Drake Kevin Levine's P.O.V
"Drake! Buksan mo to!" Sigaw ni Ken sa labas ng kwarto ko habang pinupukpok na ang pintuan ko. Hala, sige! Sirain niyo yan!
I don't wanna live anymore.
"Drake, pag-usapan natin to. Buksan mo ang pinto." Paki-usap naman ni Leo. He's always there to comfort me.
Nasa kwarto ako nagmumukmok. Nakahiga lang ako sa higaan at nakatitig sa kisame. I don't wanna face the world.
"Kapag hindi mo ito bubuksan, sisirain namin tong pintuan mo!" Inis na banta ni Ken sakin. Bahala na kung sirain. Tignan natin kung yung ointuan ang masisira, baka kamay pa nila ang masira.
"Hindi na ikaw ang pinapakiramdaman ng puso ko."
"I'm not your Twin anymore."
There's no use. My life is useless. I'm trying to live for her, but it's like she wants me to die. This is Shit! Ayoko na!
"Sisirain na namin to kapag hindi mo to bubuksan!" Sigaw ni Ken, "Isa!" Nagbibilang na sila, "Dalawa!" Bahala sila, "Tatl--..."
"May susi sa ilalim ng doormat, oh." Sulpot naman ni Chan kaya natahimik sila, "Aray!" Sigaw naman ni Chan. Binatukan nanaman yata ni Ken.
May susi kasi ako sa ilalim ng doormat kung in case na mawala ko ang susi ko, makakapasok pa rin ako dito.
Dali-dali nilang binuksan ang pintuan ko at nagsipasok sila na parang sardinas. Sige, magsiksikan lang kayo na parang sardinas sa LRT.
"Aray! Ba't ka nakisabay?!" Reklamo ni Han.
"Ikaw ang nakikithabay, ah!" Reklamo naman ni Seth kay Han. Kahit bulol, lumalaban.
"Tumama yung kamay ko sa lock ng pintuan!" Reklamo naman ni Blake. Daming reklamo, sila-sila lang rin naman ang may kagagawan sa nire-reklamo nila.
Lumapit si Ken sakin at tinitigan ako. Hindi naman ako gumagalaw, nakatitig lang talaga sa kisame. I don't care.
"Yan ang sinasabi ko sayo, dati pa." Inis na sabi ni Ken sa akin. Ayan nanaman siya.
"Daig mo pa ang Mama ko, paulit-ulit nalang." Walang Emosyon kong sagot. Hindi ako nakatulog simula pa kagabi.
Nagsi-lapit silang lahat at pinalibutan ako. Parang mga tanga. Ginawa pa akong patay na nakahalindusay sa daan.
"Kasi hindi ka natututo!" Sigaw ni Ken sakin, "Dati pa lang, sinabi ko na sayo na hindi maganda ang maidudulot ni Bryan sayo pero hindi ka nakinig, kaya ayan ka."
Di naman niya kailangan banggitin si Bryan. Wala namang kasalanan si Bryan dito. He knew nothing.
"Anong gusto mo? Dapat ba, pinabayaan nalang natin siyang tumalon sa building?" Mahinahon kong tanong kay Ken. I am not in the mood.
"Hindi. Hindi naman naging problema ang pagtanggap natin kay Bryan sa barkada. Ang naging mali mo ay pinabayaan mo si Bryan na agawin si Adriana sayo!" Sumbat naman ni Ken sakin.
Napatingin ako kay Ken at tumayo ako. Hinarap ko siya, now he's getting into my nerves.
"Sa tingin mo? Mababago ko pa ba ang lahat kapag sinabi ko kay Bryan na akin si Adriana? Huh?!" Panimula ko.
Pinipigilan na ako ng iba kong mga kasamahan, alam nila kung paano ako magalit sa ibang tao.
"Nang makita ko ang ngiti ni Adriana habang kausap niya si Bryan, alam kong may pumalit sa pwesto ko." Nanggigigil ako sa galit. Ayokong masaktan ko ng pisikal si Ken o kahit sino pa sa mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
Living The Nightmare
Teen FictionEver lived in lies? Knowing that everything was fine and normal? Living like you own your life and nobody else? Well, think again. You just living a nightmare. It was never real. It was never normal. Everything was monitored and planned. And everyo...