A/N : dedicated to Rein. =) Hi Rein ^_^
***Chapter Eleven**
Meika's POV
"Meika!" sigaw ni Iry. Nakakabingi naman tong babaeng to. Pumasok na kasi ako sa classroom namin after ko manggaling ng canteen at kumain ng lunch kasama si Gray. Pero busog na kasi ako eh, kumain kasi kami ni Box bago kami pumasok. Saka ewan, naguguluhan talaga ako, parang nawalan ako ng gana kahit nakakatakam yung pork-chop na kinakain namin
Huhu Sana hindi ako habulin ng pork-chop mamaya, baka magalit siya kasi I left him.
"What's with that face?" tanong ni Iry sa'kin nung dirediretso lang akong umupo sa puwesto ko. HuhuWala talaga ako sa mood eh. Gusto ko mang magsalita, pero parang ayaw ng bibig ko.
Gusto ko talaga ikuwento lahat kay Iry, kaso natatakot ako. Dalawa lang kasi yan eh, either magagalit siya or maiinis siya. Pero puwede ring matuwa. Ay naku! Bipolar kasi yang babaeng yan eh.
"Uy! May nangaway sayo? May nangyari ba? May sakit ka ba? Uy, ano nga?" pangungulit sakin ni Iry. Sakto naman dumating si Yoske, nagkatinginan kami, pero mas nauna akong umiwas.
"Wala to," mahinang sagot ko. Kung magkukuwento naman ako, kulang din sa oras. Dadating na yung teacher namin.
Hinawakan naman ni Iry yung ulo ko, "Basta kung masama yang pakiramdam mo, just tell me. Dadalhin kita agad sa clinic," pagtapos nun bumalik na siya sa puwesto niya. Malayo samin ni Yoske. Seatmate lang kasi kami ni Yoske eh.
"Okay ka lang ba Meika?" tanong niya sakin. Hindi ko alam pero hindi ako makatingin sa kanya ee. Kahit maliit lang yung mata niya, hindi ko talaga kaya.
Tumango lang ako at kunwari may kinuha sa bag 'ko. Huu. Hindi ko talaga matagalan ee. Bakit ba nagkakaganito ako? Di ba sabi ni Yoske walang magbabago? Pero pano? Ehhhhh. Nakakainis naman ee.
Habang naglelesson yung teacher namin, nagdrawing ako ng circle circle sa likod ng notebook ko. Habang nagiisip.
Sunod sunod yung pangyayari. Ilang gabi na nga din pala akong hindi nakatulog ng maayos. Simula dun kay Stone, ano nga pala yung sinabi ng sukli na yon? Tapos ito pang si Yoske. Tapos yung kanina si Box, tapos si Gray kani-kanina lang. Seryoso ba talaga sila?
Yung mga sinasabi naman kasi nila hindi ko maintindihan eh. Parang alien language. Kidding aside Meika, bakit ganun?
Nakakainis naman sila. Hindi pa ko nakakamove on sa isa, may bago na naman. Hindi ko pa nga nahahanap sa dictionary yung sinabi ni Stone, eto na naman yung kay Yoske. Tapos sinundan ni Box, tapos bigla bigla naman tong si Gray.
Pero malinaw naman yung pagkakasabi sakin ni Yoske eh. Ako lang talaga tong praning. T^T Ang mean mean ko sa sarili ko. Bad bad bad.
Circle circle circle~
Liligawan?
Huhu Ano yun? Di ba ginagawa yun bago maging maggirlfriend at magboyfriend? Kasi ganun yon di ba? Yung babae liligawan ni guy tapos magiging sila after few months.
Eh bakit si Gray at Box, dalawa? Puwede ba yun? Dalawang boyfriend ko? Mali talaga. Dapat pala hindi ako pumayag. Kasi dalawa na, dapat isa lang. Pero..
Waaaah! Hindi ko na maintindihan!
circle circle circle~
"Huy! Butas na yung papel oh," sabi ni Yoske sabay turo dun sa notebook ko.
Hala! nabutas ko na yung kasing-cute kong notebook Bakit kasi ito pa yung kinuha ko? Kawawa naman. Pareho na kaming kawawa Bakit ba nila ginagawa sa mga cute to? Kasalanan ko bang cute ako? Ang hirap naman maging cute ee.
![](https://img.wattpad.com/cover/9455891-288-k687169.jpg)
BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Teen FictionI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.