BONUS CHAPTER (FIM)

813 19 0
                                    

***BONUS CHAPTER (FIM)**

Haaay. Ano ba naman yan, ala sais na pala ng gabi. Nag-walk out pa yung bading na 'yon. Sabi kasi niya may lakad siya tuwing Sabado, kaya hindi daw niya kami matuturuan. Kaya araw arawin na lang daw. Vitamins lang?

Nagalit pa talaga siya ah? Di ba siya 'tong nagvolunteer na magtuturo sakin. Eh kung hindi niya ginawa yon? Edi sana pareho kami walang problema. Tsk. Pag nakita ko talaga siya, patay siya sakin.

Napakamot ako sa batok ko, si Meika-pangitan naman tumayo at lumapit sa pintuan. Tinitignan ko lang siya, hindi niya mabuksan yung pinto. Wag mong sabihing makukulong kami ditong dalawa? Kagagawan kaya ng bading na yon? Haha. Ayos din. Parang yung pinapanood lang ng kapatid ko.

Nakulong sila tapos yun, nainlove na. Astig. Kabaduyan. Mga babae talaga, walang alam kung hindi kabaduyan.

Kaya lumapit ako sa kanya, siyempre yung cool way. Never panic. Ang mga gwapo, hindi yan nagpapanic, kalma lang lagi.

"Tsk," sabi ko nung makalapit ako sa kanya. Para kasi siyang engot dun na nagagalit sa pintuan. "Tabi nga," umusod naman siya.

Bumukas naman. Tss.. Akala ko pa naman makukulong na kami dito. Malay ko naman at mainlove nga ako. Haha.

"Engot, kumakain ka ba?" ang hina naman niya. Hindi man lang magawang mapihit yung door knob.

Hinila niya yung door knob para bumukas ng mas malaki tapos lumabas na siya. Tumama yung braso niya ng kaunti sa braso ko. Para naman ako nakuryente, ang init eh. Hinayaan ko na lang siya lumabas, ako naman, kinuha ko yung bag ko at lumabas na rin.

Nagulat ako kasi akala ko multo na. Putek, kahit naman lalaki ako marunong ako matakot sa multo no. Nakatayo kasi siya dun tapos nakayuko siya. Teka, siya ba to? Baka naman dopple ganger. Putek! Mahahampas ko to pag nagkataon talaga.

Unti unti akong naglakad palapit sa kanya. Nakayuko kasi siya kaya natatakpan ng bangs. Nakahawak siya sa bag niya, dun sa hawakan. Nung nakalapit naman ako, unti unti niyang inangat yung ulo niya. Tae, nakangiti. Tss, tinatakot niya lang ako. Akala naman niya?

Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Niyakap niya ko. Sobrang higpit non. Ramdam ko yung init ng katawan niya. Tae, ano ba tong pinagsasasabi ko?

"Hoy, anong ginagawa mo? Hoy! Ano ba?" hawak ko yung braso niya na nakayakap sakin at pilit na inaalis yon. Well kaya ko naman siya itulak pero siyempre hindi na yon nakakalalaki.

"Payakap ako." bulong niya. Putek! Anong trip niya? Sabi ko na nga ba, gusto niya rin ako eh. Iba talaga nagagawa ng kagwapuhan ko at ng sex appeal ko. Tsk tsk. Yakap yakap pa, puwede naman niyang sabihin agad kung anong gusto niyang mangyari. Tss..

"Alam mo, puwede naman nating gawin yang gusto mo eh, pero wag dito." sabi ko sa kanya. "Sabi ko na nga ba, may gusto ka din sakin eh," natatawa ako. Tsk. Kasalanan talaga ang maging gwapo.

Pero hindi siya kumikibo. Nakayakap lang talaga siya sakin. "Hoy! Hoy! puro yakap lang ba gagawin natin? Ayaw mo ng mas intense pa dito?" mas lalo lang niya kong niyakap. Tae, hindi puwede to. Ang init niya talaga. Para akong naliligo ng mainit na tubig sa ginagawa niya. Ang hot ko ba masyado kaya siya nagkakaganyan? Gwapo na nga ako, hot pa. Tsk, wala nang mapaglayan yung iba kong quality. Haha.

Tapos bigla siyang umubo. Pero nakayakap pa rin siya.

"Ang lamig... Brr.. Ang lamig... " sabi niya. Malamig ba? Ang init kaya.

"Teka sandali, may sakit ka ba?" mukha nga. Tae naman oh. "Sandali sandali, teka lang naman." sabi ko habang tinatanggal yung pagkakayakap niya. Ang higpit talaga saka ang init niya no. This girl is on fire. Este! Nagaapoy na siya sa lagnat.

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon