BONUS CHAPTER (Yoske)
Yoske's POV
Minsan sa kahihintay mo sa tamang panahon, marerealize mo na lang na huli na pala ang lahat.
Yan yung tumatakbo sa isip ko lagi. Halos araw araw. Nabasa ko lang yan, hindi ko na nga matandaan kung saan eh. Pero parang nanadya ang tadhana nang mabasa ko yan, dahil kasalukuyan akong nagiisip ng mga panahong yon.
Tama, walang mangyayari kung tutunganga ako. Walang mangyayari kung puro pagiisip ang gagawin ko. Walang mangyayari kung maghihintay lang ako. Walang mangyayari kung mangangarap lang ako.
Paano kung mahuli ang lahat? Pagsisisihan ko na hindi ko man lang sinubukan. Sisisihin ko ang sarili ko dahil ang tanga ko. Magsisisi ako, kaya mas magandang subukan para magkaalaman.
Kaso ang hirap magkagusto sa taong kinasanayan mo nang nasa tabi mo. Nakakatakot, dahil baka lumayo siya. Baka magulat na lang ako kinabukasan, wala na siya sa tabi ko.
Ito naman ang sumalungat sa naisip kong gawin. Paano nga kaya? Paano kung pagkatapos kong ilaban ang nararamdaman ko ay siyang paglayo niya? Paano kung ganun? Magsisisi din ako.
Mali. Hindi ako dapat maging negative.
Umiling-iling ako.
"Yoske!" nagitla ako at nawala sa pagiisip nang marinig ko si Dad. "Are you with me?"
"Y-yes dad." sagot ko. Nagdidiscuss kasi siya sakin ng kung ano-ano tungkol sa business.
"No! You're not!"
Hindi ako naka-imik. Totoo naman eh, wala ako sa konsentrasyon.
Huminga ng malalim si Dad. "Leave." Napatingin ako sa kanya. "Just leave."
Sinunod ko naman siya, takot ako sa kanya eh. Sino ba di matatakot sa kanya? Kahit nga si Mom takot sa kanya. He ruled our world. Kaya ganun kami sa kanya. Pero alam ko naman na seryoso lang ang Dad ko. Mahal lang niya masyado ang mga business niya. Kaya naiintindihan ko siya kung nagagalit man siya sakin ngayon.
Bata pa ko, itinatak na ni Dad sa utak ko ang magiging future ko. Araw araw pinapa-imagine niya sakin kung ano ang magiging buhay ko at tinanggap ko na yun. Sinabi ko sa sarili ko, na magiging katulad ako ni Dad. Hahawakan ko ang mga business namin. Ako ang magpapatakbo nun, ako ang mamamahala.
Pero sa panahon ngayon, wala pa talaga sa isip ko na pag-aralan lahat ng yon. Gusto ko i-enjoy ang buhay ko.
"Son," narinig ko ang boses ni Mom, kalalabas lang niya ng kuwarto niya. "I hope you understand,"
"I did, Mom." sagot ko. Kahit naman nakakatakot ang Dad ko, alam kong Dad ko pa rin siya. At alam ko namang hindi yun magagalit sakin. Kung masisigawan niya man ako, alam kong dahil may kasalanan ako. Pero hindi rin naman magtatagal yun, mawawala rin naman. Kaya idol ko si Dad. Unlike other parents na pine-pressure yung anak nila, atleast yung Dad ko hindi ganun. Hindi siya katulad ni Tito. They are totally different.
"That's my son," she smiled. "Hindi mo nagagawang magtanim ng galit sa Dad mo,"
"Mom, bakit naman ako magagalit? Besides, it's my fault. Hindi ako nakikinig." sagot ko sa kanya.
"Eh bakit nga ba hindi nakikinig ang anak ko?" kakaiba yung tunog ni Mom sa pagkakatanong niyang yon.
"Wala."
"There are two reasons kung bakit nagiisip ang lalaki. Una, dahil sa pera. I don't think na poproblemahin mo yon?" she raised her eyebrows.
"So what's the second reason?"
BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Teen FictionI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.