Nagising ako dahil sa sobrang init ng pakiramdam ko. Isama pa ang lalamunan ko na tuyot rin ang pakiramdam.Damn!
I headed downstairs at kumuha ng tubig sa gripo. I don't have a fridge here sa ngayon. Uminom ako ng uminom pero gaya ng dati wala itong effect. Umakyat na ulit ako sa itaas with a pitcher of water in my hand. I checked the time on my phone only to find out that it's already morning. Like what the hell? Hindi naman ako nakaramdam ng pagod kahapon sa byahe para hindi ko malaman ang oras ng itinulog ko.
Lutang akong lumabas ng kwarto ko and headed to the bathroom. Daig ko pa ang galing sa marathon dahil sa butil butil na pawis sa mukha at ibang parte ng katawan ko. Hindi na ako nag abala pang maghubad ng damit. Dumiretso na ako sa tapat ng shower at binuksan iyon. Napapitlag ako ng tumama ang malamig na tubig sa katawan ko. Malamig ang tama niyon sa balat ko pero mainit pa rin ang pakiramdam sa loob ko. Parang may kulang at hindi pagligo ang kailangan ko para mapunan iyon.
Umalis ako sa tapat ng shower at humarap sa salamin.
P*tang ina! I look horrible!
Pula na naman ang mga mata ko, nakalabas ang pangil habang maitim ang mga labi ko. Isama pa ang kulubot na balat ng mukha ko. I discarded my wet clothes at tumambad sa akin ang mumunting itim na ugat na nakabukol sa balat ko. I closed my eyes at nag unahang tumulo ang luha ko.
Why is this happening to me? Mabait naman ako, masunurin sa magulang --bago ako nagkaganito. Thoughtful. Generous. Pero bakit sa akin pa nangyari ito?
Blood. I needed blood. Pero saan ako kukuha? Umaga pa at matingkad ang sinag ng araw. Hindi ko naman pwedeng patayin ang caretaker ko dahil mawawalan ako ng katiwala dito. Hindi naman ako pwedeng lumabas at bumili sa hospital ng dugo dahil wala akong alam na idadahilan ko at wala naman akong connections. I'm just a nobody. What to do? What to do?
Pinakatitigan ko ang nilalang sa salamin. This isn't me. But I don't have a choice, hindi ko pwedeng pabayaan ang nilalang na ito dahil dito nakasalalay ang buhay ko. Itinaas ko ang braso ko at pinisil pisil iyon. Sabihin ng baliw ako pero ito lang ang alam kong solusyon sa ngayon. Kinagat ko ang braso ko hanggang sa bumaon ang pangil ko. It fucking hurts but I needed to endure the pain. I suck it hard at naramdaman ko ang pagdaloy ng sarili kong dugo sa lalamunan ko. I closed my eyes and keep on sucking. Hindi ito kasing sarap ng dugo ng mga naging biktima ko but it's not that bad.
Argh! I can't believe I'm eating myself!
Nang makuntento at makaramdam ng pagbabago sa katawan ko, sumalampak ako ng upo sa tiled floor ng banyo with heavy breathing. Jeez! Never in my entire life I could've imagined that I'll be doing this to myself. Pinahid ko ng braso ko ang labi kong may bakas pa ng dugo at tumayo. Bumalik ako sa tapat ng shower at tinapos ang panliligo. I grab my towel and wrapped it to my body. Natigil lang ako sa salamin para tingnan ang hitsura ko. And thankfully, okay na ang mukha ko. Hindi nga lang buhay na buhay tulad ng dati, I looked like I'm sick. But this will do, unlike earlier na mukha akong tuyot na demonyong tinubuan ng ugat.
Lumabas ako ng banyo at hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Anton.
"Yes?" Nakataas ang kilay ko habang nakatingin dito.
Natigil naman ito na pagtingin tingin sa loob ng kabahayan na tila may hinahanap.Hindi nakaligtas sa akin ang paghagod na naman nya ng tingin sa katawan ko. Jerk!
"M-may kinuha lang p-po ako mam sa kabilang kwarto." Sabay itinaas ang kamay na may hawak na martilyo.
Like seriously, ang martilyo nasa loob ng guest room? Isn't it supposed to be inside the stock room? Kahit hindi kumbinsido, tumango na lang ako at nilagpasan ang lalaki. I know he's up to something, pero wag na wag nya lang akong kakantiin. Lalo na kapag ganitong nagugutom ako.
I feel so freaking bored! Tinatamad naman akong lumabas dahil nanghihina pa rin ang katawan ko. I decided to clean the house, para malaman ko na rin kung ano ang mga kailangan ko pang bilhin kapag sinipag akong lumabas. I called Anton the caretaker guy to asked for some help. At kulang na lang mabali ang leeg kakatango sa akin. I clean my room first then the guest room. May mga naiwan pang mga gamit pero mukhang mga luma na. So I discarded it. Pwede silang idonate o kaya sunugin na lang. Bahala na mamaya. Habang abala sa paghahalwat ng gamit, I noticed this red dress. Nasa kaloob looban ito ng closet. At hindi mo ito kaagad mapapansin dahil nakabalot ito sa itim na tela. At dahil curious ako, kinuha ko at binuka iyon.
"Is this a ...mask?" Tanong ko sa sarili ko habang ineexamine ang bagay na pumatak mula sa itinuping pulang damit. Well, I guess it's really a mask. It's a leather mask na parang apoy ang hitsura dahil sa medyo pointed at paikot ang may dulo nito. It's color is red with a touch of black, same as the color of the dress.
Nang matapos maglinis ng kabahayan. Dala ang dress at mask na nakita ko sa guest room, I headed to my room. Humarap ako sa full length mirror ko at isinukat ang maskara, and it fits! Napangiti na lang ako sa tumatakbo sa isip ko habang tinitingnan ang bawat anggulo ko sa salamin.
Well, I guess this is really a blessing in disguise. I could use this while chasing my prey.
"I'm sorry people, I never wanted to hurt you guys, but I have to."
At mas lalo pang lumawak ang ngisi ko.
***
Keegan's mask on media..prey's. 😁
BINABASA MO ANG
Masked Lady (Bloodsucker)
VampiriI just love traveling and taking scenery photos. But something happened, hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano. Basta nagising na lang ako isang araw na malakas ang pang amoy, pakiramdam at pisikal kong lakas. And mostly, thirst. Thirst, that o...