Palipat lipat ang tingin ko sa dalawang nilalang na nagtatalo sa harapan ko.The goddess I've seen earlier na kulang na lang ay lapain ang kaharap na tinawag nyang Xael kanina. They're arguing about hiring me as their new caretaker. Grabe, kaya naman ako nag-apply dito dahil ng advertisement na nakita ko sa dyaryo na binasa ko kaninang umaga.
Oo, kaninang umaga ko lang sya nakita at napasugod ako kaagad dito ng makita ko ang salary offer nila. Fifteen thousand pesos para sa caretaker ng bahay na to. Mag aalaga lang ng halaman at maintenance ng bahay. Libre pagkain at bahay, san ka pa?
I'm a part time petite model, at dagdag income na rin ang trabaho na ito kung matatanggap ako. Mag isa na lang ako sa buhay kaya wala akong ibang aalalahanin kapag tumigil ako dito. Pero parang tutol pa ang dyosa sa pagtanggap sa akin dahil nag-aaway pa sila ni Xael hanggang ngayon.
"Pamamahay ko ito Kuya, kaya ako ang magdedesisyon dito!" Tungayaw nito sa kapatid.
Kapatid?! Kaya pala magkahawig, kanina kasi Xael lang ang tawag nya dito kaya akala ko may relasyon sila. Isama pa na sila lang dalawa ang nakatira dito sa bahay na nasa tuktok ng bundok at gitna ng kagubatan.
"I know Keegan, and don't worry, I'll be the one who'll be paying him." Mahinahon namang tugon ni Xael sa kapatid.
"Hindi kita inoobliga na magpasahod sa kanya. I can pay him! Sinasabi ko lang na wala kang karapatan na pangunahan ang desisyon ko sa loob ng pamamahay ko!" Nanggagalaiti nitog sigaw.
"I know, ayoko lang na nahihirapan ka sa--"
"I am not!" Putol nito sa sasabihin ng panganay habang nanlilisik ang mga mata. "If you can't stand living here without a muchacha, then you can leave!" Iniwan nitong nakatulala ang kapatid, at ano daw?? Napangiwi ako sa sinabi ng dyosa.
Ako? Muchacha?? Caretaker ang inaapplyan ko at hindi housemaid. At saka ang laswa namang pakinggan na tawagin akong muchacha. Parang bayarang lalaki ang dating. Sa gwapo kong to??
Huminga ng malalim si Xael, he excused his self at sinundan ang kapatid hanggang sa mawala ito sa aking paningin. Mabuti naman at lumipat sila ng lugar na pag aawayan. Ang ingay nila, nakakarindi. Magkaharap lang akala mo mga bingi kung magsigawan. Magkapatid nga talaga silang dalawa.
Maya maya lang ay bumalik na ang dalawa. This time, Bahagyang malambot na ang ekspresyon ng dyosa.
"Chester, right?" Tanong nito sa akin habang nakakunot pa rin ang makinis na noo. Napatayo naman ako sa biglang tanong nito sa akin.
"O-o-opo maam." Nakagat ko na lang ang dila ko dahil sa pagkautal.
"Don't call me ma'am, I'm not a teacher." Sabay irap sa akin.
Whoa! Bakit mas lalo syang gumaganda sa paningin ko kapag nagtataray?
"Don't mind her Chester, I'm Xael." He offered his hand for a handshake kaya tinanggap ko iyon. Si Keegan kaya, hindi makikipag kamay sa akin? "Did you bring a resume or bio data? You know for us to know..."
"Ay meron po sir." Dinukot ko ang bulsa sa likuran ko at inilabas doon ang nakabilot na papel. "Ito po." I handed him my resume.
Nailang naman ako sa paghagod ng tingin ni Keegan sa kabuuan ko. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Sigurado ka ba na caretaker ang aapplayan mo o-" humagod ulit ang tingin nito sa akin "-pagmomodel?"
"Actually baby sis, he really is a model." Singit ni Xael at ipinakita sa kapatid ang papel na hawak.
"A part time petite model huh? So bakit nag aapply kang caretaker dito gayong maganda naman pala ang trabaho mo?" Nakataas na naman ang kilay sa akin ni Keegan.
"Ah, hindi naman po ako palaging may photoshoot kaya kailangan ko pa ng extra income. Baguhan pa lang po ako sa trabaho ko. Saka kung gardening at maintenance lang ang trabaho, kayang kaya ko po." Nakangiti kong tugon dito.
"Well then, you're hired!" Masiglang sabi ni Xael sa akin at tinapik ako sa balikat.
↭↭↭
Mabuti na lang madaling kausap si sir Xael kaya natanggap ako kaagad. Si Ms. Keegan naman--yan na lang daw itawag ko sa kanya-- ay napakasuplada. Halatang napilitan lang sa kagustuhan ng kapatid. Ayaw daw kasi ni Sir na mapapagod ito sa bahay. Pero ang nakakapagtaka, bakit wala silang babaeng kasambahay? Barat lang talaga siguro ang dyosang iyon.
Isang linggo na ako dito sa kanila at ang masasabi ko lang,nakakainip. Wala namang ginagawa, si Sir nagpakumpuni lang ng bintana ng kwarto nya tapos wala na. Palagi lang din itong nakaharap sa laptop nya kaya hindi ko makausap. Sa umaga at hapon magdidilig lang ako ng halaman, magwawalis ng paligid then uungkot na.
Si Ms. Keegan naman, sa oras lang ng pagkain ko nakikita. Yun lang ang time na lalabas sya ng kwarto. At kapag nakikita ko sya, hindi ko pa rin maiwasan ang napatulala dahil sobrang ganda talaga nito. Kakaiba ang ganda nya, masyadong perpekto. Yung tipong kapag inilabas mo ng bahay ay kukuyugin ng tao dahil sa ganda at baka mapagkamalan pang artista. Mas maganda pa nga sya sa mga model at artista na nakakasama ko sa shoot.
Nandito ako sa hammock na nasa gitna ng garden habang naninigarilyo. Simula ng dumating ako dito, dito na ako palagi tumatambay sa gabi pagkakatapos ng hapunan. Napatingin ako sa madilim na parte ng kakahuyan ng bigla na lang may maputing nilalang na lumabas kung saang parte ng bahay. Nahulog ako sa duyan dala ng pagkagulat o takot?
P*tang ina! Multo!!
Mula sa pagkakahulog ko sa duyan, dumapa pa ako ng maayos sa lupa at tiningnan ang puting nilalang. Habang nagtatagal at medyo nasasanay na ang mata ko sa dilim, doon lang luminaw na isa itong babae na nakasuot ng purong puting bistida. Papasok ito sa kagubatan pero ang bawat kilos nya ay hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Tinatangay ng hangin ang itim na itim nitong buhok. Hindi ko makita ang hitsura nito dahil bukod sa malayo ito sa kinatatayuan ko ay nakatalikod pa ito.
Nawala ito sa aking paningin ng tuluyan na itong lamunin ng dilim sa makahoy na lugar. Kahit nagtatayuan ang balahibo ko sa katawan, nagpasya ako na wag umalis dito sa aking kinadadapaan. Naghintay ako sa pagbabalik nito, nagbabakasakali na muli ko itong makikita. Pero hanggang sa makatulog ako, hindi ko na ulit ito nasilayan na lumabas sa kakahuyan.
Baka namamalikmata lamang ako.
Nagising ako dahil sa tama ng sinag ng araw sa aking mukha. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang malabong imahe ng isang napakagandang anghel.
Nasa langit na ba ako? Bahagyang nasisinagan ng araw ang kanyang itim na itim na buhok kaya para itong may effects dahil sa kintab na taglay niyon.
Binigyan ko ang anghel ng isang napakatamis na ngiti ngunit sa halip na gumanti ay kumunot ang makinis nitong noo.
"Wake up. Tanghali na at hindi mo pa nadidiligan ang aking mga alagang halaman." Walang gana nitong sabi sa akin at bigla na lang nabasa ng tubig ang aking mukha na nakapagpabalikwas sa akin ng bangon.
What the fuck?!
BINABASA MO ANG
Masked Lady (Bloodsucker)
VampireI just love traveling and taking scenery photos. But something happened, hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano. Basta nagising na lang ako isang araw na malakas ang pang amoy, pakiramdam at pisikal kong lakas. And mostly, thirst. Thirst, that o...