***Chapter 17**
A/N : Keep it up guys. Ganyan. Para sinisipag ako mag update. Haha I always appreciate the comments and the votes. :) Thank you!
Dedicated to : lunarriss :)
Meika's POV
Umalis ako. Lumayo ako sa kanya. Nakakainis lang. Bakit naman 'ganun siya? Alam kong sikat siya, pero sa nakita ko naman na mukha ng mga babaeng 'yun, gusto lang naman nila maappreciate yung gawa nila.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ako umakto ng 'ganun. Nakakainis lang. Nakakainis lang talaga. Para kasing nangaasar siya e'.
At yung mga itsura ng mga babae kanina, halos maluha luha na. Hindi lang 'yon, ang sama ng tingin nila sakin. Argh, nakakainis. Sana pala hindi na lang ako sumali sa banda. Ang tanga tanga ko kasi, bigla na lang ako nagdesisyon. Ang tanga ko talaga.
Nakayuko lang ako na naglalakad kaya hindi ko napansin na may makakasalubong pala ako. Nabangga ko tuloy siya.
"S-sorry po," hindi ko siya tinignan at yumuko lang sa kanya.
"Meika?" nilingon ko siya. Si Jia. "Long time no see, bakit ka nandito sa fifth floor? Galing ka ba sa studio room?" tanong niya sakin. Ang ganda ni Jia, very classy ang dating niya. Morena siya pero lumalabas ang ganda.
"Ahh, oo." sagot ko. Ang tagal na pala naming 'di nagkikita. Naalala ko pa yung unang beses ko siyang nakitang umiiyak dahil sa isang lalaki. Parang 'yung ginawa ni Stone 'dun sa mga babae kanina, kaya alam ko ang pakiramdam nila kasi nakita ko na 'yun noon, kay Jia. Ikaw kaya gumawa ng baked cookies, paghirapan mo tapos balewala pala sa taong pagbibigyan mo, ano pakiramdam nun?
"Bakit?" tanong niya. Mas matangkad siya sakin kaya medyo nakatingala ako. Medyo lang -_-
"Ahh, kasi.. Ako yung bagong vocalist ng metafour. Pansamantala lang naman." wala sa mood kong sagot.
"Ahh, ikaw ang pumalit kay Sky. " patango-tango niyang sabi.
"Sige Jia, mauna na 'ko." tumango siya saka ako umalis. Medyo nagtataka lang ako, anong ginagawa ni Jia sa fifth floor? Bihira lang ang tao 'don, at tanging mga tumutugtog ang madalas pumunta. Pero sabagay, madalas nga pala siyang magisa, siguro gusto niya ng tahimik na lugar.
Dumiretso agad ako sa classroom namin. Naabutan ko silang naguusap tungkol dun sa booth namin para sa foundation week.
BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Ficção AdolescenteI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.