CHAPTER FORTY-SEVEN

183 8 11
                                    

***Chapter 47**

"Ano?! Hindi mo kaya? Kasi gusto mo siya? Malandi ka!"

Nanlaki ang mata ko at tinignan ko siya.

"Hindi mo kaya kasi gusto mo din siya! Lahat sila gusto ka! Hindi nila alam na malandi ka lang!"

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko pero hindi pa din ako makagalaw. Hindi ko alam kung galit ako o nasaktan ako sa sinabi niya.

Sino siya para sabihan akong malandi? Sino siya para pigilan akong gustuhin si Stone?

Tumalikod siya sa'kin at hinanda ang sarili niya para tumalon.

"Naiinis ako sayo. Anong meron ka? Kalandian?"

"Tama na!" sumigaw ako at tinakpan ang dalawa kong tenga. Pinikit ko ang mata ko. "Tama na."

"Bakit? Nasasaktan ka? Huwag kang masaktan, dahil 'yun ang totoo. Bakit ang daming lalaking nakasunod sayo? Bakit gusto ka nila? Bakit hindi mo kayang pumili sa kanila? Paanong nagkagusto sila sayo ng sabay sabay? Kasi nga malandi ka!"

"Dati hindi ka din nila gusto, nasali ka lang sa metafour kaya ka nila nagustuhan. At akala mo naman kung sino ka! Malandi ka na nga ang yabang mo pa!" pagpapatuloy niya.

Hindi ko maprocess sa utak ko yung sinasabi niya. Alam kong mali siya, alam kong wala siyang karapatan husgahan ako. Gusto ko siyang patigilin sa mga sinasabi niya, pero hindi ko magawa.

Humarap ulit siya sakin.

"Nasayo na ang lahat. Huwag mo na siyang kuhanin. Marami nang nagmamahal sayo, Meika. Masyado kang perpekto. Wala ng kulang sayo. Kaya please lang, wag mong solohin lahat."

Tinignan ko siya sa mata. Naaawa ako sa kanya. Naaawa ako sa mga sinasabi niya. Hinahangaan ko ang ganda niya, kahit ngayon na umiiyak siya. Hindi ko matanggap na sa kanya manggagaling lahat ng salitang 'yon. Bakit siya naghahanap ng ibang bagay na wala siya? May mga bagay naman na meron siya, hindi lang niya pinapahalagahan.

"Sorry kung naging malandi ako sa paningin mo, pero hindi ko kasalanan kung bakit hindi ka nila gusto," sabi ko nung nakayanan ko na.

"Huwag kang magmakaawa ng pagmamahal, Jia. Hindi bagay sayo," pagpapatuloy ko.

Tumalikod ako sa kanya at dinampot ang sapatos ko na nabitawan ko pagtapos niya kong sabihan ng kung ano ano.

"Oo gusto ko siya." Gusto ko lang siya. Hindi ko akalain na ang isang simpleng pagkakagusto sa isang tao, makakaapekto sa iba. At dahil lang gusto ko siya, malandi na 'ko.

"Kasi nga malandi ka!"

Umiyak siya ng malakas. Hindi ko alam kung sino ang may mas karapatan para umiyak. Hindi ko din alam kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon. Hindi ko na lang sana siya sinundan. Sana hindi na lang ako nag-alala.

Alam kong hindi ako dapat na masaktan. Pero kapag inuulit ulit, kapag pinagdidikdikan, kapag pinagduduldulan, iba sa pakiramdam. Naiiyak ako dahil 'yun pala ang lumalabas sa paningin ng iba kahit hindi ka naman nila kilala. Kahit wala silang alam. Kahit hindi sila, ako.

Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay ko.

"Sige. Nangangako ako," tumingala ako sa kanya. "Bumaba ka na."

Sana maging masaya na siya. Regalo ko na sa kanya ngayong pasko.

Naramdaman ko ang yakap niya. Hindi ko namalayan na nakababa na pala siya. "Thank you Bestfriend! Thank you! Thank you!"

Hinawakan niya ko sa kamay at tinignan sa mata. Nakita ko ang saya sa mga mata niya. "Thank you."

**

"Ate Meika! Kanina ka pa hinahanap nila kuya," sabi sakin ni Fina nung nakita niya 'ko. Kalalabas ko lang ng restroom. Inayos ko lang ang sarili ko bago ako lumabas. "Ate.."

Nginitian ko siya. "Magpeperform na ba kami?"

Tumango siya. "Okay ka lang, ate?"

Tumango din ako. Sinamahan niya ko makapunta sa table namin. Walang nakaupo sa table. Lumingon si Box sakin at agad na tumakbo palapit.

"Meika," hinawakan niya yung mukha ko at sabay na niyakap. Ganoon ba ko katagal nawala? "Saan ka nanggaling?"

"Wala ka sa restroom nung tinignan namin," sabi ni Iry. Pinakawalan ako ni Box. Kitang kita ko sa mata niya ang pag-aalala.

Nakita ko na din si Yoske at Gray. Hinihingal sila. Hinanap siguro nila ako. Pinagalala ko lang sila.

"Meika, where have you been?" narinig ko ang boses ni Stone sa likod ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang boses niya. At gusto kong umiyak ulit, pero hindi puwede.

Nakita ko na din si Fim at si Pure. Lahat sila nagaabang sa isasagot ko.

Hindi ko naisip na ganito kabigat sa pakiramdam ang pagbitaw ng pangako. Gusto kong pagsisihan yung sinabi ko kanina, pero kung hindi ko gagawin, anong mangyayari? Sa lagay ni Jia, sa pinakita niya sakin kanina, wala akong pagpipilian.

Tumawa ako. "Ano ba kayo? Diyan lang ako, sa tabi tabi."

Lumapit si Stone sakin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko siya magawang tignan sa mata. Nararamdaman ko na kapag ginawa ko 'yun, bubuhos na lang bigla ang luha ko.

Gusto kong magsalita. Gustong gusto kong magsumbong sa mga kaibigan ko. Pero problema ko 'to, at ako na mismo ang nagdesisyon.

"Don't make us worry," sabi niya.

"Tara na," hinila ako bigla ni Fim papunta stage. Kami na pala ang kakanta. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang kumanta pagkatapos ng nangyari.

Ibang parte ng utak ko sinasabing tama ang desisyon ko, pero ibang parte ng puso ko, hindi.

Hinila ako ni Fim sa likod ng stage. Natatakpan kami ng malalaking harang kung saan nakasulat ang 'CHRISTMAS BALL and PROM 2014'. Madilim pa ang stage nung dinala niya ko.

"BM," tinawag ako ni Fim. Nagulat na lang ako nang maramdaman kong may dumamping malambot sa labi ko. Nanlaki ang mata ko.

Hawak niya ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko lahat ng parte ng katawan ko naparalisa.

Hiniwalay niya ang labi niya sakin at kahit natapos 'yon, lumilipad pa din ang utak at buong pagkatao ko. Iba sa pakiramdam. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko sa lupa. Hindi ko maramdaman ang pagkurap ng mga mata ko kung kumukurap man ako.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis na parang konektado ito sa mga tuhod kong nanlalambot at gusto nang bumigay.

Bago ko pa makayanan na magsalita at kumilos, muli kong naramdaman ang labi ni Fim sa akin. Pero sa pagkakataong 'to, nagawa ko siyang itulak at sampalin ng malakas.

**to be continued***

Merry Christmas po! Hahah.
Last three chapters! Hold on, baby hold on! Thank you guys!

.CHUN.

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon