CHAPTER THIRTY-THREE

369 12 12
                                    

***Chapter 33**

Dedicated to Karen. Pasensya na kayo kung ganito ako kasaya ha? Haha. Masyado lang talaga ako akong naoverwhelmed sa lahat ng sinabi niya :) Thanks Karen. ♥

Meika's POV

Kilala ko kung kaninong kamay to.

Makalipas ng ilang minuto, inangat ko ang ulo ko pero hindi ako makatingin. Nahihiya akong umiyak sa harap ni Stone.

Hindi niya inalis yung akbay niya sakin. Kumuha siya ng panyo sa bulsa ng polo niya at pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Gusto ko siyang pigilan dahil sobrang nahihiya ako sa ginagawa niya. Hanggang sa hawakan niya yung kamay ko at tumayo siya. Doon ko lang nagawang tignan siya sa mata.

Nakangiti lang siya sakin. Pinatayo niya ko kaya tumayo na lang ako.

Hawak hawak niya ang kamay ko habang papunta kami sa studio. Pumasok kami at pinaupo niya ko doon sa couch. Iniwan niya ko saglit, pagbalik niya dala na niya yung gitara niya. Tumabi siya sa tabi ko.

Sa sobrang lapit niya, umusod ako ng kaunti. Pero umusod pa ulit siya papalapit sakin. Hindi na lang ako umusod ulit dahil baka mapunta kami sa dulo kakausod at mahulog pa ko.

Nagstrum siya. Tumitingin tingin pa siya sakin tapos ngumingiti.

Alam ko tong kantang to ah..

There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like I do

There will no reason to be sad anymore

I'm always ready with a smile with just glimpse of you

You dont have to search no more

Cause I am someone who will love you for sure

Tumingin ulit siya at parang ineencourage akong kumanta. Pero dahil galing lang ako sa iyak, hindi ako kumanta, at pinagpatuloy na lang ni Stone.

If we fall in love, maybe we song as one..

Patuloy lang siya sa pagkanta. Nakatingin lang ako sa kanya, at minsan nagtatama ang mga mata namin kapag tumitingin siya. Ngumingiti din siya.

Nagulat ako nang may naramdaman akong pamilyar na sa akin. Parang may humahabol sakin dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Lalong lumalakas patagal ng patagal. Parang nauubusan ako ng hininga. Eto na ba yun? Aatakahin na ba ko sa puso? Mamatay na ba ko? Nahigh blood ba ko kakaiyak? Sabi ko na eh, dapat nagpacheck up na ko eh.

"Meika.. uy!" nagising ako nung pinindot ni Stone yung pisngi ko. Inulit pa niya yun tapos tumawa siya. "Ang cute. Nagbabounce back yung daliri ko sa pisngi mo," tapos tumawa ulit siya at inulit ulit pa niya.

Hinawakan ko yung kamay niya at pinatigil sa kakapindot ng pisngi ko. "Alam kong cute ako."

Tumawa siya ng mahina. "Hindi ko na tatanungin kung bakit ka umiiyak, pero ayoko na ulit makita yon."

"Mali," nagsalita ulit siya malipas ang ilang minuto. "Gusto ko kapag iiyak ka, ako lang ang makakakita. Okay ba? Para makalimutan mo ang dahilan ng mga luha mo dahil mapapalitan ng kagwapuhan ko ang utak mo."

Okay na eh. Napasimangot ako sa sinabi niya.

Ginulo niya yung buhok ko, pero inayos din ulit. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa harap ko. "Tara, may pupuntahan tayo."

Nagpabalik balik yung tingin ko sa mata niya at sa kamay niya. "Saan tayo pupunta?"

"Sa puso ko, para malaman mo kung sino ang laman nito." Tumawa siya ng mahina.

My Five Handsome Suitors (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon