CHAPTER THIRTY-SEVEN

233 12 9
                                    

***Chapter 37**

Meika's POV

Sumisigaw ako hanggang sa dumilat yung mata ko. Nakita ko si Stone. Ang lapit ng mukha niya sa'kin, at bakas sa mukha niya ang pagaalala. Hawak niya yung isa kong pisngi.

"Meika, are you okay?"

Ang lapit ng mukha niya!

Napatayo ako bigla. Huli ko na naisip na nasa sasakyan nga pala kami. Ayun.

Napahawak ako sa ulo habang unti unting napaupo.

Agad na hinawakan ni Stone yung ulo ko. "Hey, be careful."

Lahat sila nakatingin sa katangahan ko pero wala namang tumatawa sa kanila. Lahat sila nagaalala.

"Meika," tawag ni Yoske sakin sa harapan at inabot sakin yung isang bote ng tubig. Kinuha ko 'yon saka ako uminom. Inaalalayan naman ako ni Stone.

"Having a bad dream?" tanong niya habang hinahawi yung pawisan kong buhok sa gilid ng mukha ko. "Look at you. You're so pale. Geez, Meika."

"Pure, pakuha nung towel ko." inutusan niya si Pure. Mabilis namang kinuha ni Pure yung bag ni Stone at binigay kay Stone yung maliit na towel galing sa bag.

Dahan dahan niya 'yon pinunas sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ang init samantalang naka-aircon naman kami. Dahil ba sa panaginip ko na hindi ko na masyadong maalala? O dahil sa ginagawa ni Stone. Nakaakbay pa siya sakin.

"Does it hurt?" hinawakan niya yung ulo kong tumama sa pagtayo ko.

Umiling naman ako. Kahit sa totoo lang nahilo ako sa pagtayo kong 'yon. Kapag inborn na tanga talaga. Kainis.

Napansin kong nakatingin sakin si Yoske. Agad naman siyang nagiwas ng tingin nung mapansin niyang tumingin ako sa kanya.

Bigla namang huminto yung sasakyan. Napapitlag ako dahil sa hawak ni Stone. Parang tatalsik ako kung makahawak siya sakin.

"Anong nangyari?" tanong ni Gray sa likod.

"Nasiraan tayo. Bumaba muna kayo, itulak niyo sa gilid dahil harang tayo sa daan," sagot ni Manong Driver na kinagulat ko. Bakit parang alam ko nang mangyayari to?

Lahat kami bumaba. Sinigurado kong nasa bulsa ko 'yung cellphone ko.

Pagbaba namin. Maliwanag pa. Alas-kuwatro pa lang ng hapon. Napabuntong hininga ako.

"Rynn, samahan mo ko. Naiihi na ko eh," sabi ni Pure. Habang yung mga lalaki tinutulak yung sasakyan.

"Teka." napahinto ako. May lahi ba kong manghuhula? O future teller? Bakit..

"Tara na," hinila niya ko malayo sa sasakyan. Mabuti naman at walang damo. Dahil kung meron talaga, naku! Uuwi na talaga ako.

May malapit na restaurant samin kaya doon umihi si Pure. Hinintay ko lang siya sa labas dahil ayoko nang pumasok.

"Miss, puwedeng makuha number mo?" hindi ako lumilingon. Ako ba kausap 'nun? "Miss."

May kumalabit sa'kin at dalawang lalaki ang nakatingin sakin. Mukhang bata pa pero nakakatakot yung hitsura nila.

"Puwede makuha number mo?"

"Ah.. Number ko? Uhm.. 2 po," sagot ko. Natakot na ko. Kasi naman, paano ko naman ibibigay yung number ko sa taong hindi ko kilala. Saka number lang sabi nila. Ang dami dami kayang number.

Tumawa siya. "Cellphone number. Sige na."

Umiling ako at lumayo ng kaunti. Lumapit naman sila sakin.

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon