The next morning, I decided to hike. So after checking out early, I drove off to the hike booth, 3 km away from the resort I've been.Before leaving my car, I made sure to put on sunscreen. Ayokong maulit ang nangyari sa island, because it hurt's like hell. Hindi ko na rin suot ang eyeglasses ko dahil sumasakit ang ulo ko kapag sinusuot ko, which is very unusual. My body feel so alive. Feeling ko buhay na buhay ang dugo ko at ramdam ko rin na may nagbabago sa katawan ko. Pero hindi ko muna iisipin yun sa ngayon, maybe when I get back to Manila, I'll see my doctor. Sinigurado ko na nasa bag ko ang sunscreen bago bumaba ng sasakyan.
I'm wearing my usual hiking outfit, tight leggings--this time it's black with a floral design on the thigh part, loose long sleeved naman ang pang itaas. I tie my straight black hair in a bun and wear sunglasses. Bitbit ang traveling bag na naglalaman ng alam kong kailangan ko pagdating sa tuktok ng bundok.
I headed to the booth, pumila pa ako for registration, maraming nakapila para magparegister. This would be fun. Marami na ulit akong makikilala. That's the best thing about traveler's, to make some new friends whenever you go. After kong magparegister, the supposed to be our tour guide discuss about the do's and dont's while hiking. After some reminders, nagsimula na kaming maglakad.
While on our way to the mountain, people keep on staring at me and I don't know why. Concious na concious talaga ako, parang may mali. Gusto ko silang bulyawan at sabihin na "staring is rude" pero nahihiya ako. Ayoko kasi sa lahat ay yung tinititigan ako,nakakailang. So nagpahuli ako at itinuon na lang ang pansin sa pagkuha ng pictures.
Wala pa kami sa taas pero ang ganda na ng view. Kitang kita ang green na green na bundok sa kabilang isla at ang malawak na asul na asul na dagat.
We've been walking for almost the whole day. Grabe sa sobrang layo. Pero worth it naman dahil sobrang ganda at aliwalas dito sa itaas.
I check my company and they all looked tired. Sabagay, sino ba namang hindi mapapagod sa layo ng nilakad na yon. Wala sa sariling kinapa ko ang katawan ko. Weird. Hindi ako nakakaramdam ng pagod at hindi man lang ako pinawisan. Even the water I brought, hindi man lang nabawasan. Creepy. Nakaramdam tuloy ako ng takot sa sarili ko. Katawan ko ito pero wala akong alam na explanation sa nangyayari dito. Dapat sa mga oras na to, feeling haggard na ako, tagaktak ang pawis ko at ubos ang dalawang boteng tubig na baon ko. Pero ngayon...Argh!
Sumalampak ako ng upo sa damuhan at napakamot sa ulo. Inilibot ko ang paningin ko, kanya kanya ng selfie ang mga kasama ko. I roll my eyes, how could I forgot to take a photo of this beautiful scenery? Papalubog na kasi ang araw at kitang kita dito sa tuktok ang paglubog nito. Kalat ang kahel na kulay nito sa kalangitan at nasasalamin sa karagatan. It's aesthatic at hindi nakakasawang tingnan. Kahit ata araw araw kong panuorin ang tagpong ito.
After taking a few shots, naghanap ako ng pwede kong usapin na kuhanan ako ng picture. I checked my sides at may grupo ng kabataan hindi malayo dito sa pwesto ko. Lumapit ako sa grupo at kinulbit ang lalaki na syang pinakamalapit sa akin.
"Hi, ahmm.. Do you mind?" Iminuwestra ko ang camera na nakasabit sa leeg ko.
Night came, pabiling biling ako sa sleeping bag ko to find a more comfortable position. Hindi ako makaramdam ng antok so I decided to get up. Napakunot ang noo ko ng umalingasaw na naman ang mabangong amoyna iyon. Kung dati para itong nakatago, ngayon, parang nakasiwalat on nakakalat ito. Napakabango. SoI decided to find it, sinundan ko lang kung saan ito nanggagaling. I sniff and sniff na parang aso.
