A/N : Mwahaha! Story ko to. Walang makakapigil sa gusto kong mangyari! Mwashashasha :D
***Chapter 25**
BOX's POV
"Oh magkape ka," binigay niya sa'kin ang isang tasa na may kape. Mahilig ako sa kape, lalo na yung gawa niya. Ang sarap niya kasi magtimpla.
Umupo siya sa tabi ko. Nandito kami sa garden niya, sa likod ng flower shop. Dito ako madalas tumambay, at ngayon dito ako nags-stay.
"Ate," tawag ko sa kanya at lumingon naman siya. "Mali. Auntie pala."
"Ano?!" hinampas niya ko. "Bata pa 'ko no. Maka-auntie ka diyan," inis na inis na sabi niya. Natawa naman ako.
"Ikaw si Auntie. Auntie-nitibok ng puso ko," hinawakan ko yung dibdib ko at kunwari inlove ako sa kanya. Haha.
"POP CORN!" sigaw niya.
"Ha?" tanong ko.
"English yun ng BOOM MAIS."
"Nyeeee hahaha! Corny," pangaasar ko.
"Corny? Eh tumawa ka nga," nagpout siya. Ang cute talaga ni Ate Chun. (Ehem ehem! XD)
"Oo na. Nakakatawa na," sabi ko at ininom yung natitirang kape sa tasa.
"Napilitan?" tumawa kaming dalawa.
"Uuwi ka na?" tanong ko sa kanya. Gabi na kasi at alam kong oras na para magsara ang flower shop niya. Oo. Dito ako nagtago. Dito sa flower shop ni Ate Chun. Hindi naman niya ko pinagdamutan, welcome na welcome ako ng mga halaman niya.
Tumango siya. "Ikaw? Hindi ka pa uuwi?"
"Uhmm. Bukas siguro," sabi ko.
"Hay. Buti na lang may mga damit dito ang boyfriend ko at napapahiram ko sayo," nagblush pa siya. Kaunti lang naman yung hiniram ko, may baon kaya ako bago ako umalis ng bahay. Trip ko lang nung una, hanggang sa nagtagal ng nagtagal. Humingi pa ko ng extension.
"Kinikilig?" pangaasar ko.
BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Teen FictionI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.