Prologue - Part 2

1.8K 154 26
                                    

Ilang oras pa ang binyahe nila hanggang makarating sila sa bahay na sinasabi ni Vic. Sinalubong naman sila ng mga pinsan ni Vic na sina Jose, Wally at Paolo.

"Hala! May asawa at anak ka na pinsan?" Jose

"Hindi, papasokin nyo muna kami ng mailapag ko sa maayos na higaan tong bata." Vic

"Dito dito, inayus ko na tong kwarto ko kuya para may magamit kayo." Paolo

"Jose, nagawa mo ba yung pinapagawa ko sayo?" Vic

"Oo. May nakita na ako at alam kong magugustuhan mo. Zambales Insan, 20 hectares, vegetable and mango farm. May poultry at..." Jose

"Malayo ba sa bayan?" Vic

"Yun nga lang , malayo layo sa bayan." Jose

"Tawagan mo, sabihin pupuntahan natin mamaya. Pagpapahingahin lang natin ang bata. Pau ikaw na muna bahala kay Maine. Tatawagan ko lang si Ryan. Makikibalita sa nangyayari." Vic

"Sige, ako na dito." Pauleen

"Kayong tatlo, magsi impake na kayo ng gamit nyo. Aalis tayo mamayang alas otso." Sabi ni Vic sa tatlo

"Eh pati kami insan?" Wally

"Oo, kailangan ko tulong nyong tatlo sa farm." Vic

"Sige, pero maghahanda muna kami ng pagkain para makakain kayo tsaka yung bata." Jose

"Tulungan ko na kayo." Pauleen

Alas otso ng umaga ay nakahanda na silang lahat maliban nalang kay Maine na tulog pa.

Nasa living room sila at nag-uusap. Kinuwento narin kasi ni Vic yung nangyari sa mga pinsan.

"Ang lungkot naman ng nangyari sa bata. Mga walang kaluluwa ang gumawa noon kay Chairman!" Jose

"Mga ganid at magnanakaw!" Wally

"Murderer pa!" Paolo

"Kaya nga kailangan ko ang tulong nyo. Jose, sayo ko temporary ipapangalan ang farm sa Zambales pero kapag nakatungtung na si Maine sa 21 ay itatransfer na ito sa kanya. Mas mabuti ng wala munang makakaalam na iba. Nakausap ko na si Ryan kanina, naghahari harian na sila sa Kompanya, si Ryan at si Anjo ang magsisilbing mata natin sa kompanya, sa mga kilos at plano nila. Tutulong din satin si Atty. De Leon. Sa mansyon naman si Ruby parin ang namamahala doon kaya wala tayong magiging problema, kahit wala na si Chairman ay madami paring taong tapat sa kanya na pwede nating hingan ng tulong." Vic

"Mabuti naman kung ganoon. Eh si Maine? Paano ang bata? Ang pag-aaral nya?" Pauleen

"Darating sina Pia. Magho homeschool muna sya hanggang sa makatapos sya ng elementary. Sa highschool at kolehiyo naman ah nakaplano nang sa america sya mag-aaral noon pa man." Vic

"Paano kapag matrace nila sa pangalan ng bata ang kinaroroonan nya?" Pauleen

"Kaya nga tinawagan ko si Atty. de Leon. Kapag nakarating na tayo sa Zambales ay tawagan ko lang daw sya, may iniwan daw na mga papeles sa kanya si Chairman. Ang importante makarating tayo sa Zambales sa pinaka madaling panahon." Vic

The Heiress: Love or Vengeance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon