***Chapter 43**
"Minor ankle injury lang yan," sabi ni Stone habang nakatungkod yung kanang kamay niya sa kanang tuhod niya at tinitignan yung paa ni Fim. "Wrong landing kaya natwist."
Nakakamangha na parang expert siya sa ganitong bagay. Napansin nilang dalawa ni Yoske na medyo nakatwist yung paa ni Fim at malamang daw napwersa ni Fim kaya ganoon ang nangyari.
Napapangiwi naman si Fim sa tuwing ginagalaw ni Stone yung paa niya.
"Sigurado ka ba? Di ba natin siya dadalhin sa ospital?" tanong ni Papa kay Stone.
Umiling naman si Stone. "Clinic will do."
"May clinic dito sa subdivision," sabi ko.
"Samahan mo sila, Meika. Yung iba, sumama na samin sa bahay. Kumain muna kayo," sabi ni Papa sa kanila.
Si Yoske at Stone ang nagtulungan para madala namin si Fim sa clinic. Tinignan ko ang oras at alas-otso na. Bukas pa naman 'yun.
Pagpasok namin, nandoon agad si Dra. Gilda. Nasa forties na siya, pero maganda pa rin tignan. Yung asawa niya doktor din pero sa malaking ospital nanggagamot.
"Hi Meika. Anong nangyari?" tanong niya at sa paa ni Fim nakatingin. "Maupo muna kayo."
Kilala niya ko dahil madalas napapadaan ako sa clinic niya. Saka magkaibigan din sila ni mama. Dati rin namin nakakalaro ni Iry yung anak niyang lalaki na mas matanda sa amin. Sa Canada siya nagcollege, para din magdoktor. Pamilya talaga sila ng mahilig sa dugo, sugat at sakit. Hindi ko kaya 'yun.
Pinapasok niya si Fim sa loob at naiwan kaming tatlo 'don.
Buti na lang natapos ko nang linisin yung sugat ni Yoske bago pa kami nataranta nung natumba si Fim. Si Box ang unang lumapit sa kanya at agad na natigil ang laro.
Nung lumabas na si Fim, naka-bandage na yung paa niya. Hindi naman kailangan ng saklay dahil makakalakad pa rin naman daw si Fim, hindi nga lang maayos.
Nagpaalam na kami at bumalik sa bahay. Usually pag mga first aid lang ang ginagawa ni Dra. Gilda, hindi na niya sinisingil. Ang bait niya no? Dahil sa kanya hindi na ko natatakot sa doktor pero takot pa din ako sa dugo.
Dahan dahan lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Lahat nagtinginan samin at nagalala kay Fim. Akala kasi namin nahimatay na siya kanina.
"Kuya!" sigaw ni Fina habang palapit samin. Hindi ko din alam kung saan siya nanggaling. Bigla na lang siyang nawala tapos ngayon nandito na naman. "Anong nangyari?"
"Okay ka na ba hijo? Hindi ba magalit sayo yung magulang mo pag nakita kang ganyan?" tanong ni Papa kay Fim.
"Kung makikita po nila," natawa siya sa sinabi niya kahit wala namang nakakatawa.
Ngumiti din si Fina kay Papa. "Hindi po. Huwag kayong magalala."
"Kumain na kayo oh," aya ni Mama sa kanila. Tapos na kasi kami kumain. Yung dala ni Yoske na chicken. Sakto rin siguro yung dala niya dahil may dadating pa pala.
Habang kumakain sina Stone at Fim nasa may sala kami. Doon kami nagusap usap. Si Pure, kanina pa inaasar si Gray at Iry. Nakikitawa naman ako sa pangaasar niya.
"Meika, what do you think? Gray and Iry?" tanong sakin ni Pure. Dahil lang sa panghaharana ni Gray kay Iry, hindi na sila tinigilan ni Pure.
"Okay lang," sagot ko habang natatawa. Di ko kasi alam kung may issue ba don. Pero wala namang problema kung sakali. Parehas ko naman sila kaibigan. Saka mabait naman yan si Gray, kaya naman niya siguro yung ka-abnormalan ni Iry.
BINABASA MO ANG
My Five Handsome Suitors (REVAMPING)
Teen FictionI have five suitors. All of them are handsome but it takes only one man to be my boyfriend.