As I opened the restrooms door, bumungad sa akin ang mukha ng babae kanina. I gave her a fake smile at nilagpasan ito."Stay away from Xael." She said na nakapagpatigil sa akin. I looked at her wearing a puzzled look.
Ano raw?
I didn't answer her, nakatayo lang ako ng seryoso sa harapan nya at lantaran na pinagmasdan ang kanyang kabuuan.
She's wearing a body hugging black and white stripe dress that ends above her knee and a pink doll shoes. Nakalugay ang blonde nyang buhok na lagpas balikat. She looks beautiful in her simple attire, but still, I don't like her!
Damang dama ko ang galit nya sa akin but there's something about her. Masyadong aktibo ang daloy ng dugo nya and I can hear small heartbeats. I know it's not hers. Nangunot ang noo ko when I looked at her belly.
Hindi kaya?!
"He's cheating on you! Girlfriend nya rin ako!" Pabulong na sigaw nito sa akin. Kulang na lang ay umapoy ang mata nya sa galit.
Pero pakialam ko ba? Tumalikod ako sa kanya at lumakad papunta sa upuan nina Xael.
"Bitch!" Narinig ko pang sabi nito sa likuran ko.
Yeah right.
While on my way to the seats I've been, Xael and Clark--one of my brothers friend-- are talking. Or more like, arguing? Kita ko kasi mula rito sa kinatatayuan ko ang gigil na mukh ng dalawa with matching hand gestures pa. Isama pa ang mga kaibigan nila na nagpipigil sa dalawa. Mabuti na lang walang masyadong tao dito sa cafe kaya hindi masyadong nakakahiya ang ginagawa nila.
"What's happening here?" I asked na nakatawag atensyon naman kay Xael. Pilit itong kumawala sa mga kaibigan na nakapigil sa kanya at padaskol na hinawakan ako sa pulsuhan.
"Let's go!" Just like earlier, he drag me on our way out.
"Xael please wait!" Sigaw naman ng babae kanina.
"Don't waste your time on that kind of man Clarisse! You deserve better than him." Sabi naman ni Clark at pinigilan si Clarisse daw sa paghabol sa amin.
Okay? Wala na bang mas ikadadrama pa ang araw na to?
↭↭↭
"Do you want to talk about it?" I asked Xael who's very serious while driving.
Tinapunan lang ako nito ng masamang tingin at bumaling na ulit ang focus sa pagdadrive. Napanguso naman ako. Ako rin ba idadamay nya sa away nila ng kaibigan nya? Kaasar lang.
"Look, I'm sorry okay?" Napapitlag ako ng hawakan nya ang kamay ko. Our eyes met when I looked at him. "It's just that, I don't want to think about it right now. Is it okay?"
Tumango naman na lang ako dahil parang nalulon ko ang dila ko. I asked him about his problem dahil ayokong isipin ang tungkol sa aming dalawa. Masyado kasing magulo at komplikado. Ayokong pakaisipin ang bagay na yun dahil marami pa rin akong problema.
Tulad na lang ngayon, iba na naman ang pakiramdam ko. Nag iinit ang buong katawan ko at tuyong tuyo na naman ang pakiramdam ng lalamunan ko.
Naman! Bakit ngayon pa?
Inagaw ko ang kamay ko na hawak pa rin ni Xael. "B-bilisan mo." Sabi ko sa hirap na boses.
Sheez! Ayokong saktan ang kapatid ko!
"Why? It's still early Kee. I'm thinking, we could--"
"No!" I shouted at him.
"What's wrong with you?" Takang tanong nito sakin.
"Just drive fast o itutulak kita jan?!" I angrily said. Amoy na amoy ko kasi ang mabango nyang dugo at feeling ko anytime mawawala na ako sa katinuan ko.
"Okay. Okay." At mas binilisan pa nga ni Xael ang takbo ng kotse. Ako naman, panay ang punas sa butil butil na pawis na namumuo sa noo ko.
"Wait, don't tell me--hahahahaha." Humalakhak ito ng hindi ko alam ang dahilan. I looked at him, pissed.
"What?" I asked sabay punas ng pawis.
"Hahaha..I know, natatae ka kaya nagmamadali kang umuwi! Hahahaha."
"Ano??!"
What the hell? Yun ang akala nyang dahilan ko kaya nagmamadali ako? May sira talaga ang ulo ng lalaking to eh. Makagat nga at baka titino ang utak. Bigla akong naexcite sa isiping yun.
Just one bite..
Tumingin ako kay Xael na tawa pa rin ng tawa. Umangat ang pwetan ko sa upuan at handa ng sunggaban si Xael ng bigla na lang syang humarap sa akin.
That's when I realized what was I thinking. Dammit! Umayos ulit ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana.
"Mapipigil mo pa ba?" Tanong nito ng may pang aasar sa tono.
"Just--just drive fast." Mahina kong tugon dito.
Mabuti na lang at tumahimik na rin itong katabi ko. I acted as if I'm alone here kahit na amoy na amoy ko ang mabango nyang dugo.
We arrived at the front of my house bamboo gate. My brother honk his car in front of it.
"Where's that good for nothing Anton?" He mumble.
"I'll open it for you." Sabi ko at daling umibis palabas ng sasakyan. May sinabi pa si Xael pero hindi ko na narinig dahil malayo na ako.
Binuksan ko ang gate--which is ako lang ang kasya, bahala na si Xael. I headed to my backyard then through the woods. My body feels like it's on a heat.
Shit!
Mas binilisan ko pa ang takbo papasok sa kakahuyan. Blood! I need blood!
Naging aktibo ang katawan ko when I heard a crackling sound three meters away from where I am. I can't see whoever it is because of the bushes that's blocking my way. But I can smell it's luscious blood and can hear it's every move. I move slowly and surely hanggang sa makita ko ang pakay ko. It's a...goat?
A goat?!
The thought of sucking it's furry neck makes my stomach turn upside down. It's gross! But do I have a choice?
Sa isang kisap mata, nasa tabi na kaagad ako ng hayop. Hinawakan ko ng mahigpit ang bibig nito para hindi makagawa ng ingay at ibinaon ang mga pangil ko sa leeg nito.
Ramdam ko ang pagkiliti ng mumunting balahibo nito sa aking bibig pero ipinagsawalang bahala ko muna iyon. Nagfocus muna ako sa pagsipsip ng dugo nito. Nang maramdaman ang pagdaloy ng mainit nitong dugo sa lalamunan ko, unti unti namang kumakalma ang kalamnan ko. Kulang na lang ay maputol ang ulo ng kambing sa tindi ng kapit ko dito. Nang makuntento, I let it go at daling umuwi sa bahay ko.
Well, hindi sya kasing sarap ng dugo ng tao pero hindi na rin masama. Mapapagtyagaan na kapag talagang walang wala.
BINABASA MO ANG
Masked Lady (Bloodsucker)
WampiryI just love traveling and taking scenery photos. But something happened, hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano. Basta nagising na lang ako isang araw na malakas ang pang amoy, pakiramdam at pisikal kong lakas. And mostly, thirst. Thirst, that o...