Living The Nightmare Chapter 19 (I Don't Wanna Loose You)

16 0 0
                                    

Adriana Alessandra Lee's P.O.V

Umaga na nang ako'y magising. Gosh! I hate waking up. Sana nga, tuluyan na akong hindi gumising para makasama ko na si Bryan. Hayys. Well, may misyon pa kasi ako, kaya siguro hindi pa pwede.

Matapos akong maligo at magbihis ng uniform ay bumaba na ako. Sigurado ako, nasa baba na ang mga lokong iyon. Pababa pa lang ako ng hagdanan ay nakikita ko na ang 12 sa ibaba, naghihintay sakin. Kainis!

Inirapan ko sila. Nakakairita ang mga ito. Hinihintay nila ako, eh. Mauna na sana sila! Di ko sila kailangan makasabay at makita sa umaga! Nakaka-wala ng ganang mabuhay.

"Morning, Queen." Naka-ngiting panimula naman ni Chan. Guilty masyado. Siya kasi ang kumuha ng litrato.

Hinampas naman ni Ken ang ulo nito, "Wag kang maingay." Saway niya at tumingin ulit sakin.

Napa-aray siya, "Nagsalita ang hindi maingay." Inis na sabi ni Chan kay Ken.

Alam mo, kahit ilang sandamakmak pa na kalokohan pa ang gawin ng mga ito sakin, malapit pa rin ang loob ko sa kanila. Hindi ko kayang magalit ng matagal sa kanila. Hindi ko alam kung bakit.

Tumigil ako sa harapan nila at hinintay ang magiging "Sorry" nila.

Nagtinginan silang lahat. Well, actually sina Minjo at Leo ay di naman kasali sa gulo. Silang siyam lang pala ang nagtinginan sa isa't isa. Wait lang. Parang may tinatago silang lahat sa likuran nila, ano nanaman kay--..

"Sorry na, Queen." Sabay nilang sabi at inilabas ang blue na rose na hawak-hawak nila na nakatago pa sa likuran nila.

Napa-tingin ako sa blue na roses na hinahawakan nila. Whenever I see a blue rose, naaalala ko si Bryan. He always gives me a blue rose. I Love blue but I said this na. Everythin changed already. Even my favorite color. Yun favorite color ko na ngayon ay--...

"Queen, may naiiba sa likuran." Naka-ngiting sabi ni Ken. Ano raw?

Napa-tingin naman ako sa likuran kung nasaan nakatayo si Drake, kasama sina Leo at Minjo. What the?

He was holding a Black Rose. As in! Yung kulay itim talaga na rose. Ang Cool. And yes, my favorite color now is black. I admire black the most. And Galaxy. Yas!

"Ba-bakit black?" Tanong ko kay Drake. I love Black talaga. Awwee.

"Kasi alam kong matagal mo nang gusto ang black." Sabi niya, "Wala naman kasing kulay Galaxy na Rose." Sabi ba naman. Haha. Wala talaga non. Wag siyang ano.

"Nakisingit lang kasi ang kulay asul." Sabi naman ni Ken.

Hinampas naman siya ni Chan sa ulo, "Wag kang maingay." Naka-ganti si Chan. Natawa ako sa ginawa nila.

Inis kunwareng hinampas ni Ken si Chan sa braso. Nagtawanan silang lahat. Well, pati na rin ako.

"Oy. Bati-bati na kami." Sabi pa ni Ken sakin. Inabot niya sakin ang rose na hawak-hawak niya at sunod-sunod na silan nagbigayan.

Hanggang si Drake nalang ang natitira. Tinaasan nilang lahat ng kilay si Drake at may mukha naman si Drake na nahihiya. Haha. Wag siyang ano!

"Hindi ba't nag-rehearse tayo kanina? Wala naman siguro sa rehearsal natin ang maghiya-hiyaan diyan sa likuran." Nagbakla-baklaan pa si Ken at pinaparinggan pa si Drake. He is shy when it comes to giving things.

"Abot mo nalang." Sabi ni Drake kay Troy na nasa harapan niya.

Natawa ako. Mahinang nagtatawanan naman yung iba.

"Kilala ba kita?" Tanong ba naman ni Troy kay Drake at tinarayan. Hahaha! Hiya pa more.

"Kapag silang dalawa lang, matapang siya tapos kapag may kasama nang iba, hiya-hiya siya." Nagpapa-rinig si Ken! Hahaha. Natatawa talaga ako kapag nagbabakla-baklaan si Ken. Bagay sa kanya, Besh.

Living The NightmareWhere stories live. Discover now