"Together. Always. Forever."
Bryan?
"All for your Hapiness, Baby."
Bakit naririnig ko si Bryan?
"I will always Love You." Boses ni Bryan ang naririnig ko pero di ko alam kung nasaan siya. Di ko siya makita.
"Mam?" Bigla naman nagbago ang boses, babae naman ngayon. "Gising na po, may pasok pa kayo."
Hanggang sa napadilat ako, I was dreaming? But I swear, it was Bryans' voice I heared. Napa-pikit naman ako sa inis, back to reality.
Nag-ayos na ako para pumasok, at habang nagbe-breakfast ako ay may napansin ako.
Kay laki-laki ng mesa. May 12 na upuan pero ako lang naman mag-isa ang umuupo. Ang mga maid nasa giliran lang para maghintay na matapos akong kumain.
Nilapag ko ang Spoon at Fork ko, nawalan tuloy ako ng gana kumain. Umalis nalang ako, wala na rin namang silbi ang mag-stay sa bahay.
10 Months Ago...
Adriana Alessandra Lee's P.O.V
"Sigurado akong magugustuhan mo dito." Sabi ni Bryan sakin, "Kasi nandito ako." Dagdag pa niya tapos tumawa. Ampogi talaga!
Natawa ako, "Magka-section ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Sana naman magka-section kami.
"Oo, di kasi tayo pwedeng paghiwalayin." Sabi naman niya. Ang Cheesy nito.
From now on, papasok na ako sa school ni Bryan at magsasama na kami buong maghapon. Eh di masaya!
"Ito na." Sabi niya at tumigil kami sa harapan ng isang room.
Class 11-Dark. Okay. Dark na kung Dark. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman siya. Sarap ng buhay kasama si Lovelife.
Pagpasok naman namin ay nagkaka-gulo ang buong klase, no teacher. Nang mapansin nila kami ay nagsi-tigil silang lahat sa ginagawa nila. Pinagtitinignan ako ng mga tao.
Tinignan nila ako at medyo nahiya naman ako ng konte, ano ba yan? Is this how they greet a new student?
Hinigpitan ni Bryan ang akbay niya sakin habang tinitignan ko isa-isa ang mukha ng mga tao sa loob ng Classroom na ito.
Hanggang sa nagka-tinginan kami nung isang lalake. Nangilabot ako at ang produce nanaman ng isang Hard beat ang heart ko, nanghina ako bigla. Multo yata yung lalakeng iyon.
What just happened? Hindi naman kasi beat katulad ng naiinlove. Nakakakilabot na beat.
May mga lalakeng namang naka-tingin sa akin tapos napa-tingin sa lalakeng nakakakilabot. Problema nila?!
"They're friendly, trust me." Sabi ni Bryan. Sigurado ka, Bryan? Parang kakainin ako ng mga taong ito.
"I'm not sure." Hindi masyadong malinaw ang pagkasabi ko.
Tumayo ang lalake, "Bryan! Hey Bro." Sabi nito kay Bryan at nag-do the handshakes they do. Ano bang tawag sa mga handshakes na iyan?
"This is Adriana?" Tanong ng lalake kay Bryan. Magkakilala ba kami nito?
Not Interested!
"Yeah. Beauty, isn't she?" Naka-ngiting sabi ni Bryan. Pshht. Wag oy. Nakakahiya.
"Hindi mo naman sinabi na girlfriend mo ang the Famous Adriana Alessandra Lee." Sabi ng lalake. Famous? Nah! Pathetic Fame! I don't need it. I just need Bryan.
Ngumiti lalo si Bryan sakin, "I didn't knew you're Famous?" Biro niya. Ayoko ng iniisip niya na sikat ako. Sikat lang naman ang pangalan ko ng dahil sa apilido ko.
YOU ARE READING
Living The Nightmare
Ficção AdolescenteEver lived in lies? Knowing that everything was fine and normal? Living like you own your life and nobody else? Well, think again. You just living a nightmare. It was never real. It was never normal. Everything was monitored and planned. And everyo...
