***Chapter 27**
Yoske's POV
"San ka pupunta?" ito yata yung unang beses na kinausap ko siya sa buong araw na magkasama kami. Ibang klase din kaming magpinsan diba? Pakiramdaman lang. Nung magkatabi nga kami sa bus, wala siyang ginawa kundi itext yung bestfriend niyang si Box. Ako naman, natulog lang.
"Diyan lang," sagot niya nang hindi lumilingon. Nasa room kami ngayon at pinapagpahinga na kami. Binuksan niya ang pintuan at lumabas. Hindi man lang inayos muna yung gamit niya. Bago siya makalabas nakita ko yung bitbit niya, akala ko simpleng softdrinks in canned lang yun, kaso kulay gold.
Sinundan ko siya at naglalakad na siya sa tahimik ng hallway papuntang hagdan.
"Gray," tawag ko sa kanya. Hindi siya lumingon at nakalagay ang kamay niya sa isang bulsa. Hindi lang pala isang canned drinks yun, mga lima siguro. Nakalagay kasi sa puting plastic. Nakita ko na beer pala yun.
Pababa na siya sa hagdan nung abutan ko siya. "San ka ba pupunta?"
Nilingon niya ko, "Bakit ba? Problema mo?"
"Problema ko?" paguulit ko ng tanong niya. Tinignan ko yung dala niyang plastic. "Ano yan?"
"Ahh," bahagya siyang ngumiti. "Gusto mo?"
"Nagdala ka niyan dito?"
Tumawa siya ng mahina. "Baka kasi hindi ako makatulog agad, ayoko ng sleeping pills."
"Bakit lumabas ka pa? Paano kung mahuli ka nila dito?" Tumingin ako sa paligid dahil parang gumagawa na kami ng ingay dito sa hallway. Medyo nage-echo pa naman boses namin.
Ngumisi na naman siya. "Baka kasi ayaw mong makita akong umiinom. Perfect ka pa naman masyado."
Nagtiim yung bagang ko sa sinabi niya. Hindi sa nasaktan ako, pero dahil yun pala ang tingin niya sakin. Nung hindi ako sumagot sa kanya, umupo siya sa may pinakamataas na baitang ng hagdan. Kumuha siya ng isang canned beer at binuksan. Akmang iinumin niya na yon pero kinuha ko sa kanya at ako ang uminom.
Napapikit ako sa lasa. Ang sarap.
Tumawa ulit siya. "Sorry. Kung alam ko lang, sana dun na lang tayo sa kuwarto."

BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Teen FictionI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.