Sa hindi kalayuan ng pwesto ko ay may tao, ng malapitan ko,yung lalaki kanina na inusap kong picturan ako. Sya ba yung mabango?
"Hi." I greeted para matawag ang atensyon nya.
He looked at me and smile.
"Anong ginagawa mo? Bakit gising ka pa?" Tanong ko at lumapit sa kanya.
May hawak syang kutsilyo at.. mangga? Sa ganitong oras kumakaen sya ng mangga? Naglilihi ba to?
"Kumakaen lang ng mangga but I cut myself. It won't stop bleeding. Ah, gusto mo?" Kumuha sya ng mangga at iniabot sa akin. Which is, hindi ko tinanggap.
"No thank you." Tanggi ko at napatingin sa sugat nya. Napapikit ako ng masamyo ko ulit ang mabangong amoy na iyon. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay na may sugat. Wala sa sariling napalunok ako. Bigla na lang natuyo ang lalamunan ko and something is telling me to taste the blood. Bigla akong nandiri sa pumasok sa isip ko.
"Dugo ba to o alamang?" I asked trying to make him laugh, trying to make myself laugh. Kung anu ano kasing pumapasok sa utak ko na hindi naman dapat.
"Oo, nataga nga ako. Sandali lang ha, kukuha lang ako ng pantali." Akma na syang tatayo pero pinigilan ko.
"No!" Medyo mas lakas na pagkakasabi ko. Kumunot naman ang noo nya. "Ah ano, let me help you." Isinubo ko ang daliri nyang may sugat at sinipsip iyon. Napakasarap. Ito ang kailangan ko upang maibsan ang kakaibang uhaw na kahapon ko pang iniinda.
Natauhan lang ako ng hinila nya ang kamay nya palayo sa akin. "What the hell are you doing?!" He said in disgust. "You don't just suck strangers finger when it's bleeding."
Napatungo ako. "I'm sorry. It's just-- it's just that, it tastes good."
"You're crazy." Akma na syang tatalikod pero pinigilan ko ulit sya.
Napangisi ako and my eyes turned red. "I maybe am." At sinakmal ko ang pulsuhan nya.
Pilit nyang inaagaw ang kamay nya but I don't let him. So before he could get the other's attention, hinawakan ko ang mukha nya with my free hand at walang kahirap hirap na ibinagsak sya sa lupa. I can even hear his bones cracked but I don't care. Ramdam na ramdam ko sa aking lalamunan ang pagdaloy ng mainit nyang dugo.
Hindi ako tumigil hanggat hindi nauubos ang dugo sa katawan nya. Nang maubos, I stood up at pinunasan ang labi ko na may bahid ng dugo.
Napabalikwas ako ng bangon sa higaan ko. What a weird and creepy dream. Madilim pa ang paligid pero ang ingay na ng mga tao. Tatayo na sana ako ng mapansin ang pulang stain sa sleeve ng damit ko. Is this blood? But it's just a dream.
Nagpalinga linga ako to check.kung may tao, ng masiguradong wala dali dali akong nagbihis at tumayo na.
May umpukan ng tao kaya nakiusyoso rin ako. I excuse myself and get through the crowd. Maraming nag iiyakan, ang iba nagbubulungan at ang iba naman ay parang nandidiri. Nang makarating sa unahan, tumambad sa akin ang patay na lalaki. Basag ang bungo, ang braso nya ay balat na lang ang nagkakabit at mahihiwalay na sa katawan. Putlang putla ang bangkay ng lalaki pero wala kahit konting patak ng dugo sa paligid nya.
Napaatras ako.
No. No, no, no. Pero panaginip lang iyon! Hindi ako yun!
BINABASA MO ANG
Masked Lady (Bloodsucker)
VampireI just love traveling and taking scenery photos. But something happened, hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano. Basta nagising na lang ako isang araw na malakas ang pang amoy, pakiramdam at pisikal kong lakas. And mostly, thirst. Thirst, that o...