CHAPTER TWENTY NINE

406 11 0
                                    

***Chapter 29**

Meika's POV

 

 

"Gotcha!" napahinto ako dahil sa pagkakayakap ng tao sa likod ko. Ang bigat pa naman. Tinanggal ko yung braso niya na nakapaikot sa leeg ko at hinarap siya. Tss. Ang malas ko ba? Matutulog na lang kasi ako, lumabas labas pa ko ng kuwarto namin. Kung ano ano tuloy nangyari. Si Stone kasi. Siya naman talaga yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog tapos iinisin pa ko ng ganun.

"Anong meron sa mukha mo?" tanong ni BM. Tinatanong pa ba yun? In born na kong cute.

"Tss," di ko siya pinansin. Wala ako sa mood. Nakakainis. Naglakad na ko palayo nang hinawakan niya ko sa balikat. Anubayan! Ayaw ba nila akong patulugin?

"Sungit mo ah. Meron ka no?" natatawa niyang sabi. Yan na naman siya sa meron meron na yan. Err! Mapapatay ko na si Fim ngayon na. Pero ano bang kasalanan niya? Nagkataon lang naman na nakita niya ko at ako naman, nababanas. Alam mo yung feeling na may black aura sa paligid mo. Yung wala akong makita kundi itim. Nakakainis kasi.

Inirapan ko siya, kahit hindi talaga ako marunong.

"Di nga? Hala. Talikod ka. Tignan natin baka may tagos," pinalo ko siya. Asar!

"Fim ah. Hindi sa lahat ng oras mapapagpasensiyahan kita," banta ko sa kanya. Huwag ngayon. Baka sa kanya ko pa mabunton lahat ng inis ko.

"Binibiro ka lang eh," lumungkot yung mukha niya. Ako naman ho, nakonsensiya. Sarreh, likas sakin ang pagiging maawain.

"Hindi kasi nakakatuwa yung biro mo," napatingin ako sa paligid. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah. Wag mong sabihin.."

"Oy hindi ah! Grabe ka."

"Shh! Ang ingay mo," suway ko. Sumigaw daw ba? "Wala naman akong sinasabi ah. Kung makatanggi ka."

"Ikaw kasi eh."

"Ako na naman? Ako na naman po? Err! Puro na lang talaga ako no? Nakakainis na," obvious ba? Lumalabas yung kasamaan ko pag naiinis. Lahat naman ng tao eh. Kahit ang pinakamabait na tao sa mundo naiinis, lalo na kapag may nagtutulak sa kanyang mainis.

"Ay. Confirmed." Napalo ko ulit siya. "Aray!"

"Puwede ba? OA?" ang hina lang kaya ng palo ko. Hindi nga nasaktan si Stone eh.

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon