CHAPTER TWENTY

534 16 6
                                    

***Chapter 20**

 Dedicated to : Marshyko. Hi :))

Meika's POV

 

 

 

"Iry?" lumapit ako sa kanila. Para naman silang nakakita ng multo nung lumingon sila sa'kin.

"Meika!"

"Oo ako nga. Wag mo 'kong sigawan," lumapit ako sa kanila.

"S-sorry, nakakagulat ka kasi."

"Kanina pa kita tinetext pero hindi ka nagrereply."

"Ahh. Lowbat na kasi ako eh," sabi niya.

"Pero nagriring ang phone mo," tinry ko rin kasing tawagan siya pero hindi niya sinasagot.

"Hindi ko na kasi natitignan kasi nga lowbat."

"Ikaw?" turo ko sa kapatid ko.

"Ako?" tanong niya.

"Buti naman naisipan mong samahan si Iry, kanina pa ko nagaalala sa kanya eh." ngumiti lang siya. "Dun tayo sa puwesto namin, mas marami mas masaya." aya ko sa kanila.

Sumama naman sila sa'kin na umupo din sa field. Mga five minutes pa bago mag 7 PM. Kinain muna namin yung mga chichirya na binili nila Stone.

Makalipas nang ilang sandali, nagsimula na ang countdown.

"Four.. Three.. Two... One!"

Nagsimula nang magputukan ang mga fireworks. Taon taon talaga may ganito as a celebration na rin ng anibersaryo ng ICA.

Nakatingala ako sa langit.

'Pano nagagawa ng fireworks ang manatiling maganda kahit nakakatakot ang tunog nila?

Hahanapin mo ang mga ito kapag nagsimula silang mag-ingay. Bigla ka na lang mapapatingala sa langit at mapapangiti sa oras na makita mo na ang mga ito. Pagmamasdan mo sila kahit nangangalay ka na. Sa oras na 'yon, biglang mawawala lahat ng masamang bagay na nasa isip mo, at puro magaganda lang ang matitira. At sa oras na maubos at matapos na ang palabas, malulungkot ka.

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon