ML Twenty

5K 130 0
                                    

AN: akalain mo nga naman at nakaabot pa ng chap 20..😁😁

PAVOTE PO, puhleasssssse.. thanksssss!  😘

↭↭↭

Pumatak ang yosi ko sa aking nakangangang bunganga.

How the hell did she do that??

In my entire life, this is the very first time I've seen a girl who could jump that high. At hindi biro ang taas niyon.

Is she for real?

Mulaga ako buong magdamag kakaisip sa nakita ko. Paulit ulit nagfaflashback sa utak ko ang nangyari.

"Still no sign of Xael?" Mula sa pagkakatungo, tumaas ang mukha ko sa tanong ng aking dyosa.

"Po?"

Kumakain kami ngayon ng agahan at lutang ako. Ni hindi ko magalaw ang pagkain ko.

"God! Are you even here Chester?" Mababakas sa kanyang boses ang inis.

Seryoso rin ang mukha nito habang nakatingin sa akin. May parte sa loob ko na natatakot ako at may parte pa rin ng paghanga sa perpekto nyang mukha.

"P-pasensya na po Ms. Keegan, may iniisip lang ako. Ano p-po ulit ang t-tanong nyo?" Nauutal na naman ako, and this time dahil sa takot. Wala na dito si sir Xael para ipagtanggol ako sa dyosa nyang kapatid.

She rolled her eyes and sigh. "I'm asking you if there's still no sign of my brother." Sumimsim ito sa kanyang tsaa.

"W-wala pa po. At sa tingin ko po matatagalan pa bago bumalik si sir."

"What??!" Napaigtad ako sa kinauupuan ko ng hampasin nya ng malakas ang mesa.

WTF??

"How can you say that? Ano bang sinabi nya sayo bago sya umalis?" Nakatayo na ito at mataman na nakatingin sa akin.

Napalunok ako at tumighim bago sumagot. Paano ko ba sasabihin to? Baka lapain ako ng dyosa ko. Sa hitsura nya pa lang ngayon, parang handa talaga syang pumatay ng tao.

Panginoon, gabayan nyo po ako mula sa dyosang kaharap ko. Dasal ko sa loob ng isip ko.

"I'm waiting Chester." Namewang ito at parang amused na nakatingin sa akin. Nawala na ang mabangis nyang hitsura kanina. Siguro narinig nya ang malakas na tibok ng puso ko, dahil ako, rinig ko eh.

"A-ano po, w-wala syang s-sinabi." Fuck this tongue!

"Eh ano?" Naiinip na turan nito.

"UmalisposyakasamaniMaamClarisse!" Nakatungo ako at habol hininga ng matapos ang sinabi ko.

Wala akong narinig na sagot dito. Pikit mata akong tumunghay para makita ang reaksyon nya. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata para lang makita na wala na akong kaharap.

Nasan na yon?

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko ng bigla na lang may kung anong bagay ang nabasag sa itaas.

At nasundan pa.

Sunod-sunod ang mga bagay na nababasag at palakas iyon ng palakas.

Fuck!

Anong gagawin ko?

Napatakbo na lang ako paitaas ng narinig ko ang gigil na pagsigaw ng aking dyosa. Dinala ako ng aking mga paa sa dating kwarto ni sir Xael kung saan nagmumula ang ingay kanina.

Tahimik na sa loob.

Kumatok ako ng mahina pero walang sumagot.

Kumatok ulit ako. "M-ms. K-keegan. O-okay lang po ba kayo dyan?"

Sa halip na sagot ang matanggap ko, bigla na lang may kung anong mabigat na bagay ang tumama sa pintuan na lumikha ng malakas na ingay.

O....kay. Sa tingin ko buhay pa naman sya sa loob.

Naupo ako sa gilid ng pintuan, dito ko na lang sya hihintayin.

Bakit ganoon na lang ang reaksyon nya sa nalaman? May gusto ba sya sa kapatid nya? Ang incest naman. Pero bakit sa dami ng lalaki sa mundo, kay sir Xael pa sya nagkagusto?

Nandito naman ako.

Naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Pero kung papakaisipin, para namang hindi sila malapit sa isa't-isa ng kanyang nakatatandang kapatid. Hindi sila gaanong nag uusap at hindi rin sila palaging magkasama.

Pero naghahalikan sila.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil may kung anong kumirot doon.

I close my eyes and lean on the wall.

Maya maya lang ay bumukas ang pintuan kaya napatayo ako sa aking kinauupuan.

"Clean those mess." Malamig na turan nito habang papalayo sa akin.

Muntik ko ng makalimutan, isa nga lang pala ako ditong utusan.

Keegan

I am so freakin pissed!

I hate you Xael! Matapos mong iparamdam sa akin ang mga bagay na hindi naman dapat, basta mo lang ako iniwan!

Argh!

Gusto ko syang puntahan at kagatin sa leeg. Isama na rin ang babaeng kasama nya at ang batang nasa sinapupunan nito!

My eyes turned red out of frustration. Lahat ng bagay na mahawakan ko, itinatapon ko at winawasak ko. Wala akong pakialam kung masira ko ang lahat ng gamit dito, sakin naman ito.

I heard my caretaker knocked on the door.

Isama pa ang lalaking ito! Dapat hindi na lang nya sinabi na magkasama si Clarisse at Xael.

Malamang, nagtanong ka eh. Sagot ng konsensya ko.

Kumatok ulit ito at sa inis ko, ibinato ko ang study table na nahawakan ko.

Dammit!

Hinihingal sa galit akong sumandal sa dingding nitong guest room that used to be Xael's bedroom.

Ayokong lumabas hangga't hindi humuhupa ang galit ko. Baka kung ano pang magawa ko kay Chester na pagsisihan ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo sa sulok na iyon ng bahagya ng gumaan ang pakiramdam ko. Tumayo ako at dumiretso na sa pintuan. I can sense Chester's presence outside the door. Hindi na sya umalis simula ng umakyat sya dito at katukin ako.

Diretso akong lumabas ng kwarto at walang lingon na inutusan ang katiwala ko na linisin ang kalat na ginawa ko.

Masked Lady (Bloodsucker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon