Chapter 1

2K 27 26
                                    

"Nakasimangot ka na naman," sabi ko kay Iry nung napansin ko na nagiba ang mukha niya pagpasok namin ng canteen. 

She made face. "Canteen kasi 'to, Meika. Hindi to dating place. Nakakawalang gana kumain makakakita ng mga magjowang sobrang dikit sa isa't isa. At hindi ako bitter, alam ko lang na may tamang lugar para sa landi," paliwanag niya.

"Bitter ka lang eh'," tumawa ako dahil sa reaksyon ng mukha niya. Lagi na lang ganyan ang hitsura ni Iry kapag sa labas ng klase. Lahat ng makikita niyang couples sinasamaan niya ng tingin. Buti na lang maganda siya kahit magsungit.

"I agree," sagot naman ni Yoske.

"Che! Di ka kasali sa usapan," sagot naman ni Iry na inis na inis sa kahit anong sabihin ni Yoske. 

"Hays. Para talagang gutom na tigre 'yang bestfriend mo, Meika," sabi ni Yoske habang umiiling. Ilang taon na kami magkakasama sa high school pero hindi pa rin sila magkasundong dalawa. Kapag absent ako, parang hindi sila magkakilala. 

"Ikaw naman, para kang gutom na aso. Sunod ka ng sunod samin ni Meika," sagot ni Iry. Kinabahan na ako baka saan na naman mapunta 'tong away na 'to. 

"Excuse me, si Meika lang sinusundan ko. Hindi ikaw," sabat naman ni Yoske.

Inawat ko na sila bago pa sila magkasakitan. Hindi pa naman kaya ni Iry magpigil pag galit na galit na siya. Dumadating talaga sa point na pisikal na niya nasasaktan si Yoske. Buti na lang, hindi gumaganti si Yoske. Pero cute sila pag nag-aaway kaya madalas natatawa lang ako. Parang kulang nga ang araw ko pag hindi sila nagaaway.

Sa katabing mesa namin ay umupo ang isang couple.  Mukhang mga junior high school pa. Hays, ang sweet. Samantalang ako nasa senior high school na at ni minsan hindi pa nakaranas ng love. Hindi naman ako pangit? Bakit kaya walang nanliligaw sa'kin?

Ang sarap siguro ma-inlove. Alam ko naman na masakit kahit di ko pa nararanasan pero where there is love, there is growth. 'Yun ang sabi ni mama sakin kapag nagaaway sila ni Papa. Kaya gusto ko mainlove, kasi feeling ko hindi pa rin ako magiging mature kung 'di ko mararanasan. 

I just want to love someone and be loved back. I know it sounded ridiculous, but I just want to live my own fairytale. Medyo nabobored na kasi ako sa buhay ko. Pagod na ko kiligin sa love story ng iba.

"Magb-break din yan," komento ni Iry na sumira sa daydream ko.

Ngumuso ako. Hindi pa nga ako nagkakajowa pero pinapatay na agad ni Iry yung pangarap ko. Pero 'yun din ang takot ko, paano kung mainlove nga ako pero sa maling tao? Puwede bang sa tamang tao na ako agad mapunta? Kasi ayoko masaktan, baka maging tulad ako ni Iry na hindi na naniniwala sa love.

Naisip ko subukan humiling at ipagdasal na magka-boyfriend na 'ko. Pero parang ang petty kasi. Hindi naman sa nagmamadali ako. Gusto ko lang magkaroon ng kulay mundo ko habang nagaaral. Sabi ni mama okay lang daw basta inspiration lang.

Nag-paalam ako kay Yoske at Iry na pupunta muna akong comfort room. Habang nasa loob ako ng cubicle ay narinig ko na may naguusap na dalawang estudyante.

"Huwag mo na ipilit yung sarili mo sa kanya. Let the Goddesses decide for you."

"Pinipilit mo talaga na totoo 'yung wishing well dito sa school," sagot ng isa pang boses.

"Siyempre. That's how I got my boyfriend. I just wished there and naging kami. Wala naman mawawala if you try." 

"Eh di ba may multo 'run?"

"Sasamahan naman kita. Basta i-try mo lang. I-manifest mo. Pag di nangyari 'eh 'di hindi siya para sayo." 

Unti-unti nawala ang boses nila. I was left thinking if I should finally try the school's wishing well. Matagal ko na 'yon naririnig pero sabi nila ginagamit lang 'yon para mag-wish na pumasa sa finals. Narinig ko rin na sinabi ni Iry na gawa-gawa lang daw ang paniniwala na 'yon ng mga Illuminati. Bitter kasi siya sa lahat ng bagay.

