Drake Kevin Levine's P.O.V
"Kaya wag mong sabihin na traydor ako kasi tiniis kong tignan kayo ni Bryan. Alam kong masaya ka sa piling niya kaya hindi ko na kayo ginulo pa." Iyan ang huli kong sanabi. This is what I get? After everything?
Tumingin ako sa kanya. Alam kong masakit ang ulo niya, giving her a memory can cause the medicine to work harder.
Lumuluha ako habang nakikita siya.
Yes. Adriana is the Twin I am talking about, my first girlfriend, first and last. She's my childhood friend. Nagkakilala kami sa Park, mismong sa harap ng bench kung saan sila nagkakilala ni Bryan. Araw-araw kaming nagkikita sa park dahil doon kami dinadala ng mga nagbabantay sa amin.
Bigla nalang siya napa-upo sa sahig, hawak-hawak ang ulo niya. This is why I don't get to tell her the truth. Fuck.
Mabilis akong lumapit sa kanya, "A-Adriana." Inalog-alog ko siya. Sinabunutan niya ang sarili niya.
Nahihirapan nanaman siyang huminga. Bigla nalang siya sumigaw ng malakas, "GET OUT OF MY HEAD!!" Para siyang sinasapian.
Dali-dali namang pumasok sina Ken sa rooftop, "Drake! Anong nangyare?!" Gulat na sabi ni Ken. Nagsilapit sila kay Adriana.
"Isugod natin sa hospital!" Sigaw ni Chan sakin.
"We can't." Sabi ko habang naka-tingin kay Adriana.
"A-ANO?! BAKIT?" Tarantang tanong ni Ken.
Hindi na ako sumagot. Ano nanamang gagawin ko?! Saan ba kasi nalaman ni Adriana ang mga iyan?! Paano niya naalala ang nakalimutan niya??!! Tangna naman! Saan ba galing to?!
"GET OUTT---.. AAAAHHH!!!" Di ko na alam kung anong gagawin. Parang mas masakit pa yata to.
Binuhat ko si Adriana, "Walang makakatulong satin." Sagot ko sa kanila.
Dinala ko siya sa kwarto ni Bryan. Pero di pa rin ako mapakali. Hirap na hirap siyang huminga kasi bibig na ang ginagamit niya.
"Ano ba kasing ginawa mo?!" Tarantang tanong ni Ken.
Tumingin ako sa kanya, "Pi-Pinaalala ko ang nakalimutan niya." Kinakabahan kong sagot. Ano ba yan! Di na rin ako makahinga.
"Ba't mo naman ginawa iyon?!" Inis na tanong ni Jong sakin.
Tignan mo, dati, palagi akong pinipilit na sabihin kay Adriana ang totoo tapos ngayon. Parang tanga.
Di na ako nakasagot. Di na rin ako makahinga. Ano bang gagawin ko?!
"Eh, kung e-mouth to mouth mo." Suggestion naman ni Han.
Mouth to mouth? Talaga lang, ha? Gusto niya sampal gamit ang paa ko?
"Gago ka ba?!" Inis kong sabi kay Han.
"Suggestion ko lang naman." Sabi pa. Suntukin ko siya, eh.
"Ano nga ang gagawin natin?! Hirap na hirap na siya sa paghinga, eh, ikaw chill ka lang diyan." Sabi pa ni Blake sakin.
Tumawa si Chan na nasa gilid ko, "Chill? Di na nga humihinga si Drake." Sabi pa ng gago.
"Wag ka nga!" Inis kong sabi at hinampas si Chan sa braso.
Lumapit ako kay Adriana.
"Ma-Maghihintay nalang kami sa labas, para mapunta sa kanya ang mga hangin dito sa loob." Sabi ni Ken at sabay-sabay silang lahat lumabas.
Hinawakan ko ang kamay ni Adriana, "Come on, Twin. Breathe with me." Sabi ko kay Adriana.
Hirap na siyang huminga at sinasabunutan na niya ang sarili niya, dahil na siguro sa sakit ng ulo niya.
YOU ARE READING
Living The Nightmare
Teen FictionEver lived in lies? Knowing that everything was fine and normal? Living like you own your life and nobody else? Well, think again. You just living a nightmare. It was never real. It was never normal. Everything was monitored and planned. And everyo...
