Living The Nightmare Chapter 18 (Love Like Caledonia)

17 0 0
                                    

Adriana Alessandra Lee's P.O.V

Kakadating lang namin ni Drake sa bahay niya at basang-basa kami. As in lahat! Simula ulo hanggang paa. Nako.

Pero, ang weird talaga kanina. Yung narinig ko. And the raining thingy? I ain't doing it again.

Pagpasok namin sa pintuan ay naka-helera ang mga maids ni Drake at nag-bow silang lahat. Alam kong nagtataka iyan sila kasi basang-basa kaming dalawa,

"Hoy, Drake! Ba't nawala ka big-la---???"

Nanigas ako nang marinig ko ang boses ng isang madaldal. Patay na. Nako! Ayan nanaman siya!

"Queen! Ba't nandito ka?" Tanong naman ni Joon. Wag ka na magtanong, Joon. Please lang, ibibigay ko sayo ang Lee Corporation, wag ka lang magtanong.

"Hoy! Nagsasama na kayo sa iisang bubong, ano?!!" Natututwang sigaw ni Ken sa amin. Pusang Gala talaga ito si Ken! Masyadong ano!

"Hi-Hindi, ah!" Sigaw ko naman pabalik. Totoo naman! Iba ang kwarto namin ni Drake, ah!

"WEH??" Sabi ba naman ng mga loko. Sisipain ko iyang mga harapan niyo kapag hindi kayo tumigil diyan!

"Hoy! Totoo ang sinasabi ko, wag mo nga---.."

"Mam, naka-ready na po ang iyong kwarto." Sulpot naman ng maid ni Drake. Shit.

Shit. Shit. Shit! Pusang Gala!

"NAGSASAMA NA NGA!!!" Sigaw ni Ken at nagtalon-talon pa sila na may matching katuwaan moment. Grabe, magagaling talaga itong mga kaibigan ko.

Napa-tingin si Drake sakin at napa-hampas naman ako sa noo ko. Pusang Gala!

"Ikaw, Drake, ah! Di ka nagsasabi." Pang-asar naman ni Ken kay Drake.

"Hoy. Tigil na nga kayo." Saway naman ni Drake sa kanila.

"Kailan pa naging kayo? Eh, diba, kahapon hindi iyan namamansin si Queen?" Sabi naman iyan ni Chan. Kung hindi talaga siya titigil, tatanggalin ko talaga iyang tenga niya!

"Kaya pala hindi sila nagpansinan kasi nahihiya sila sa isa't isa. Yieee!" Sigaw nanaman ni Ken. Talaga ito si Ken.

"May galit-sigawan effect pa sila kahapon!" Dagdag pa ni Blake. HAA!! MGA PUSANG ITO! Mas lalo pa nagsigawan.

Wala akong gusto kay Drake! Ba't ba pinapalabas nila na kami na?! So, kung sasabihin nila na kami na, parang sinasabi na rin nila na may gusto ako kay Drake! Talaga naman!

"HOY! Nagkakamali kayo! Wag kayong ano!" Gigil kong sabi sa kanila.

Nagtawanan naman silang lahat. Pinagtawanan lang ako ng mga loko-loko.

Tumawa si Drake, "Ganyan na ba talaga kami sa inyong paningin?" Tanong naman ni Drake.

"Hoy! Ken! I love Bryan the most, kaya tigil-tigilan mo ako!" Nangigigil talaga ako kay Ken. Sarap sapakin!

Tumawa naman si Ken, "Sige nga, ba't ka dito nakikituloy?" Sabi naman ni Ken. Si Ken talaga, walang kupas ang bibig.

Lumapit si Drake sa kanya at umakbay, "Sa sala na natin pag-usapan iyan." Sabi naman ni Drake at nagsi-punta sila sa sala.

Ako naman ay umakyat sa kwarto ko at nagbihis na dahil basa ako. May kumatok naman sa pintuan.

"Sino yan?" Tanong ko.

"Adriana." Tawag ni Leo sakin.

"Pasok ka." Sabi ko sa kanya, "May kailangan ka?" Tanong ko kay Leo.

He smiled, "Can I talk to you?" Tanong niya. Woah. It's the first time he talked.

"Yeah, sure." Sagot ko. Mabait ako kay Leo kasi mabait siya sakin. Wag kang ano!

Living The NightmareWhere stories live. Discover now