I checked the time and realized I still have ample time to visit and try it out. Last year ko na sa senior high, gusto ko naman magka-jowa!

Paglabas ko ng CR, agad ko nang hinila si Yoske papunta sa balon. Ayoko mag-isa dahil baka mamaya may lumabas na Sadako 'ron. Mamaya ko na lang i-eexplain sa kanya pag nakabalik na kami sa klase. Baka kasi ma-late kami sa next class kung matagalan kami. Ayoko naman magpunta ng uwian, dahil baka maraming estudyante at mas lalong nakakatakot dahil padilim na.

"Mamaya ko na i-eexplain. Basta samahan mo lang ako," sabi ko habang hawak ko ang kamay niya at tumatakbo.

Hingal na hingal ako noong nakarating kami sa balon. Medyo malayo din kasi ang Botanical Garden ng campus. Sa likod pa nito ang balon. 

Hindi naman nakakatakot ang balon. Sadyang nakakatakot lang yung katahimikan pagpasok namin ng Garden.  Hindi naman siguro lalabas si Sadako ng tanghaling tapat kung sakaling nandito na siya sa Pilipinas. 

Lumingon ako kay Yoske at ngumiti. He was just staring at me, as if he was pondering why we were here. After a few minutes of silence, it dawned on me that the person I was with wasn't Yoske.

Agad 'kong hinila ang kamay ko dahil kanina pa pala kami magkahawak kamay. Did I just hold hands with a stranger? Hindi pa basta bastang stranger, poging stranger pa.

Matagal akong hindi nakapagsalita sa sobrang hiya. Parang gusto ko na lang magpakuha kay Sadako kung totoo man siya.

"Sorry! Akala ko.." Yumuko ako. Hindi ko alam saan ako titingin.  Naku! Baka ano isipin niya!

"Okay lang. Kailangan ko rin ng konting exercise," natatawa niyang sabi. I was relieved a little. But I still felt the urge to knock some sense into myself for behaving so foolishly.

Nang muling tumama ang tingin ko sa kanya, parang nagliwanag ang buong mundo ko. Chinito, maputi, at may kakaibang dating na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko sisisihin ang sarili ko kung napagkamalan ko siyang si Yoske. Pareho silang guwapo. Mas matangkad lang si kuya na nasa harapan ko.

"Magwiwish ka ba dapat sa balon? Dalian mo na, bago ka pa malate sa next class mo," sabi niya. Buti na lang mabait siya. Kumalma ako ng kaunti. Tumango na lang ako at dumiretso sa kinalalagyan ng balon. 

Ang awkward ko pa naman sa mga di ko kilalang tao, saka hindi pala ako nakapag-pulbo kanina. Ang oily ko na yata!

Hindi ako makapag-focus, sobra ang hiya na nararamdaman ko. Paano kung mag-isip siya na para akong bata, o mas malala, na may gusto ako sa kanya? Baka maisip niya na sadya ang pagkakahawak ko sa kamay niya kanina. Gusto kong magpaliwanag, magbigay linaw sa nangyari, pero parang walang salitang makakatugon sa gulo ng isip ko.

"Okay ka lang?" Halos mapatalon ako nang hawakan niya 'ko sa balikat. Tumango ako. Pinagpapawisan na'ko. Hindi dahil sa init, kung hindi dahil sa hiya at takot. Malay ko ba kung masamang tao na pala 'tong kasama ko at itulak na lang ako sa balon? Kahit mababaw pa 'yung tubig, hindi ako makakaakyat pabalik.

He suddenly laughed. "Actually, papunta rin talaga ako dito. If you feel sorry, don't be. Akala ko mag-isa lang ako pupunta." His eyes went gone when he smiled.

Alam ko naman na pinapagaan niya lang ang loob ko.

He handed me a coin. "Be careful of what you wish for."

Parang natakot naman ako sa sinabi niya. Alam niya ba 'kung ano iwiwish ko? Parang nawalan tuloy ako ng gustong i-wish. Eh kung siya ang i-wish ko? Syempre charot lang. 

"You'll be late," paalala niya sakin noong matagal akong hindi makagalaw.

Chance ko na 'to. Alam kong wala talagang sense 'tong iwiwish ko. Pero gusto ko lang subukan. If this abandoned well truly has the power to grant wishes, then here is mine.

I want to have a boyfriend this school year.

Parang echo sa pandinig ang sarili kong mga salita. Agad ko nang inihagis ang barya sa balon. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim at humarap sa lalaking kasama ko. 

"Now, your next move is to take action. Allow me to court you."

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon