Living The Nightmare Chapter 21 (My Brutha)

21 0 0
                                    

Adriana Alessandra Lee's P.O.V

"Okay, so it's settled." Masayang sabi ni Dad.

I'm sitting in the sofa, with my face messed up. I fucking hate this.

"Yes, Mister Lee." Sagot naman ni Reymark sabay hawak sa kamay ko. Hinampas ko naman ng malakas ang kamay niya kaya napa-aray siya.

"The wedding will be next week." Sabi ni Dad kay Alex. Si Alex kasi ang nagno-note sa lahat.

Inis na inis ang mukha ko habang naka-upo sa sofa, hindi lang dahil sa kasal, pati na rin kay Reymark. Katabi ko kasi siya sa sofa at may nalalaman pang hawak-hawak sa kamay ko. Kaya ayan! Hinahampas ko ang kamay niya, sinasadya ko talagang lakasan ang hampas.

Ang daming sinasabi ni Dad pero hindi ako nakikinig. Pinapabayaan ko nalang silang dalawa ni Reymark. Yung naiisip ko kasi is. Wag kang magisip-isip ng kahit ano-ano, ha.

Sina Drake kasi, eh! Sila yung naiisip ko. Mga katuwaan namin, yung mga moment na naging masaya ako. Yung mga tawanan namin. Just like what I remember.

A Month Ago...

Adriana Alessandra Lee's P.O.V

"Hoy. Sigurado ka bang hindi tayo mahuhuli sa gagawin natin?" Tanong ko kay Ken. Siya kasi ang may plano nitong kalokohan na gagawin namin.

"Hoy, Ken. Kapag nadamay ang mga pangalan namin sa kalokohan mo, malalagot ka talaga sa akin." Sabi naman ni Drake.

As a heir, our goal is keep our names clean and clear.

"Promise ko sa inyo mga friends, I got this." Sabi naman ni Ken at nagtawanan pa sila. Minjo and Leo is not here with us kasi alam mo naman na mababait ang mga iyon.

Nasa Hotel kami ngayon, at si Ken kasi ay may stepbrother na naka-check in dito sa hotel na ito.

Alam niyo, guys. Ang Mommy ni Ken ay patay na, and his Dad has a mistress even before his Mom died. May stepbrother siya na mas matanda pa sa kanya. So, diba?! His Dad had a mistress even before Ken was born, at talagang may anak pa sa mistress. Now, when his Mom died, his Dad married the mistress at si Ken ay nakatira ngayon sa isang bubong kasama ang mistress, stepbrother and his Dad.

"Anong room nga iyon?" Tanong ni Jong.

"5560." Naka-ngising sagot ni Ken.

This is Operation Revenge 101.

His Dad would always compare him to his stepbrother. Sinasabi raw ay mas magaling, mas matalino, mas mature raw yung stepbrother niya. Tsaka si Ken kasi ay sinasaktan ng stepbrother niya. And believe me or not, kinakampihan pa ng Dad niya yung stepbrother niya.

"Paano kapag sinumbong ka ng kapatid mo sa Dad mo?" Tanong ni Kyung kay Ken.

"Lumipat na kaya iyan ng bahay." Sabi ni Drake.

"Thaan?" Tanong ni Bulol, este Seth pala.

"Sa Mansion." Sagot ni Ken at tumigil siya sa harapan ng isang pituan, "Bingo." Naka-ngisi niyang sabi.

Hindi ko masisisi si Ken kung bakit ganyan siya. Pasaway? Normal lang kasi hindi maganda ang pagtrato sa kanya.

"Hoy, may naririnig ako!" Excited na sabi ni Chan. Parang.

May naririnig yata akong umuungol? Yuck! No!

"Queen, papasok ka?" Tanong ni Blake.

"Ayoko nga." Sagot ko naman. No. No. No!

"Queen, para sakin, samahan mo kami." Pakiusap ni Ken sa akin. Alam mo! Alam niya kasing kampi ako sa kanya kaya ganyan iyan!

Nag-isip muna ako.

Living The NightmareWhere stories live. Discover now