***Chapter 45**
Tumunog yung phone ko. Kumakain kami ng dinner at nasa bulsa ko yung phone ko. Ilang araw na kasi akong nakaregister sa unli promo. Ngayon ko lang ginawa to, hindi naman kasi ako ma-text.
Sinilip ko yung text.
From: Stone
Eat well, babe.
Adik talaga 'to.
To: Stone
Pag ako nasanay sa kaka-babe mo. :/
From: Stone
Edi maganda :D
"Ehem.. Meika, kumakain tayo."
Tinago ko agad ang phone ko nung pinagalitan ako ni Papa.
"Meiji."
Napalingon ako kay Meiji nung tinawag siya ni Papa, nagtetext din pala siya.
"Pag yang kakaganyan niyo hindi niyo tinigilan, kukunin ko 'yang mga cellphone niyo."
Nagkatinginan kami ni Meiji at sabay na tinago yung cellphone sa ilalim.
Ako na naghugas ng pinggan. Hindi ko muna tinigan yung cellphone ko dahil baka makita ni Papa. Ngayon ko lang talaga nadadala yung phone ko, dati iniiwan iwan ko lang sa kuwarto. Si Stone kasi.
Nung matapos ako maghugas. Nag-paalam na ko kay Mama at Papa na matutulog na ko. Nagbihis muna ako ng pantulog bago ako humiga sa kama at tinignan ang phone ko.
Two miscalls at twelve text messages. Lahat galing kay Stone. Hindi ko man lang naramdaman yung pagvibrate.
From: Stone
Done?
From: Stone
Hinah hinay lang sa pagkain :D
From: Stone
Meika?
From: Stone
Babe?
From: Stone
Nakailang kanin ka?
From: Stone
Masarap ba ulam niyo?
From: Stone
Ano ulam niyo? Mine is chicken.
From: Stone
Yoske is a chicken man.
From: Stone
Don't eat too much.
From: Stone
I'm still breathing.
From: Stone
Ang ganda ng Thinking Out Loud :)
From: Stone
Pati ng Photograph.
Gusto kong matawa sa texts niya. Lagi na lang siyang ganito. Kapag di ako nakakapagreply, ifa-flood niya ko.
To: Stone
Snr. Naghugas kasi ako ng pinggan. :D
From: Stone
You should've told me. That's my talent! :D
To : Stone
Talent pala yun? Haha. Oo. Gaganda talaga ng mga kanta ni Ed :)
BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Novela JuvenilI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.