***Chapter 32**
Meika's POV
Maya maya binaba na niya ang phone niya. Nakangiti siyang lumapit sakin. Hindi niya ko napansin kaya lalagpasan niya lang sana ako.
"Naks naman Meijs," sabi ko.
Nagulat siya nung magsalita ako, para siyang nakakita ng multo.
"Ate?! B-bakit nasa labas ka pa? Gabing gabi na ah. Di ba pagod ka?"
"Maka-ate ka ngayon ah," medyo may halo ng pangaasar yung boses ko pero deep inside may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko maintindihan pero parang nasaktan, nainis at nalungkot ako sa narinig ko, though hindi pa ako sigurado sa lahat ng naiisip ko.
"Pumasok ka na," sabi niya sakin. Gustong gusto kong magtanong pero hindi ko magawa kaya pumasok na lang din ako. Sabay kaming umakyat sa taas at pumasok sa kanya kanyang kuwarto.
Nakakainis. Lumabas ako para magpahangin at mawalan ng iniisip pero bumalik ako sa kuwarto ko ng nagiisip pa din. Napapagod na utak ko kakaisip, kaya hindi gumagana tuwing exams eh.
Hindi talaga ako sigurado. Sa sobrang common ng pangalan ni Iry, hindi ako dapat agad magconclude. Malay ko ba na magkapareho lang ng surname at first name si Iry at yung kausap kanina ni Meiji. May ganun naman di ba?
Gusto kong malaman. Parang may kumukumbinsi sa utak ko na kailangan kong malaman kung sino ba yun, kahit na wala naman akong karapatan mangialam sa lovelife ng kapatid ko. Nakakacurious pa din.
Syempre kapatid ko yun. Gusto ko din malaman kung sino ba yung nagpapangiti sa kapatid ko. Kaya minsan ang weird weird niya. Gusto kong malaman kung pano sila nagkasundo, sa sungit ng kapatid ko, ay ewan ko na lang. Mas masungit pa sakin yan, dinaig pa babae. Kaya paano kaya sila nagkasundo? Saka sino kaya nanligaw? Kung si Meiji ang nanligaw, paano kaya? Naku! Hindi ko maimagine kung pano manligaw kapatid ko.
Sobrang nakakacurious talaga!
Tinignan ko yung cellphone ko. Alas-dos na. Kailangan ko nang matulog.
***
Nagising ako nang maaga. Ang ingay na kasi sa baba. Naghahanda na yata si mama ng agahan. Bumaba ako at binati agad sina mama at papa.
Umupo na ako agad sa upuan. Hihintayin ko na lang yung luto ni mama, nang makita ko yung phone ni Meiji na nagilaw. Nakapatong yun sa may sofa. Tumayo ako at lumapit. Hindi ko naman gagalawin, titignan ko lang.
BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Teen FictionI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.