CHAPTER FIFTY

257 9 6
                                    

***Chapter 50**

"Ako nang bahala sa kanya. Susunod kami. Don't worry," binaba na ni Yoske yung cellphone niya at nilapitan ako.

"Meika. It wasn't your fault. It was an accident. And she's okay. Scalpel can't kill for some situation. Papunta na ang parents niya."

Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ako sa takot. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang nangyari. Sinalo ko si Jia at madaming dugo. Sobrang daming dugo sa kamay ko.

"Nakakapagtaka lang na may scalpel siya ng lab? Ninakaw niya ba 'yun?" tanong ni Yoske sa sarili niya. "Hindi naman siya suicidal?"

Alam ko na ang sitwasyon ni Jia. Hindi niya kayang manakit ng ibang tao pero kaya niyang saktan ang sarili niya. Yun ang sabi sakin ng magulang niya sa telepono. Ang daming sinabi ng Mommy niya, pero isa lang ang natatandaan ko. May Mental Problem siya. Kahit yata hindi niya sinabi, alam ko na.

Pero pagkatapos 'ko malaman na meron siya 'non at umaattend siya ng therapy, naawa ako sa kanya at mas lalo kong na-appreciate ang lagay ng buhay ko.

Humingi ng tawad ang magulang niya sakin pero hindi 'nun mababago ang sitwasyon. Natakot ako, at alam kong hindi ito ang huling pagkakataon na mangyayari 'to.

"Uuwi na ko," nagpaalam ako kay Yoske pero pinigilan niya 'ko.

"Samahan na kita."

Umiling ako. "Pumunta ka sa birthday ni Stone. Pabati na lang ako."

Kapag nakikita ko siya, mas lalo lang ako nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko namang wala siyang kasalanan, pero hindi ko maiwasang masaktan.

"Meika," hinawakan ni Yoske ang kamay ko. "Don't forget."

***

"Ano? Meika, Metafourever tayo di ba?" sabi sakin ni Red. Sinadya ko talaga sila dito sa studio room. Napagdesisyunan kong umalis sa metafour. Kailangan kong lumayo kay Stone. Aware na ako na gusto ko siya at ayokong lumala pa kung ano man ang nararamdaman ko. Paulit ulit lang ang mangyayari kung mananatili ako sa tabi niya.

Matagal akong nag-isip bago ko pagdesisyunan lahat. Ngayong araw na 'to, lalagyan ko ng tuldok ang lahat.

"Nandiyan naman si Pure," nilingon ko si Pure. Nagkabati na kami. Sinabi ko na ayoko na kasi kumanta at sa sobrang takot ko, nagtago ako nung prom. Nung una nagalit pa siya pero niyakap niya din ako pagkatapos.

"Bakit ba laging umaalis ang vocalist? Hindi ba kami naging mabait sa'yo?"

"Hindi--"

"Ha?! Sabihin mo, Meika." Hinawakan niya ko sa dalawang balikat at niyugyog. "Anong ginawa namin sayo?"

"Hindi--"

"Bakit ka aalis? Inaway ba kita? Inaway ka ba ni Stone? Inaway ka ba ni Fim? Anong ginawa namin sayo? Huhu."

Natawa ako sa ginagawa niya sa'kin. "Hindi--"

"Bakit? Magsalita ka!" hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at inalis sa balikat ko.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Hindi ko lang mapapangakong makakasama ako sa mga gig niyo. Pansamantala lang naman ako naging vocalist ng metafour," paliwanag ko. Kahit 'nung si Pure ang pinaliwanagan ko, nakailang iyak at sigaw pa siya bago niya tanggapin.

"Sige okay lang. Pinilit ka lang naman namin dati," lumungkot ang mukha niya at nakabusangot ang nguso. "Pero friends na ulit tayo? Kakausapin mo na ulit kami?"

Tumango ako at ngumiti. "Sorry ah. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin."

"Ano ka ba! Okay lang 'yon. 'Yun lang pala ang dahilan. Basta ba magcecelebrate tayo ngayon eh."

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon