CHAPTER TWENTY EIGHT

372 16 12
                                    

***Chapter 28**

 

Meika's POV

Nagtaka ako sa sinabi nila Gray kanina. Okay na kaya sila? At buti natago nila, dahil beer talaga yun eh. Amoy ko kaya, pero parang ang saya nila. Natutuwa ako na okay na sila, sana magpatuloy lang. Para masabi ko na sa lahat na magpinsan sila. Hehe. Kasi ako pa lang nakakaalam.

Pero yung ako talaga pinaguusapan nila, medyo nakakailang lang.

Papasok na sana ako sa kuwarto namin nang bigla akong hawakan ni Stone sa pulso at hinila pababa ng hagdan.

"Uy," pabulong kong tawag sa kanya. "San tayo pupunta?" tanong ko habang hinihila niya ko pababa.

"Shh," huminto siya at tinakpan niya yung bibig ko gamit yung hintuturo niya, tapos hinila niya ulit ako. Maingat kaming bumaba, hindi ko naman siya mapigilan dahil baka magingay lang kami.

Nakarating kami sa maliit na pintuan palabas. Yung main door kasi yung dinaanan namin kanina. Hindi ko alam kung bakit nabuksan yun ni Stone, hindi ba yun naka-lock?

Maingat din niyang sinara yung pintuan at hinila na naman niya ko. Medyo madilim na at malalayo ang pagitan ng ilaw kaya hindi ako sigurado kung saan ba niya ko dadalhin. Hanggang sa makarating kami sa playground na part ng retreat village o kung ano ba tawag dito. Bukod kasi sa retreat house, may iba't iba pang parte ang lugar na to. May garden, may conference hall, multimedia, pero layo layo. Maglalakad ka muna ng mga two minutes bago makarating.

Umupo kami sa duyan, yung duyan na may upuang magkaharap. Ano ba tawag dito? Basta pinaupo niya ko sa kabilang part at siya naman on the opposite. Nakadekuwatro pa nga at naka-cross arms. Kahit against the light siya, ang cool niyang tignan. Sakin kasi nakatapat yung ilaw.

"Perfect view," sabi niya.

Hindi ko pinansin yung sinabi niyang perfect view. Ano daw? Eh basta. "Ano ba ginagawa natin dito? Alam mo ba kung anong oras na Stone? Pag tayo napagalitan.." sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawa siya ng mahina. "Huwag ka ngang magpacute."

"Magpacute? Ako? Tss. Ikaw nga pa-cool diyan eh."

"Pa-cool?" tumawa ulit siya ng mahina. "Cool talaga ako."

"Puwes. Cute talaga ako," sagot ko sa kanya. Nakaupo lang kami dun pero hindi gumagalaw yung duyan. Konti lang kapag, nagagalaw namin. Medyo makalawang na din kasi at tutunog kapag pinaandar namin. Edi nahuli kami, ano pa isipin na ginagawa namin dito.

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon