Living The Nightmare Chapter 26 (Medicine X)

13 0 0
                                    

Adriana Alessandra Lee's P.O.V

Nanlaki ang mga mata ko dahil may na-realize nanaman ako. Ang bagal nun, ah.

The harder it gets, the softer it can land on. Pandora's box is hidden just right behind you.

Bigla nanlaki ang mga mata ko. Shit. Napa-upo ako kaagad sa kama at inisip ang naalala ko. Bryan! Nandito ba yung second box?!

The harder it gets. Matigas na bagay in my back. Sa kada-bagsak ng katawan ko sa higaan, the more it gets hard in my back.

The softer it can land on. My bed is malambot. At kahit anong bagay ang tumama sa kama ko, mapapasabi talaga ng "Ang lambot".

Pandora's box is hidden just right behind you. Nakahiga ako sa kama facing the kisame and the matigas na bagay is in my back! And where is it hidden? In my back! Syempre. Bobo mo!

Sarreh, I love the tandem of Taglish. Hahahahaha.

Tumayo ako kaagad at hahanapin sana sa ilalim ng higaan ko pero hindi ko tinuloy. Bakit? Syempre! Wala yan sa ilalim ng higaan ko! Dalawang nakapatong na kama yan kaya syempre, nasa gitna ng dalawang kama yan!

Hinagis ko agad ang mga unan ko at lahat ng bagay na nakapatong sa kama ko. Kung nandito rin yung iPhone ko sa kama? Nako, ihahagis ko na rin. Haha. Patay ang bigat kaya ng kama ko, hindi naman ako pwede humingi ng tulong kay Alex kasi baka isumbong ako kay Nicks. Alam mo naman yon, walang trip sa buhay kundi ang magsumbong at maging kontra-bida sa buhay ko.

Huminga ako ng malalim at itinayo ang kama ko pero mabigat talaga. Hanggang sa na-inis na ako at tinaya na talaga lahat ng lakas ko. Well, nakaya ko siya. Haha. Infairness. Tinumba ko naman kaagad ang kama sa sahig.

"Oh, shit." Ano ba yan. Napapamura nalang ako sa kalokohan na ginagawa ko. Tumingin ako sa kama na natira at doon nakalagay ang parang treasure box.

Sana hindi narinig ng kahit sino yung bagsak ng kama ko. Ang lakas kaya, ikaw ba naman? Ang laki kaya ng higaan ko. Tsaka hindi na ako magsasayang ng oras na dahan-dahanin pa ang mga bagay. Hala? Drama? Hahahaha.

Kinuha ko kaagad ito at bubuksan na sana pero, "Mahilig si Bryan mag-lock na bagay. Hayy!!" Inis kong sabi sa sarili. Kapagod.

Narinig ko naman na may paparating sa kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa dressing room ko at itinago sa gitna ng mga damit ang box. At eto nanaman, tumakbo ako kaagad palabas ng dressing room. Nalalaman ko kapag may papunta sa kwarto kasi tahimik ang buong bahay. 1st policy, unnecessary noise is prohibited inside the mansion.

"Miss Adriana, ano yung bumag---??" Saktong iniluwa ng pintuan ko ang Alex na parang tanga, "Anyare?!" Gulat niyang tanong.

Hingal na hingal ako kaya hindi ko siya nasagot kaagad, "May ipis." Sagot ko naman sa kanya. Nagmumukha na akong may sayad tuloy.

"I-Ipis?" Tanong niya naman ulit. Bingi ba tong gagong to?

"Gusto mo--kumuha ako ng sandok para--tang-galin yang tutuli mo?" Sarcastic ko namang tanong. Parang tanga. Diba? Ganyan rin naman ang ginagawa niyo kapag may ipis kang nakita sa kwarto niyo?

"Ga-Grabe ka naman makahanap ng ipis?" Nagda-dalawang isip na siya sa sinabi ko.

Huminga ako, "Ganyan ta-talaga." Hingal na hingal talaga ako. Hoo!

"Si-Sige, tatawagin ko lang ang mga maids para ipaayos yang higaan mo at ipahanap yung ipis na sinasabi mo." Sabi niya at lumabas nanaman sa kwarto ko.

Napa-upo nalang ako sa sahig at huminga ng maayos. Nakakapagod. Nakalusot ako. Muntikan na yon, ah.

Bigla naman nagsipasok ang mga maids ko at hinanap ang ipis na sinabi ko. Haha. Hindi nila alam yung website na www.Palusot.com.

Living The NightmareWhere stories live. Discover now