***Chapter 39**
Meika's POV
Nagkibit balikat lang ako saka ngumiti. Nginitian niya lang din naman ako hanggang sa makabalik na kami nila Pure.Agad silang tumayo nung nakita nila kami.
"Tapos na?" tanong ko.
"Yep," sagot ni Pure tapos ngumiti siya. "Tara na."
Ang bilis naman. Ang daya. Di man lang namin alam kung anong nangyari pagtapos namin umalis ni Stone.
Tahimik lang kaming lahat na bumalik sa cottage. May hotel sina Gray dito at doon na lang daw kami matutulog. Bukas babalik kami sa village para kuhanin yung gamit namin at umuwi na ng Maynila.
--
Kaunting oras lang yung natulog ko dahil maaga kaming bumiyahe para hindi kami abutin ng tanghali.
Nagpaalam kami sa lahat ng nakasama namin doon sa village nila Yoske. Sobrang accomodating nila sa amin at sana raw bumalik pa kami.
Ang bilis ng isang linggo. Bitin na bitin ako sa bakasyon namin. Siguro mas masaya yun kung kasama ko si Iry. Sana naranasan din niya yung mga bagong experience namin doon.
Dumating ako sa bahay, lagpas 10 AM. Nakita ko si Iry kasama ni Mama sa kusina. Ngumiti ako kahit di nila ako napansin.
Ang ganda siguro kung yung magiging sister-in-law mo, bestfriend mo di ba? Tipong wala ka ng poproblemahin. Hindi ka magaalala.
"Meika!", napansin ako ni Iry nung lumingon siya saka siya tumakbo at niyakap ako.
"Grabe pagkamiss mo sakin ah," sabi ko sa kanya nung humiwalay siya sa akin.
"Ang itim mo!" sigaw niya hindi pinansin yung sinabi ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Oo nga. Di ba Tita? Umitim siya."
Tinignan ako ni Mama at saka tumango. "Oo nga 'nak. Masyado ka yatang nagenjoy doon ah."
Tinignan ko yung braso ko. Hindi naman imposible, probinsiya yun eh. Ilang beses din kami nagbabad sa araw. Tapos naligo pa sa dagat, dagdag pa yung hangin sa probinsiya.
Ang sarap bumalik! Sana kasama ko sina Mama. Laking Maynila kasi sina Mama at Papa, ayun, wala tuloy kaming probinsiya.
Pinakain ako nila Mama saka ako umakyat sa kuwarto para matulog.
Nakasalubong ko si Meiji na parang kaliligo lang kasi basa yung buhok niya. Tapos nakabihis siya."San punta?" tanong ko.
Tinignan niya lang ako tapos bumaba na. Kahit di siya makapagsalita, naintindihan ko naman yung wala-kang-pakialam look niya.
Kainis yun. Sarap tuktukan minsan, baka makaalala.
Bago ako matulog, nag-group message ako sa mga nakasama ko sa bakasyon ng isang linggo.
To: Box, Fim, Gray, Pure, Stone, Yoske
Thanks sa one week vacation! Sa uulitin. Ingat ;)
Nung nilagay ko na sa table na tabi ng kama ko yung phone ko, bigla naman itong tumunog. Kinuha ko at nakita ang pangalan ni Pure sa screen.
From: Pure
I miss you Meika. :* See you sooner! ^_^
Magrereply sana ako ng smiley kay Pure pero sunod sunod yung natanggap kong texts.
From: Yoske
Sa uulitin. Anytime <3
From: Box
BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Teen FictionI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.