Living The Nightmare Chapter 17 (The Game Function)

16 0 0
                                    

Adriana Alessandra Lee's P.O.V

Naglalakad ako papunta sa classroom.

"Di natin sasabihin sa kanila?" Tanong ni Drake sa akin. Dalawa pala kami naglalakad papuntang classroom.

"Hindi. Hindi mo sasabihin sa mga kaibigan mo na nasa inyo ako umuuwi ngayon. Alam mo naman ang isip ng mga iyon, diba?" Irita kong sabi.

Ang dami niya kasing alam, ang gusto niya kasi ay sabihin daw namin sa mga kaibigan namin na nasa kanila ako nakikitira at baka daw mabuking pa kami at kung ano-ano ang sasabihin.

"Sige. Bahala ka. Ikaw rin naman ang mapagti-tripan." Sabi niya. Bahala na nga siya. Ba't ba siya nababahala?!

Pagbukas ko ng pintuan ng classroom ay, nagsi-tinginan ang lahat sa aming dalawa. Si Ken naman ay Troll Version nanaman. Yung mga kaibigan kong mga loko ay nagtinginan sa isa't isa at may mga ngiti na nakakaloko. May trip silang kakaiba sa utak. May mga sayad talaga.

Tinarayan ko sila isa-isa at umupo sa upuan ko. Si Drake naman ay naupo na rin sa upuan niya.

Hoy! Isa ka pa! Oo! Ikaw! Ikaw na nagbabasa nito! Kahit nakitira ako sa bahay ni Drake, iba pa rin ang kwarto ko, ano. Nakitira lang naman ako sa ibang bahay kasi may handang tumulong sa akin kung ano man ang mangyari sa akin. Remember, the doctor said, walang sino man ang makakatulong sa akin kahit libutin ko pa ang buong mundo. Kaya wag kang, ano! Wala akong gusto kay Drake! Si Bryan lang akin. Gets mo?

"Sabay sila." Parang kinikilig na sabi pa ni Ken at nagtilian ang iba. Parang mga tanga talaga.

"Gusto mo sapak?" Inis kong tanong kay Ken. Alam mo, pinagtawanan lang ako. Di ko gusto si Drake! Ano ba?!

Si Drake naman ay pinabayaan niya lang ang mga loko-loko. Nakaupo lang siya at nakatingin sa harapan. Subukan niya lang tumingin sa akin, malilintikan siya sakin. Di man lang siya makasaway sa mga kaibigan niya.

"Yiee. Nagsasama na ba kayo sa iisang bubong?" Sabi naman ni Chan. Tanggalin ko kaya ang tenga niya?!

"Nagthathama na thila tha ithang bubong. " Sulpot naman ni Seth. Ano raw? Nagsasama na sila sa isang bubong?

"Putulin ko na kaya iyang dila mo? Para naman matuluyan ka nang di makapag-salita?! Bulol!" Inis kong sabi kay Seth.

Tumawa si Seth, "Thalaga, Queen?" Lakas nga naman nito ni Seth.

"THALAGA!" Sigaw ko sa kanya. Nagtawanan naman sila. Si Seth? Mabiro-biro mo iyan, pero, kapag nagalit? Wag na wag kang lumapit.

"Dithcriminathon iyan, Queen." Natatawa niyang sabi sa akin. Discrimination daw ginagawa ko sa kanya? Hahaha.

"Kung ayaw mong mapahiya, THAAT UP!" Sigaw ko kay Seth. Wala, tinawanan kang ako. Loko talaga.

Yung loko na Ken naman ay tumakbo papunta sa giliran ko, nagbabakla-baklaan nanaman itong lokong ito.

"Hoy, Mare, sige nga. Ba't kayo magkasabay ni Drake ngayon, ABER?!" Sabi ba naman. Sa sobrang irita ko na ay.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya, hinaplos ko ang buhok niya at sinabunutan. My specialty pagdating sa mga loko-loko.

"Aruuuyy." He cried. Hahaha. "Aruy, Aruy, Aruuuy." Sabi ba naman. Aruy pala, ha. Alams na this.

"You keep your mouth shut." Naka-ngisi kong sabi sa kanya at tumatango naman siya. Binitawan ko siya.

Hinawakan niya buhok niya, "Kung hindi ka lang maganda, kanina pa kita sinapak." Sabi ba naman. Aba.

"Aba't!--" Naputol ang sinabi ko dahil, he kissed my cheek. What?!

Living The NightmareWhere stories live. Discover now