CHAPTER TWENTY TWO

481 14 2
                                    

***Chapter 22**

 A/N: Sorry sa delay huhu. Busy busyhan lang po *O* 

Meika's POV

Bigla siyang napayuko, hawak hawak ang ilong niya. Nasaktan ko yata siya.

"Aah--"

Lumayo ako ng konti sa kanya, pero nakatutok pa din yung payong ko sa kanya.

"S-sino ka?"

"Grabe naman Meika," hawak hawak pa din niya yung ilong niya na humarap sakin.

"Yoske?"

"Pango na yata ako eh."

"Hala sorry," nilapitan ko siya. "Ikaw naman kasi! Akala ko naman kung sino na sumusunod sakin."

"Bakit kasi naglalakad ka mag-isa?" tanong niya sakin. Tinanggal na rin niya yung kamay niya sa ilong niya. Namula nga eh.

"Sorry talaga Yoske, hindi ko kasi alam eh."

"Hayaan mo na. Papaayos ko na lang," tumawa siya.

"Sira ka talaga, porque't mayaman ka," naglakad na kami pareho. Napakamot naman siya ng ulo.

Tahimik lang kaming naglalakad. Walang kumikibo. Wala rin namang ibang tao maliban sa'min. May napapadaan minsan na tricycle na siyang nagbibigay ng ingay sa'ming dalawa. Sarado na ang mga bahay na nadadaanan namin, madidilim na. Gabi na kasi talaga.

"Hindi ka sumama sa kanila?" tanong ko para hindi masyadong tahimik.

Umiling naman siya.

"Hindi ka pa nagugutom?" tanong ko ulit sa kanya.

"Makita lang kita busog na ko,"ngumiti siya tapos nangamot ng ulo.

"Tch, san mo naman natutunan yan?" sinamaan ko siya ng tingin pero di niya ko nililingon. Nakangiti lang siya tapos pakamot kamot ng ulo. "May kuto ka ba Yoske?"

"Uy, pick up line ba yan?" ngumiti siya sakin.

"Sira hindi! Kamot ka kasi ng kamot sa ulo mo, assuming to."

Ngumiti lang siya. "Minsan kahit ayaw mong umasa, aasa at aasa ka pa rin."

Napatingin ako sa kanya. "Nagdadrama ka na naman."

"Ako ba? Ikaw nga 'tong umiyak."

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. "Nakita mo?"

Yumuko siya tapos kunwari pinupunasan yung mata niya. Ginagaya niya ko. Hinampas ko nga.

"Aray!" napahimas siya sa braso.

"Ikaw kasi eh," naglakad na ko, sumunod naman siya.

"Bakit ka ba kasi umiyak? Dahil hindi kayo ang nanalo?"

"Nahiya lang ako. Kung hindi dahil sa'kin, hindi sana natalo ang Metafour."

"Eh kung hindi naman dahil sayo, makakasali ba sila?"

Umiling ako. Hindi na 'ko nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.

***

Nagising ako ng maaga, kumakalam ang sikmura 'ko. Hindi kasi ako nakakain kagabi pagkatapos akong ihatid ni Yoske. Pagod na pagod ako kaya humilata na agad ako sa kama.

Bumangon ako at bumaba sa kusina. Tulog pa sila. Wala naman kasing pasok ngayon, kaya hindi nag-abala si mama na magluto ng maaga.

May naramdaman akong balahibo sa paa ko, si Yoske pala. Yung aso namin.

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon