CHAPTER TWENTY THREE

474 15 0
                                    

A/N : Sabaw to. Totoong things are easier to do when you are motivated. Sad to say 'cause I'm not. Give me motivations! Huhu Jk. Okay eto na. Enjoy na lang. Haha

 

***Chapter twenty three**

 

 

Natapos ang exam week. Hello new lesson na naman.

 

 

"Seniors! Theater room daw," sigaw nung isa kong classmate.

 

 

"Anong meron?" tanong ko kay Yoske.

 

 

"Career Talk," sagot naman niya. Saka ko lang naisip na 'yun pala yung sinasabi ni Iry kaya kanina pa siya wala dito.

 

 

Lumabas na kaming lahat at nilock na ang room. All seniors daw eh. Sa theater kami pinapunta since mas convenient mag-talk doon.

 

 

Doon kami sa dulo umupo ni Yoske. Nakita ko din si Iry na takbo dito, takbo doon. Haay, my poor bestfriend. Gusto niya yan eh.

 

 

Biglang may umupo sa tabi ko. Si Stone kasama si Pure at Gray. Sunod din silang umupo dito. Bali magkakatabi kami.

 

 

"Alis diyan," nakita namin si Fim na kausap si Gray sa dulo. Pinapaalis niya.

 

 

Umiling lang si Gray. Bumaling naman si Fim kay Pure, pero nilagpasan niya ito at tumingin kay Stone.

 

 

Sinenyasan niya si Stone na umalis, pero di lang siya pinansin ni Stone. Sakin naman siya tumingin, pero nilagpasan ako. Si Yoske naman pinapaalis niya, umiling din si Yoske.

 

 

Saka na siya nagtantrums. De, joke lang. Kumunot na yung noo niya. Pinipilit niya si Stone. Eh bakit kasi pahuli huli siya. Nung makita siya ng isa sa mga organizer, pinaupo siya sa ibang upuan. Ayaw man niya, no choice siya. Okay na rin yun, para walang magulo. Haha.

 

 

After nung career talk, kasama na namin si Iry. Pinag-lunch na kami since lunch time na rin naman talaga. Naubos ang oras sa kakasalita ng mga speaker about sa choice ng course. Nakakainspire din naman yung kuwento nila. Napapaisip tuloy ako sa kukunin kong course. May mga ibang University Representative 'din na nanghihikayat na magenroll sa kanila.

 

 

Sabay kaming lahat pumunta sa canteen.

 

 

"Ano kukunin mo Meiks?" tanong sakin ni Iry nung nakapila kami sa canteen.

 

 

"Hmm," nagisip muna ako. "Chips delight lang, may baon ako eh."

 

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon