakapasok si Reymark sa eksena namin, kung hindi nawala si Bryan? Syempre, ginawan niya ng paraan para mawala si Bryan."
YOU ARE READING
Living The Nightmare
Teen FictionEver lived in lies? Knowing that everything was fine and normal? Living like you own your life and nobody else? Well, think again. You just living a nightmare. It was never real. It was never normal. Everything was monitored and planned. And everyo...